KILLING SPREE (Worste Memoires Reminiscence)
By : Lance_Chrysostome
----------------------------X
January 27, 2327
[SATURDAY]
07:30 PM
THIRD PERSON'S POV
Kasalukuyang nagtatakbuhan ang tatlong nakakaawang nilalang. Hindi nila magawang tumigil sa pagtakbo, dahil kung sakaling gawin nila iyon ay madadakip sila ng humahabol na magkakaibigan. Base kasi sa mga narinig nila'y pinagdududahan sila ng mga ito, iniisip na sila'y kasangkot sa mga Killing Freaks. Tama nga, kasangkot nga sila....dahil sila ang target ng mga ito. Sila ang tinuturing na mga "Homeless One".
"Teka lang! *hingal* Hindi ko na yata *hingal* kaya!" Napatigil sa pagtakbo ang batang babaeng nagngangalang Marjiery. Hindi kasi ito sanay sa ganitong takbuhan, kaya mabilis itong mapagod. Saglit itong napakapit sa kanyang tuhod, at pilit pinupunasan ang nagtatagaktakang mga pawis.
"Marj, kayanin mo. Buhay natin ang nakasalalay dito." Pag-aalo ng dalaga. Ang pangalan nito'y Crystal. Crystal Princess kung mamarapatin nyong malaman ng buo.
"Oo. Tama si Crystal. Hindi muna ngayon ang oras para magpahinga. Kailangan nating magtago as soon as possible." Maawtoridad na saad ni Marcus. Despite his authoritative voice, fear is reigning in his mind. Hindi mabura sa isip nya ang mga pangyayari, na nagdulot sa kanya upang tumakas at hindi lumaban para sa kanilang kaligtasan. Bagkus, biglang naglaro sa kanyang utak ang samu't-saring eksena...
• F L A S H B A C K •
January 26, 2327
[FRIDAY]
12:39 PM
MARCUS' POV
"Oh, ano na? Payag ka na ba?"
"Nakasisiguro ka bang hindi mo kailanman gagalawin ang pamilya ko? Ang kaisa-isa kong anak?"
"Swear! Hinding-hindi ko gagawin..."
Naalimpungatan ako nung mga oras na iyon makaraang marinig ko ang may kalakasang pag-uusap mula siguro sa sala. May kaliitan lamang itong bahay namin kaya maski kaluskos ay tiyak na maririnig mo kaagad. Aaminin kong medyo salat kami sa salapi. Kitang-kita naman ito sa hitsura ng aming tahanan. "Iskwater". "NPA". Masasabi kong maihahanay kami sa ganyang estado ng buhay. Pero hindi ibig sabihin nun na malungkot kami, na sinisisi namin sa Panginoon ang lahat. Ang nakatutuwa nga'y kahit na mahirap kami't ganito lamang ang katayuan ng buhay namin ay mas pinili naming mamuhay ng ganito. Sadyang kontento na kami sa kung anong ibinigay sa amin at sa natatanggap namin.
Bumangon na ako sa papag at saglit na hinilot ang nangalay na batok. Tsk! Tanghali na naman ang aking gising. Makaraan ang ilang sandali ay isinuot ko na ang aking tsinelas at naglakad na palabas ng aking kwarto. Sa pagbukas ko ng pinto ay ang aking pagkabigla sa hindi inaasahang bisita.
Nakita kong medyo nataranta ang aking ama. Wala akong kaide-ideya kung ano bang meron at kung ano ba ang pinag-usapan nila. Sa aking kyuryosidad ay nagawa kong magtanong,
"Ta, sino po itong bisita natin? Ano pong ginagawa nya sa bahay natin?" Bakas sa tono ng aking pananalita ang kawalan ng kaalaman sa mga pangyayari. Saglit akong napatingin sa gawi ng bisita at hindi ko maipaliwanag ang naramdamang takot nang masilayan ko ang nakakaloko nitong ngiti. Hindi ko alam kung ito ba ang kanyang pambungad na bati sa kapwa nya, pero....ewan. Wala lang siguro iyon.
BINABASA MO ANG
KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]
Mystery / Thriller| ONHOLD | (LANGUAGE : TAGLISH) Annual Killing Spree (horrifyingly starts every January 27, 7PM to January 28, 7AM) is a disciplinary movement, that has a primary objective of EXPELLING unwanted and unimportant person within the society. But the thr...