KiLLiNG SPREE ~ IX.II (A SAFE HAVEN)

136 5 0
                                    

KILLING SPREE (A SAFE HAVEN)

By : Lance_Chrysostome

----------------------------X

January 27, 2327

[SATURDAY]

07:12 PM

THIRD PERSON'S POV

Makaraang igapos at ikulong sa security room (which is ang napagkasunduang kwarto na kalalagakan ni Jervie), iniwan na ng tatlo ang nakakaawa at wala ng malay na kaibigan. They'd closed the door and make sure that he can't get his way out through putting baricades at the door. Labag man sa kanila ay kailangan nilang gawin ito, dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang magawa ng kaibigan sa kanila. Gusto man nilang makasama ito sa mga oras na iyon ay hindi talaga maaari. Siguro'y hanggang doon na lamang ang magiging kapalaran ng katropang si Jervie.

"Dude, parang may mali...Sa tingin ko hindi dapat natin ginawa 'yun kay Jervie. Wala namang nangyaring masama noong makita natin siya sa kwarto kasama si Loraine. May hawak lang naman siyang k-kutsilyo, yun lang. Malay mo naman, nasindak lang si Loraine dahil nga sa nakita nya kaya bigla syang sumigaw. At maging tayo....wala tayong ebidensya..." Makahulugang saad ni Vince. Sa isip-isip nya'y kaibigan nya parin si Jervie kahit na ano pang mangyari. Hindi mawawala 'yung pagmamahal at pag-aalala mo sa taong minsan ng naging malapit sa buhay mo.

"Tss. Whatever you may say Vince, wala na. Wasak na lahat ng pagtitiwala ko sa kanya. Seeing him on that situation, knowing nawala pa siya ng mga ilang oras at ng muli natin siyang makita e ayun nga, may hawak pa siyang kutsilyo, sa tingin mo, kung nasa matino ka pang pag-iisip, anong unang papasok sa isip mo 'pag nakita mo 'yun? Alangan namang icheer mo pa siya sa ginagawa nya." May pagkasarkastikong komento ni Andrew sa sinabing statement ni Vince. Katahimikan ang sunod na naghari matapos ang mainit na talakayang iyon. Agad na napaisip si Vince sa sinabi ng kaibigan,

'WTF! Iba na talaga ang nakamulatan kong tropa kumpara ngayon. Andrew acts like he's very opposed to anything. Nakakahalata na ha! Jervie's so creepy, and behind those timid figure, there's something that he wants us to unfold, I guess. Loraine's so lame, which is different from her, na parang dati lang ay kaigihan siyang mangulit sa amin. Neon's too silent, barely speak and oftenly throw jokes. Jodi, as usual is as always beautiful, wait no, scratch that. She acts like a boss, talk like a boss. She wants the attention on her. Jerico...hmmm? He has something that evades his attention to us, and his awareness to this scary event. Kathleen's missing, and hasn't even stepping out since the announcement had arrived (again). And me, I always had this unusual feeling and had forfeited my mind from the lingering malevolences. To sum up, we're not our usual self after all. It feels like everything has changed. Hayyy. Bangag lang siguro ako. Nah! Erase those thoughts. Shook those strange notions away. It's just an intruding malice.'

Nabasag ang katahimikan, at maging ang pagmumuni-muni ni Vince nang makarinig sila ng malakas na hiyaw at paghingi ng tulong. Mukhang galing ito sa labas...

"Tulungan nyo kami..." Sigaw ng isang babae, na kung titignan ay maihahambing kay 'Maria Clara'. Hindi lang dahil sa mahinhin at malumanay ito, bagkus ay dahil sa pagiging disente at sa pagkainonsente ng mukha nya.

"Tao po! Alam po naming may tao diyan! Buksan nyo po ito!" Saad ng isang binata habang kumakalabog sa fiber glass na pintuan. Matangkad, payat at halatang pagod ang postura nito, at kung titignan ay mukhang siya ang pinakamatanda sa kanila.

"Para nyo na pong awa! *sniff* Kailangan po namin ng tulong nyo. Papasukin nyo po sana kami kung maaari..." Umiiyak na tugon ng nakasalamin na batang babae. Siya ang kaliitan sa kanilang tatlo, pero mahihinuha mong siya ang pinakamatalino at pinakatransparent.

Nagkatinginan sina Vince, Jerico at Andrew pagkarinig sa mga daing ng mga tao sa labas. Confused, they started to sneak out through the hallway. Hindi muna sila nagpakita sa mga ito, bagkus ay sumilip muna. Hindi sila nakasisiguro kung ang mga ito ba'y mga kakampi o kalaban. Malay ba nila kung isa pala sa mga ito'y kaanib ng kilusang tinatawag na "Killing Freaks".

