KILLING SPREE (NEAR the WIND)
By : Lance_Chrysostome
------------------------------X
January 27, 2327
[SATURDAY]
05:25 PM
KATHLEEN'S POV
Ugh! Ang sakit ng ulo ko, ng katawan ko, ng binti ko. Shet! Nalamog na ata ang buo kong katawan.
Itinungkod ko ang kamay ko para ako'y makaangat. Kumikirot ang katawan ko, kahit hinay-hinay na ang aking paggalaw. Ano nga bang nangyari? At nasan ako? Ba't ang dilim?
Meat Cleaver. Anino. Basement.
Agad pumasok sa isip ko ang nangyari kani-kanina lang. Ugh! So, I'm trapped here sa basement, kwartong pinakaayaw ko sa lahat. Nakakatakot kaya sa mga basement, na para bang may mga kababalaghang laging nangyayari. As if, makakakita ako ng kung ano dito.
*wooooooosh*
I sharply stiffened. Gosh! A-ano 'yung kaluskos na 'yun? Ayan kasi, kung anu-ano pa ang iniisip ko. B-baka? Baka merong espiritu dito na hindi matahimik at ginagambala ang mga taong nanghihimasok sa lungga nya. Baka may undead sa kwartong ito? Shet! Kinikilabutan ako sa mga lingering thoughts na umiikot sa ulo ko.
Hanggang sa may gumapang sa kamay ko. Syempre, sa takot, napapitlag ako at nagstruggle. Eeew lang! Hindi pa dun natapos, may dumapo naman sa hita ko. Take note : Hita, hindi binti. Nakamini-skirt kaya ako. Kaya ayun, nagtatalon ako. Sa pagtalon kong iyon ay sumabit ang buhok ko sa isang tali, at dahil magaslaw ako'y nahaltak ko ito pababa. Bumukas ang bumbilya at nagkaroon ng sapat na liwanag para ilawan ang lugar na kinaroroonan ko.
Pinagmasdan ko ang paligid. Kumpara sa magandang structure ng loob at labas ng rest house, ang isang ito ang parang napag-iwanan. Behind the gorgeous features of the house, there's a room which is left behind, and that's the basement. Parang outcast ang kwartong ito. Mabaho. Mainit. Madumi. Puro ipis at daga. Maraming sirang gamit. Like Duh! Seriously, Kathleen. Basement ito. Saan ka nakakita ng basement na makalaglag panga ang ganda and well-organized ang mga gamit from the oldest to newest. Hayy nako! Nawawala na ako sa sarili ko.
Nagsimula na akong maglakad. I need to find a way to escape here. Baka mamaya, nakatakas na pala ang mga kaibigan ko, ako na lang pala ang natitira. Kawawa naman ako.
Bawat makita kong tali ay hinahaltak ko para sumindi ang mga bumbilya. Kailangan ko ng ilaw para makita ang kabuuan ng nilalakaran ko, at ng paligid ko. And base sa nakikita ko, compared sa ibang mga basement, this one has a big difference. Ang kadalasan ay isang malaking room lang, pero ito hindi. Maraming kwarto dito, at bawat kwarto ay parang may mga blood stains. Ayoko mang magduda, pero isinisigaw ng utak ko na parang ginamit ang bahay na ito sa isang slaughter/massacre, something like that. Kung nasa matino ka ba namang pag-iisip, anong unang papasok sa isip mo pag nakakita ka ng red stains sa dinging, knowing na basement pa ito. Umiling na lamang ako bilang pagbabalewala sa mga iniisip ko, at nagpatuloy sa paglalakad. Mas priority ko ang makalabas sa lugar na ito, hindi ang alamin ang misteryo nitong bahay.
Habang papalayo ako ng papalayo sa kinalagpakan ko kanina, palambot ng palambot ang lupang tinatahak ko. Hanggang sa makarating ako sa dulo ng basement. Parang tunnel ang dadaanan ko at kailangan kong gumapang. Aktong pagapang na sana ako ng narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto. Agad akong napatayo. Buti naman at may nagbukas na ng pinto para sa akin. Medyo malayo na ang distansya ko mula sa kinabagsakan ko kanina kaya humahangos akong tumakbo pabalik doon pero nagimbal ako sa nakita ko. A-ang mga katulong? S-sina Aling Rosie, Ate Magda at Ate Lourdes? Sinong walang puso ang pumatay sa kanila? Pinagulong na lang pababa dito sa basement ang walang buhay nilang katawan. Napako ako sa kinatatayuan ko, at hindi ko na napigilan ang mga nag-uunahan kong luha.
BINABASA MO ANG
KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]
Mystère / Thriller| ONHOLD | (LANGUAGE : TAGLISH) Annual Killing Spree (horrifyingly starts every January 27, 7PM to January 28, 7AM) is a disciplinary movement, that has a primary objective of EXPELLING unwanted and unimportant person within the society. But the thr...