KILLING SPREE (LET the FLAMES BEGIN)
By : Lance_Chrysostome
------------------------------X
January 27, 2327
[SATURDAY]
06:47 PM
LORAINE'S POV
We are in the dining table, eating spare ribs as the main course and pumpkin soup as a side dish, and at the same time, perceiving the tension built from the latter incident. Wala sa amin ang makapagsalita o kahit umimik man lamang. Maging sa pagpeprepare at sa pagluluto ng aming hapunan ay nanahanan parin ang katahimikan. Marahil kabado para sa napipintong event mamaya.
Habang kumakain kami ay aksidenteng nahulog ang kutsara ni Jodi, kaya lahat kami ay napatingin sa gawi nya. Agad din naman nyang inisod ang upuan at pinulot ang kutsarang nahulog. Sa pagtunghay nya ay may isa pa siyang napulot at agad nyang ipinakita sa amin.
"It's Kathleen's. Siguro'y hindi nya naramdaman na kumawala na pala ito sa wrist nya. Tsk! It's somehow important for us, lalo na mamaya.." Saad ni Jerico habang hawak-hawak at sinusuri ang GPS bracelet. Kung nakakalimutan nyo, Jerico take Mechanical Engineering as his course dahil hilig nito ang magkalikot ng mga wirings, magkumpuni ng mga appliances at his young age, at gumawa ng sarili nyang mga maniobra. Nakakamangha lang isipin na ganun na siya kaprofessional, kahit na baguhan pa lamang siya.
"Oo nga pala. Bakit hindi natin napansin na wala na pala sa tabi natin si Kathleen?" - Jodi
"Si Jervie pa? Nasan na kaya sila?" Vince asked in concerned tone.
"Wait! Jodi, diba pinuntahan mo siya sa guest room kanina? What happened ba?" - Ako
"Oo. E ayun, matigas talaga ang ulo.." Jodi explained, shaking her head.
"E ano ngang nangyari?!" Naiintrigang tanong ni Andrew. Lahat kami ay nakatingin kay Jodi, nag-aabang ng sasabihin nito.
Jodi heaved out a sigh as she revealed the happenings. "May nangyari kina Kathleen at Jervie..."
Napasinghap kami sa narinig. What?! Agad-agad? Wala pa mang bali-balita na sila na'y bigla-bigla kaming makakarinig ng ganun?
"What the hell? Are you effin serious, Jodi?" Neon exclaimed.
"Nasabi nya sa akin 'yun kanina. Iyak pa nga siya ng iyak. Nagulat man siya sa ginawang mga aksyon ni Jervie, alam kong nagustuhan nya rin iyon. Sinabi nya pa na dapat sila na, kung hindi lang daw naduwag si Jervie. I tried to comfort her pero ayaw nyang pakinggan ang mga sinasabi ko. As a bestfriend, I've tried..." Napayuko siya matapos sabihin ang huling pangungusap. "The mystery is, nasan na siya? Or should I say, sila? Nasan na silang dalawa? Hindi kaya sila ang may pakana ng mga ito? H-hindi kaya silang dalawa ang magkatulong para gawin sa atin ang mga bagay na nararanasan natin ngayon." Agad na napakunot ang noo ko sa mga sinabi nya. What? Siya itong bestfriend. Siya itong malapit sa kanya tapos siya ang numero unong mag-aakusa na siya ang may kagagawan ng lahat? Anong klase siya?
"Hoy Jodi." Napatayo ako at nakapameywang sa kanya. Tapos na naman akong kumain. "Kung makaakusa ka na siya ang nasa likod ng mga ito e parang wala kayong pinagsamahan. Ikaw pa man din itong labis nyang pinagkakatiwalaan pero ganyan ka. Bakit? May matibay ka bang ebidensya na siya nga? How dar---" Naputol ang sasabihin ko ng sawayin ako ni Vince.
"Ayan na naman! Mag-aaway na naman kayo! Put*ng*ina naman oh? Dumadagdag pa kayo sa problema e. Kung tumatahimik nalang kasi kayo, edi tapos. Iyang lintek na Killing Spree na lang sana ang iniisip natin.." Hinihilot-hilot pa nito ang noo habang nagsasalita. Marahil stressed na siya sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]
Misterio / Suspenso| ONHOLD | (LANGUAGE : TAGLISH) Annual Killing Spree (horrifyingly starts every January 27, 7PM to January 28, 7AM) is a disciplinary movement, that has a primary objective of EXPELLING unwanted and unimportant person within the society. But the thr...