"Oy, pre. May chix o--aray! Eto naman. Biro lang..." Mahinang sabi ni Jerico, pero agad namang napigil ang nais sanang iparating dahil siniko siya ni Vince sa may tagiliran.

"Tsk! Wag ka ngang maingay..." Bulong nito sa kaibigan. "Wag muna tayong magpakita sa mga ito. Baka isa itong patibong..." Dagdag pa ni Vince. Napatango na lamang si Jerico sa sinabi nito.

Out from nowhere, nakita nila si Jodi na kumakaripas ng takbo papunta sa may pintuan at agad na binuksan ang pintuan without any hesitation. Kasunod naman nya sa likod si Neon na parang tutulungan ang kaibigan para papasukin ang tatlo.

"What are you doing Jodi?! We don't know if it's a trick or what?! We don't f*ckin---" Nanggagalaiting pagpigil ni Vince pero huli na siya. Nakapasok na ang tatlo sa loob.

Napa-face palm na lang siya makaraang makatapak na ng tuluyan ang mga nakakaawang nilalang sa rest house.

"Are you insane Jodi? Bakit mo pinapasok 'yang mga 'yan? You don't know them right? Anong kahibangan ang nagtulak sayo para pagbuksan sila? Hindi natin alam kung ano bang dala ng mga yan? Tsk!" Napasabunot sa kanyang buhok si Vince dahil sa inis.

"Guys, hindi ba kayo naaawa sa kanila? They're seeking for help. They're tired and homeless. Wala ba kayong mga puso?" Nahahabag na sabi ni Jodi.

"Oo nga naman. Can't you see? Nakakaawa ang mga itsura nila. For God's sake, tulungan naman natin sila." - Neon

"Awa? Tulong? Agad-agad? Hindi naman sa pagmamanipula ko sa mga bagay-bagay pero dapat siguro'y hindi muna natin sila pinapasok dito. We're not even su---" Naputol ang sasabihin ni Vince dahil nagsitakbuhan ang tatlo papunta sa hindi malamang paroroonan. Napakamot na lang siya sa kanyang kokote sabay sabing, "Sinasabi ko na nga ba?! P*ta naman!"

"Habulin natin sila. Baka kung ano pang gawin nila dito, pati narin sa atin at sa iba." Andrew adjure with authority, and began chasing those creepers, leaving Jodi and Neon surprised for that act.

----------------------------X

07:15 PM

KATHLEEN'S POV

Ilang oras na nga ba akong stucked dito? Argggg! I can't even find another entrance to this freaking resthouse. Maybe knocking in the wooden ceiling would be a great help.

Sumampa ako sa grand piano na nakapwesto sa gilid. Hindi ko kasi maaabot kung sakaling wala akong pagtutuntungan.

*thud thud* Kumatok muli ako ng isa pa. Mas malakas..

*thud thud thud---eeeeeeenk*

Sa pagkatok kong iyon ay medyo umangat ang kisameng gawa sa kahoy, dahilan para magkaroon ng siwang mula sa taas. Noong una'y medyo nasindak ako sa nangyari? Paano nangyari iyon? Hindi kaya may hindi ako nalalaman tungkol sa bahay na ito?

Nga pala, dinala ko ang mga bangkay ng aming kasambahay sa pangalawang kwarto nitong basement. Kahit na ako'y diring-diri at awang-awa sa sinapit nila ay pinili kong isangtabi ang kanilang mga bangkay at sakluban ng kumot nang sa gayon ay hindi mangamoy.

Pero imbis na isipin iyon, kung ano ang misteryo ng bahay, ay ipinasawalang bahala ko na lang. Mas priority ko ang makalabas sa malaimpyernong lugar na ito. Sinubukan kong iangat ang siwang ng kisame ngunit hirap akong gawin iyon. Parang may nakaharang na bagay o kung ano. Gamit ang nakita kong tabla, sumubok pa ako sa ibang pwesto at kumapa-kapa ng maaaring iangat. At dinala ako nito sa ikaapat na kwarto. Pinagpatong-patong ko ang mga bagay na nakikita ko (appliances, upuan, at iba pa) upang ito ang maging sampahan ko. Umangat na ito ng tuluyan at saka ko inilusot ang ulo ko upang tignan kung nasaang kwarto ako napunta.

"T-this is it!"

*end of KS9.2*

A SAFE HAVEN // Yeah! Sa wakas, nakaentrada na ang mga Homeless one. Ü And palapit na ng palapit ang mga madugong eksena. Kapit-kapit din pag may time. HAHAHAHA! xD

Guys, pwede pang humabol sa recruitment of characters. May slot pa. Ü

--Lance_Chrysostome (apologizing for the super late update)

KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon