KiLLiNG SPREE ~ V (UNAWARENESS Test)

183 7 0
                                    

KILLING SPREE (UNAWARENESS Test)

By : Lance_Chrysostome

-------------------------------X

January 27, 2327

[SATURDAY]

03:23 PM

JOHN ANDREW'S POV

"Pakigupit naman oh?" utos ni Loraine sa akin. Kinuha ko ang gunting na nakapatong sa lamesa at ginupit ang plastic na pinaglalagyan ng sauce.

Kung nagtataka kayo kung anong ginagawa namin, nagluluto kami ng Pancit Canton, which is good for 10 people. Sobrang dami nga ng Noodles na pinapakuluan namin, to the point na hirap kaming hanguin iyon. Psh! Ano bang kinalaman ng Pancit Canton sa kwentong ito?

Aktong ibinubuhos na ni Loraine ang sauce na plato nang biglang dumating si Jodi na wari mo'y binagyo ang mukha. Paano ba naman, nanlilisik ang mga mata nya at nakakunot pa ang mga noo.

"Oh? Anong tinitingin-tingin nyo dyan?" Nababanas na tanong niya. Nakaramdam siguro, lahat ba naman kami'y nakatingin sa kanya. Bumalik naman kami sa kanya-kanya naming ginagawa. "Bilisan nyo nga! Nang makakain na tayo..." dagdag nya pa.

Hayyy. Heto na naman tayo. Sa tuwing nagpapalit ng anyo si Jodi, tiklop kaming lahat. Dalawa kasi ang katauhan ng babaeng iyan. Ang una, sweet and cheerful Jodi. 'Yun bang mapagbiro, masayahin at purong positive vibes ang nakikita mo sa hitsura nya. Ang isa naman, dark and vengeful Jodi. Ito ang anyo nya ngayon. Nagiging ganito siya 'pag sobrang upset or sobrang galit/inis. Bihira lang siyang maging ganyan, pero once na maging dark and vengeful siya, matakot ka na. Hindi mo alam ang mga maaari nyang gawin...

Nang maprepare na namin ng ayos ang pagkain ay agad naming nilantakan ito. Spell gutom, K-A-M-I except Jerico, pero san ka, nakain na naman.

"Oy Jerico, hindi lang lobo ang naputok." pagbibiro ko sa kanya. Saglit na napakunot ang noo nya, pero agad din naman nyang nakuha ang sinasabi ko.

"Ang dadamot nyo kamo. Konti na nga lang kinuha ko kasi tinirhan pa sila Kathleen at Jervie..." saad ni Jerico. "Oo nga pala, nasan na 'yung dalawa?" Nagkibit balikat ang kami sa tanong nyang iyon, dahil hindi naman namin alam. Kaya naman siguro nilang pumunta ng kusina kung sakaling magutom sila diba?

Nang matapos akong kumain ay nagboluntaryo akong maghugas ng pinggan. Sinisipag ako ngayon. Agad din silang natapos kaya sinamsam ko na ang plato papunta sa may lababo. Hanggang lababo ba naman, mamahalin pa din ang yari. Ano pa bang kulang sa bahay na ito?

Napaisip ako sa sarili kong pakiwari. Katulong. Guards. Iyon ang kulang dito. Kaganda-ganda ng bahay. Pangmayaman, pero walang katulong. Hindi naman sa nangingialam ako sa mga bagay-bagay, pero diba, kadalasan ng mga mayayaman ay may mga ganyan?

Napailing na lang ako sa naisip kong iyon. Resthouse lang ito kaya siguro walang katulong. Mabuti na nga sigurong walang mga katulong kasi wala kaming maiistorbo, and at the same time mas may urge kaming magfeel at home. 'Pag may katulong kasi nakakahiya.

Kinuha ko ang I-Touch ko sa bulsa at nagpatugtog.

♪I came in like a wrecking ball

I never hit so hard in love

All I wanted was to break your walls

All you ever did was wreck me♪

Ano ba 'yan! Sa dinami-dami ng kantang magpaplay e ito pa. Kunsabagay, shuffled playlist naman kasi kaya random.

♪I came in like a wrecking ball

Yeah, I just closed my ey---♪

Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumigil ang kanta. Nababakla na nga ata ako't feel na feel ko na ang vengeance ni Miley e, biglang nilipat naman nitong isang 'to. Patuloy lang sya sa pagdutdot hanggang sa ilapag nya na muli ang cellphone ko at tuluyang umalis.

