KiLLiNG SPREE ~ II (Inadequate DETAILS)

244 8 0
                                    

KILLING SPREE (Inadequate DETAILS)

By : Lance_Chrysostome

-------------------------------X

January 27, 2327

[SATURDAY]

01:29 PM

JERICO'S POV

Napakayaman talaga ng lahi nitong si Kathleen. Akalain mo nga namang may ganitong kalaki at kagandang rest house. Rest house pa lang ito ah? 'Di hamak na mas malaki pa sa bahay namin.

"Jerico, SALO!" nagulantang ako sa malakas na pagsigaw ni Andrew. Tsk! Mabuti't nasalo ko 'yung frisbee, kundi tatakbo ako ng 5laps sa field na ito.

Nang mapagod kami (naaawa na kami kay Loraine dahil siya na lang lagi ang taya), umupo kaming tatlo sa damuhan at sandaling nagmuni-muni.

"Antagal na pala ng pinagsamahan natin noh? Hindi ko akalain na magtatagal tayo ng ganun." I broke the silence. Wala lang. Sumagi lang sa isip ko ang mga memories namin nung high school. Nakakalungkot lang isipin na kulang pa ang panahong iyon para sa amin.

"Oo nga e. Parang kelan lang, mga bata pa lang tayo at napakababaw ng mga kaligayahan." John Andrew said, in his deep voice. "Ayt! May napag-iwanan pala.." dagdag nya.

"He! Magtigil nga kayo. Ako ba'y iniinsulto nyo? Purkit ang height ko'y consistent e ganyan nyo na ako mabiro-biro. Cute naman ako!" bulyaw ni Loraine sabay pacute na pose, dahilan para magtawanan kami. Agad naman din itong napigil ng biglang tumunog ang speaker na nasa terrace ng rest house. Medyo malayo kami, pero malinaw na malinaw namin itong narinig....


-------------------------------X

VINCE' POV

"Paunahan tayong makalangoy papunta sa kabilang side oh?" paghahamon sa akin ni Jodi. Aba, ako pa ang hinamon ah? Pwes, ihanda nya na ang sarili nya sa pagkatalo.

Nandito nga pala kami sa likod na bahagi ng rest house, nagbababad sa swimming pool.

"Sure, 'yun lang pala e." agad-agaran kong pagsangayon. Pumuwesto na ako sa gilid at naghanda para sa aming paligsahan. Nagsmirk pa ako sa kanya. Ha! Akala mo matatalo mo ako..

"On our mark, get set....GO!"

Pagkasigaw na pagkasigaw nya ay dali-dali akong sumuong sa tubig. Medyo matagal akong nakapailalim sa tubig, dahil sanay na ako sa pagpigil ng hininga. Nang kapusin na ako'y umangat na ako't ikinampay ang aking kamay, hanggang sa makapa ko na ang dingding ng swimming pool. Tumunghay na ako't naghabol ng aking hininga. There, napatunayan ko na sa inyo kung gaano ako kagaling at kabilis lumangoy, simple as that.

Pero teka, bakit parang nawala 'yung katunggali ko? Bakit walang umahon sa kaliwang bahagi ko? Diba kasabay ko lang naman siya sa paglangoy? Di kaya...

Nilingon ko ang bahagi kung saan sya nakapwesto kanina at ayun nga, palutang-lutang siya. F*ck! Agad na nagwala ang puso ko sa kaba at walang anu-ano'y nilapitan ko siya.

"JODI! JODI, GUMISING KA!" inalog-alog ko ang katawan nya. P*ta! Wag mo naman kaming iwan agad, Jodi! "WOI, WALA NAMAN--" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil tumunghay siya't napahagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHA! Sabi na nga ba mag-aalala ka e. HAHAHAHAHA!" patuloy lang siya sa pagtawa. Psh! Pagtripan daw ba?

"Psh! Hindi magandang biro 'yan ah? Hindi biro ang kamatayan, Jodi. Paano kung nagkatotoo 'yang prank mong 'yan? Matutuwa ka ba? Ikatutuwa ba namin 'yun?" inis kong sabi sa kanya. "Paano kung may mamatay sa atin ngayon? Diba hindi nakakatuwa?" dagdag ko pa.

KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon