KILLING SPREE (Just ARRIVED)
By : Lance_Chrysostome
------------------------------X
January 27, 2327
[SATURDAY]
01:48 PM
JOHN ANDREW'S POV
Halos atakihin ako sa puso dahil sa kaba nang marinig ang mga statements ni Loraine tungkol sa Killing Spree. Nakakapagtaka. Bakit ang dami niyang alam? Hindi kaya....hindi kaya isa siya sa mga Killing Freaks? Binabalaan na kaya niya kami dahil ito na ang huli naming araw?
"So, kung hindi ako nagkakamali.. Tayo? Tayo ang target?" Tumango si Loraine bilang tugon sa tanong na iyon ni Jerico. "P*ta! Kaya pala narinig natin ang broadcast kanina, ang lugar na ito ang nasa danger zone. Hindi naman sila magbababala kung nasa safe haven tayo."
"Marahil, sinabi na nila sa atin dahil sigurado silang mapapatay nila tayo. So, hanggang dito na lang tayo?" matamlay na wika ko. Ewan ko ba! Imbis na matakot ako'y mas naging kampante pa ako.
"Hindi, may paraan pa! Nakalimutan nyo na ba 'yung dalawa?" saad ni Kathleen na kakikitaan mo ng pag-asa ang tono ng pananalita nya. "Tawagan nyo sina Neon at Jervie. Sabihin nyo na imbis na pumunta sila dito ay humingi na lang sila ng tulong. At least kung mamatay man tayo, may makakaligtas naman.."
"Sige. Sige. Ito na, idadial ko na.." nilabas na ni Vince ang cellphone nya, nagpindot-pindot at saka itinapat sa tenga. Lahat kami'y nakatingin sa kanya, nag-aabang sa magiging konbersasyon ng dalawa.
*footsteps*
Napalingon ako sa may pintuan, maging sila'y napalingon din. Papalapit ng papalapit ang yabag na iyon, hanggang sa ito'y tumigil. Akala namin ay hanggang dun na lamang iyon, nang biglang pumihit ang doorknob at bumungad sa amin ang dalawang taong labis kaming tinakot.
------------------------------X
01:45 PM
NEON'S POV
Sa wakas, nakarating na rin kami sa rest house nina Kathleen. Nadatnan nga namin sa may kanto ang van na sinakyan nila papunta dito. Bakit naman kaya iniwan nila dun 'yun?
Ipinark ko na ang motor, ilang metro mula sa gate ng rest house, tinanggal ang aking helmet, at hinugot ang susi ng motor. Nagsimula na akong maglakad papasok sa rest house, habang si Jervie'y sumusunod lamang sa akin.
Pagbukas ko ng sliding door ay bumungad sa akin ang living room na nababalot ng nakakabinging katahimikan. 'Diba dapat pakalat-kalat lang sila kung saan? 'Diba dapat nagkakasiyahan sila sa oras na ito? E nasan naman kaya sila?
Habang paakyat kami ng hagdan ay may nakita akong mga tulo ng tubig. Sinundan namin ito at dinala kami nito sa kwarto na may nakalagay na 'Entertainment Room'. Hawak-hawak ko na ang doorknob at aktong bubuksan na ng biglang tumunog ang cellphone ni Jervie. Ipinagsawalang bahala ko na lang ito, hanggang sa tuluyan kong binuksan ang pinto.
"N-Neon? Jervie?" parang nakakita ng multo ang mga hitsura ng mga nadatnan ko sa kwarto. Sino pa? Edi 'yung mga katropa ko.
"O? Ba't parang gulat na gulat naman yata kayo? Anong bago?" I asked. "Are we uninvited?" dagdag ko pang tanong. Umiling naman ang ilan sa kanila.
"Napag-usapan kasi namin 'yung....Annual Killing Spree--something like that. E ayun, nagkatakutan. It's a serious problem Neon, lalo na't itong lugar na ito ang nasa panganib." Jodi explained trembling. Halata sa tono ng pananalita nya na takot na takot siya.
"Kung nagtataka ka kung ano 'yung Killing Spree, it's as complicated as this.." at 'yun nga, ipinaliwanag sa akin ni Loraine ang lahat.
"Hahaha. Ang galing nyong gumawa ng kwento ah? I'm convinced. Really." Natatawa kong tugon. Sa saglit naming pagkawala, nakaimbento agad sila ng kwento. Pilit nilang sinasabi sa akin na totoo iyon, pero hindi parin ako satisfied. Though kahit totoo pa 'yan, hindi naman ako masyadong interisado. Edi mamatay kung mamatay. Sabi ko nga, Anything happens for a reason. So kung mamamatay ako ngayon din, they have their reasons. The killers have their reasons, right? And in my part, I have a reason to defend myself also.
"Kanina pa namin kayo hinihintay. E bakit ngayon lang kayo dumating?" Andrew asked, changing the topic.
"Ah-eh yun nga, nagtagal kami sa may bandang SLEX. Ang hirap sumiksik, kahit motor na ang gamit namin.." napatingin sa akin si Jervie habang nagpapaliwanag ako. "Andami kasing mga nagrereklamo tungkol dun sa KS daw na 'yun. Para silang nagwewelga na patigilin iyon. So if I'm not wrong, 'yun 'yung sinasabi nyong Killing Spree?" Tumango sila. Well, I'm a bit satisfied.
Napadako ang tingin namin sa Flatscreen TV nang biglang magplay ang movie na siguro'y kakasalpak pa lamang. Kung hindi ako nagkakamali...
"Insidious 2 ba 'yan?"
"Oo. The usual movies.." -Kathleen na medyo nakarecover na sa mga nangyari.
Umupo ako sa sofa at nagsalita, "C'mon, pumunta tayo sa resthouse na ito para magrelax, hindi 'yung namomroblema tayo sa Killing Spree na 'yan.." nakangiti kong sabi. "So...nasan ang popcorn?" And with that, bumalik sa normal ang atmosphere sa loob. Nagtatawanan na kami at nagkakasiyahan.
------------------------------X
02:13 PM
JERVIE'S POV
Kasalukuyan kaming nanunuod ng horror movie, Insidious : Chapter 2 ang pamagat. The story's cool and nakakatakot talaga.
Ayun nga, naglalakbay na ang bida dun sa kakaibang mundo, nang biglang may sumulpot na multo sa unahan nya...
"AAAAAAACK!" napairit sa gulat si Kathleen, at dahil sa ako ang katabi nya, napayakap siya sa akin.
Pakiramdam ko'y nag-init ang katawan ko sa ginawa nya. Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap at binulungan, "'Wag kang matakot. Nandito lang ako..." Ewan ko ba kung anong topak ko't nasabi ko 'yun. Hinagod-hagod ko din ang buhok nya at pilit na pinapakalma.
Kathleen stiffened, at unti-unti nyang tinatanggal ang kamay nya na nakayakap sa akin. Nahiya siguro sa ginawa nya.
"Uhm, hehe. Sorry.." namumula nyang sabi. Mas bagay pala sa isang 'to ang sweet girl look, kesa sa pagiging bossy nya. Cute..
"Ayos lang. Basta ikaw.." sabi ko kasabay ng pag-irit ng mga kasama ko. Akala ko'y napairit sila dahil sa palabas, 'yun pala'y dahil sa amin. Tss. Mga tsismoso't tsimosa talaga oh!
"So, kayo na?" tanong ni Jerico ng may nakakalokong ngiti.
"Err. 'Wag nga kayo.." mas lalo pang namula si Kathleen dahil sa panunuksong iyon. Mas nag-init tuloy ako. Lihim akong napangiti ng may rumehistrong larawan sa utak ko.
"Maiwan muna namin kayo. May pag-uusapan lang kami.." pagpapaalam ko sa kanila. Tinahak namin ang daan palabas ng Entertainment Room habang hawak ko ang kamay ng dalaga. Hindi naman siya nagpoprotesta, at talagang sumusunod siya sa akin..
Dinala ko siya sa isang kwarto. Inilock ang pinto, sabay ng pagtulak ko sa kanya sa kama. It's showtime...
*end of KS3*
BINABASA MO ANG
KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]
Mystery / Thriller| ONHOLD | (LANGUAGE : TAGLISH) Annual Killing Spree (horrifyingly starts every January 27, 7PM to January 28, 7AM) is a disciplinary movement, that has a primary objective of EXPELLING unwanted and unimportant person within the society. But the thr...