♪I've got the eye of the tiger

Fighter, Dancin' through the fire

Cause I am the champion

And you're gonna hear me Roar♪

Ayaw siguro nung isang 'yun ang mga senti na mga kanta. Hinayaan ko na lang, at nakisabay sa kanta kahit na hindi ko naman talaga masabay-sabayan Bakit ba? E masayang kantahin 'to e, napaka-lively.


-------------------------------X

4:09 PM

Itinaktak ko na ang aking basang kamay sa lababo at saka nagpunas. Katatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan namin. Mabagal talaga akong kumilos kasi pinag-iigihan ko lahat ng mga gawain. Hindi 'yung basta-basta lang para mabilis matapos.

Kinuha ko na ang cellphone ko at naglakad papuntang living room, pero wala akong nadatnan. Aba, nasaan na naman kaya 'yung mga 'yun? Siguro, nasa taas sila.

Pumanhik ako, at inisa-isa ang mga kwarto. Bale sa kaliwang hagdanan ako dumaan kasi 'yun ang pinakamalapit.

Nalagpasan ko ang Maintenance Room, Security Room at Master Bedroom. Hanggang sa mapatigil ako sa isang kwarto. 'Maid's Room?'

Parang kanina lang iniisip ko kung bakit walang mga katulong dito. E ano 'tong kwartong ito? Marahil sa curiosity ko ay ginusto kong pasukin ito. Hinawakan ko na ang doorknob, na medyo may malagkit na para bang may kung anong humawak dito kanina, at sinimulang pihitin hanggang sa tuluyan itong bumukas.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan pagkabukas na pagkabukas ko pa lang dito. Pati ang sikmura ko'y nakisabay sa kilabot na aking naramdaman. Hanggang sa tuluyan na akong maduwal dahil sa gimbal at pandidiri sa nadatnan ko. Sino ba namang hindi mandidiri, kung ganito ang masasaksihan mo.

Tatlong babae, na pawang mga katulong dahil nakasuot sila ng ganung kasuotan, ay parang pinaglaruan ni Kamatayan.

Ang isa, nakasabit ang dalawang kamay sa kumot na nakatali sa kisame't wakwak na wakwak ang katawan. Talagang bukas na bukas ito. 'Yung para bang bangus na dinaing. Ganun na ganun. Ang mga laman-loob nito'y nagkalat sa sahig at mahihinuha mong sariwa pa.

Ang pangalawa naman ay nakaupo sa isang rocking chair. Nakapako ang mga kamay at paa nito sa mismong upuan. Puro butas ang iba't-ibang bahagi ng katawan nya. Sa di kalayuan ay may dalawang maliit na poste na may mga mahahabang pako. Pumasok ang nakakadiring scenario sa isip ko. Marahil habang umuugoy ang rocking chair ay nagsisitusukan ang mga malalaking pako, which is nakatapat ang mga poste sa harapan at likuran nya. Hindi nya naman magagawang magpumiglas dahil nakapako siya.

Ang pangatlo, ang pinakanakakaawa sa lahat. Chop-chop na chop-chop ang katawan nya. Nakasettle ang mga parte ng katawan nya sa kama. Nakaform ito ng tao, pero hindi literally magkakadikit ang mga parts ng katawan kasi chop-chop na nga. Sa may paanan nya ay may nakalagay na makalawang na lagare na siguro'y ginamit pamputol kaya hindi ito pantay-pantay. Ang nakakakilabot lang ay bawat parte ng katawan ay may nakasulat...

Head - Kathleen

Right Arm - Jodi

Left Arm - Andrew

Body - Jerico

Left Thigh - Loraine

Right Thigh - Vincent

Left Leg - Jervie

Right Leg - Vince

Wait? K-kaming magkakatropa ito ah? B-bakit? Anong meron?

Dahil sa mga nakita kong iyon ay unti-unti akong napapaatras. Pilit kong sinasabi sa isip ko na baka nagkataon lang ang lahat. Pero hindi e. Mga pangalan namin iyon.

Atras ako ng atras hanggang sa tumama ang likod ko sa----isang tao? Lilingunin ko dapat sya pero bigla nyang tinakpan ang bibig ko. Nasinghot ko ang pampatulog hanggang sa tuluyan na akong mahimatay....nang hindi nakikita kung sino ang taong gumawa sa akin nun.....

*end of KS5*

Hanggang dito muna. HANGGANG SA MULI~

Note ni Lance_Chrysostome na bagsak sa FINALS -.-

KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon