KiLLiNG SPREE ~ VI (Who's MISSING & The PERPLEXED)

309 8 0
                                    

KILLING SPREE (Who's MISSING & The PERPLEXED)

By : Lance_Chrysostome

----------------------------X

January 27, 2327

[SATURDAY]

4:32 PM

KATHLEEN'S POV

*kruuuuuuuuuk*

Bumalik ako sa sarili kong huwisyo ng magreklamo ang mga ahas sa aking tiyan. Kanina pa kasi ako iyak ng iyak sa kaiisip ng mga pangyayari kanina, to the point na ikinalutang na ito ng diwa ko. Ilang oras na nga ba akong umiiyak? Parang pinapatay ko na nga ang sarili ko sa ginagawa kong ito e.

Napagdesisyunan ko nang bumaba para kumain. I can sense na nagluto sila ng pagkain, at siguro naman ay tinirhan nila ako. And as I was bluntly walking down the right staircase, walang kaingay-ingay akong naririnig kundi ang sarili kong mga yabag. Aba, in fairness, antahimik ng mga katropa ko ah? As far as I know, kami ang madalas na pinapagalitan ng mga guro namin back at high school. How I wish we could turn back time...

Nakarating na ako ng dining room, and surprised dahil may pagkain nga silang itinira sa akin. Sobra pa nga e. Nagsimula na akong kumain, without knowing na may tao palang kanina pang nakamasid sa akin....

----------------------------X

4:41 PM

THIRD PERSON'S POV

Matapos simutin ni Kathleen ang natitirang pagkain ay nilapag nya na ito sa lababo. Iuutos nya na lang sa katulong ang pagliligpit ng plato. Hindi kasi nito nakasanayang maghugas ng plato, lalo na't may katulong naman sila.

Aktong naghuhugas ng kamay si Kathleen ng biglang makarinig siya ng marahang mga yabag. Napalingon sya sa gawing iyon, at nakakita ng aninong unti-unting nalapit sa lugar nya. Ang labis na nagpakilabot sa kanya ay ang hawak nito....isang meat cleaver. Sa takot, dali-dali siyang nagtago sa gilid. May pader na nagtatakip sa puwesto nya mula sa taong nais yatang pumatay sa kanya kaya sa agam-agam nya'y hindi sya nito agad madadakip. Walang kasiguraduhan ang ideyang tumatakbo sa isip ni Kathleen, pero state the obvious, gusto siyang patayon nito. Ilang dangkal na lang ang layo nito kay Kathleen. Patuloy siya sa pagsiksik palikod at pigil na pigil ang paghinga. Patuloy sa paglapit ang taong nagmamay-ari nung anino, at sa biglang pagsandal ni Kathleen sa isang pintuan ay bumukas ito at ang tendency, nahulog siya pababa. May siwang kasi ang pinto at hindi ito napansin ng dalaga. Mataas ang pinagbagsakan nya kaya agad na nawalan ng malay ang dalaga. Nang malaman nung killer na wala ng malay si Kathleen, malakas nyang inilapat, nilock at nakangiting umalis mula sa pinto na may nakasabit na karatulang "Basement".

----------------------------X

5:53 PM

[BEDROOM 2]

Naalimpungatan si Loraine sa mahimbing na pagkakatulog nang makarinig ito ng malakas na ungol. Bumangon siya, at saglit na napahawak sa kanyang ulo. Parang binabarena ito sa sobrang sakit. Nang mawala na'y agad nyang nilapitan ang mga kasama at ginising. Pare-pareho ang naging pakiramdam nila sa pagbangon. Lahat sila'y napapahawak sa kanilang ulo. Napakunot ang noo ni Loraine sa mga nangyari...

"Ano ba naman 'yan oh? Napapasarap na ko ng tulog e.." reklamo ni Neon sa kaibigan.

"Oo nga. Ang ganda na nga ng panaginip ko e. May mga nakahain daw na mga babae sa h---" Hindi na naituloy pa ni Jerico ang sasabihin dahil binatukan siya ni Jodi.

"Bastos! Kahit kelan, kayong mga lalaki.ang lilibog nyo..' Nagtawanan naman ang kanyang mga kasama. "Pero seriously, ang himbing na nga din ng tulog ko. Why bother us?' Dagdag na tanong ni Jodi.

KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon