KILLING SPREE (SUPPRESSED JUSTIFICATION)
By : Lance_Chrysostome
------------------------------X
January 27, 2327
[SATURDAY]
07:00 PM
NEON'S POV
Kumaripas agad ako ng takbo makaraang marinig ko 'yung advisory na iyon. Lintik na 'yan o? At talagang sang-ayon pa ang gobyerno dito?
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad si Andrew na panay ang pagmamasid sa mga palamuti ng bahay. At parang wala siyang pakialam sa mga mangyayari. Agad ko siyang tinanong, "Nasan na ang iba?"
"Aba, malay ko. Baka nandiyan lang sila sa tabi-tabi." Pabalya nyang sagot. Saglit akong napakamot sa ulo ko. Ang ayos mong kausap ah?
Bigla naman akong nakarinig ng pagbukas ng pinto mula sa ikalawang palapag, at niluwa niyon si Jodi. Mula sa taas ay nakita ko siya, at tinitigan nya ako. Bilang ganti ay tinitigan ko din siya. Walang ni isa sa amin ang gustong mag-alis ng tingin. Kung hindi lang sumingit si Andrew ay hindi sana ito matitigil.
"Teka, naririnig nyo ba 'yun?" Saad niya habang nakikiramdam.
*thud thud*
Aba, oo nga. Parang galing ito sa......sahig. At paano namang nangyari na nagkakaroon ng ganoong tunog mula sa baba?
*thud thud thud*
"Sa tingin nyo, ano iyon?" Muling pagtatanong ni Andrew. Napakibit-balikat na lang ako. Mahirap namang manghula kung ano iyon kung hindi mo naman talaga alam. Muli akong sumulyap kay Jodi. At ayun na naman siya, nakatingin na naman. Bakit ganito makatingin ito? Parang nababasa ko sa kanyang mukha ang pagkatakot at pagkabahala. At parang may nais siyang sabihin...
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!"
Nagulantang ako sa malakas na sigaw na iyon. Boses iyon ni Loraine at galing iyon sa taas. Hindi pa muna ako nakagalaw sa pwesto ko, malay ko ba kung anong maaaring nangyari. Pero nung magsink-in sa akin ang magaganap na patayan ay agad akong napatakbo pataas at hinanap ang kwarto kung saan nakalagak si Loraine. Malay mo, 'yung killer na pala ito at si Loraine ang balak sampolan ng unang hagupit ni kamatayan. Sumunod naman sa akin ang dalawa, at dinala kami ng aming mga paa sa dulong kwarto. Bukas naman ito kaya pagkahintong-pagkahinto namin ay agad tumambad sa amin ang.....
"J-jervie?" Nauutal na sabi ni Jodi. May hawak itong kutsilyo na aktong ipangsasaksak ata kay Loraine ngunit naudlot kasi dumating kami. Ha! Ikaw lang pala ang killer. Kaya pala hindi ka namin mahagilap sa buong bahay...
Napalingon siya sa gawi namin at maging siya'y nagulat din, kaya nabitawan nya ang kutsilyo.
"Let me explain. It's not what yo---" Hindi nya na naituloy pa ang sasabihin dahil sumugod na sa kanya si Andrew at pinagsasapok.
"P*tang*na mo! Ikaw pala ang nasa likod ng mga ito. G*go! Tinakot mo pa ko! Anong kasalanan namin sayo, ha? Sumagot ka!" Hindi tinantanan ni Andrew si Jervie. Makaraang tumaob ito'y pinagtatadyak pa. Puro sugat at gasgas na ang mukha ni Jervie, pero ang ikinagulat namin ay ang pagngiti nito. At nagawa nya paring ngumiti ngayong bisto na siya?
"Hahahaha. Sapat na ba ang mga nakita nyo? O mga bulag lang talaga kayo? Mga hangal! Masyado kayong nagpapauto. Hindi sapat ang mga nakikita para mapatunayan ang isang bagay. Minsan, niloloko lang kayo ng mga nakikita nyo. Hahahahaha." Nababaliw na tugon nito sabay dura ng dugo.
"Tumahimik ka! Huwag mo kaming paikutin sa mga kasinungalingan mo." Napalingon kami sa nagsalitang si Jerico na nasa likuran namin. Good. You're right Jerico. And well, nowhere to hide, Jervie.
"O? Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tanong ni Vince na nakisingit na rin sa usapan.
"Itali na muna natin siya. Maganda kung sila ang papatay dito, hindi tayo. Ayaw naman siguro nating mabahiran ng dugo ang mga kamay natin diba?" Suhestiyon ko. Nakita kong napatango ang ilan. "Magandang ilagay natin siya sa isang kwarto, itali sa upuan nang sa gayon ay wala na siyang kawala kung sakaling madatnan siya ng mga Freaks. Simple as that." Dagdag ko pa. Matapos kong sabihin iyon ay agad silang nagtake-action. Kinaladkad nina Andrew, Jerico at Vince ang nakakaawang si Jervie samantalang naiwan naman kami ni Jodi sa.kwarto kasama si Loraine.
"Hindi ba masyadong masama itong ginagawa natin?" Bulong ni Jodi sa akin, pertaining dun sa ginawa at mangyayari kay Jervie.
Tumingin muna ako sa nangangatal na si Loraine bago magsalita, "Ano ka ba naman? Ngayon mo pa pag-iisipan iyang mga ganyan? Isipin mo na lang lahat-lahat. Hay nako, Jodi. Ewan ko ba kung anong nagustuhan mo dyan sa Jervie na 'yan. Alam mo namang kay Kathleen lang 'yan diba?"
Oo. May pagtingin din si Jodi kay Jervie. Hindi na nga yata basta pagtingin iyon e, pagmamahal na ata. Kaya nga kanina, nang makita ni Jodi si Jervie ay mautal-utal niya itong tinawag. Pero wala, kay Kathleen na talaga ang g*go. Kailangang magparaya.
Parang biglang nag-iba ang timpla ng mukha nya. "Oo na. Sige na. Payag na ako. Para sa nasaktan kong puso." Matawa-tawa pa ako sa huli nyang sinabi.
Nilapitan na namin si Loraine at pilit na pinapakalma. Siguro'y natrauma siya sa mga nakita niya kanina.
------------------------------X
07:09 PM
THIRD PERSON'S POV
"Loraine, tahan na. Nandito na kami." Pag-aalo ni Jodi sa kaibigan. Ngunit ikinabigla nilang dalawa ni Neon ang ginawa ni Loraine.
"Bitawan mo nga ko. Hindi ko kailangan ng concern nyo." Sabay takbo paalis ng kwartong iyon. Nagtatakang nagkatinginan sina Jodi at Neon.
"Problema nun?"
*end of KS9.1*
SHORT UPDATE~ Ü
SUPPRESSED JUSTIFICATION // HMMM! Ano kayang ibig sabihin nito. Maging ako e hindi ko alam kung ano ba yun? xD Masyadong malalim dre. HAHAHAHA!
------------------------------X
KILLING SPREE event : (Recruiting Characters Ü)
@Sa mga taong nagbabasa nito na gustong makasama sa story:
*Hit Vote and Comment (Ngayon lang ako magpapaganito ha? Sa mga may gusto lang naman e. Ü)
*Follow me. Mas magugustuhan ko 'yun. (Again, hindi naman ito pamimilit. Sa mga may gusto lang)
*I-message nyo ako sa MB ko to remind me if nagawa nyo. Tell me your full name, and voila, you could be a part of this story.
In the end, kukuha ako ng not more than 4 characters na papasok sa story. There's no risk in trying. xD
PS. Sa mga may gusto lang. I'm not forcing you. HAHAHAHA! Ü
--Lance_Chrysostome na first time magpaganito, hoping maging successful.
BINABASA MO ANG
KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]
Mystery / Thriller| ONHOLD | (LANGUAGE : TAGLISH) Annual Killing Spree (horrifyingly starts every January 27, 7PM to January 28, 7AM) is a disciplinary movement, that has a primary objective of EXPELLING unwanted and unimportant person within the society. But the thr...