MFCS 2: She's Messing My Mind

98 11 3
                                    

HIROKI IKEGAWA

Payapang pinapanuod ko ang papalubog na araw habang hawak ang Pucca keychain na naihulog ni Courtney Love malapit sa Tower Records Shibuya four months ago.

Four months. Four months na pala ang nakalipas pero hindi ko mapigilang isipin siya. Sinubukan ko namang kalimutan siya, nagpaka-busy ako sa gigs at rehearsals namin but this Living Pucca is messing up with my head.

"Thinking about her?" I felt a tap on a shoulder. It's Kazu.

"I don't know, dude. It's been four months mula noong una at huli kaming magkita pero naiisip ko pa rin siya."

"Isa lang ang ibig sabihin nyan, dude. In love ka na sa babaing 'yon, Hiro." He grinned at napailing na lang.

"In love agad? Ni hindi nga kami gaanong nakapag-usap last September sa Tower Records. Nagmamadali siya no'n 'di ba?" Ako naman ang napailing.

"Hindi rin natin masasabi. Kapag si Kupido ang pumana, swak na swak!"

I sighed. "I don't believe in love at first sight, but I think that stupid matchmaker really hit an arrow to me."

"Iyan nga ang ibig kong sabihin kanina pa. In love ka nga."

"Hindi pa rin ako kumbinsido."

"Pero sure talaga ako na gusto mo siyang makita ulit."

"Y-yeah..."

"Metal ninja is in love. Metal ninja is in love..." Kinanta pa nya talaga. Baliw talaga minsan si Kazu.

"Ganito na lang. Kalimutan mo muna siya saglit kasi kailangan na nating bumalik sa hideout para mag-practice. Saka mo na lang ulit siya isipin pagkatapos." Panunukso pa nya.

"Nakakatawa, dude. Tara na nga!" Ibinalik ko na ulit sa bulsa ko ang keychain.

Stop messing with my mind, Courtney Love. It's not good.

\m/ \m/

COURTNEY LOVE DUALAN (CL)

"Oh no! It can't be!"

Nasabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang frustration saka nahiga sa kama. Halos baligtarin ko na ang kwarto ko pero hindi ko makita ang Pucca keychain na bigay ng bestfriend ko wheb we were ten years old. May sentimental value pa naman sa'min 'yon.

Hinanap ko na rin sa lahat ng sulok ng pad ko pero wala talaga.

"Patay talaga ako nito kay Courtney Love! What to do?!"

And then a thought hit me.

Naalala ko na nakakabit pa sa bag ki ang keychain no'ng pumunta ako sa Japan last September. Binisita ko kasi ang new boutique ng kaibigan kong si Shinree bago pumunta sa Tower Records Shibuya para bumili ng pasalubong na CDs para sa bestfriend ko, sa pinsan kong si Val at sa magkapatid na Eriz at Zam. Except from Courtney Love, hindi nakapunta sa birthday ko ang apat na mga babaeng 'yan dahil si Shin ay nasa Japan pa rin, maysakit naman si Val at out of the country naman ang Dela Merced sisters. Bale nagpadala na lang sila ng mga regalo sa kamag anak nila na umattend ng debut ko.

Wait a minute.

Naalala ko na habang naghihintay ako ng sundo ko, may nakabangga akong teenager. That's it! Sa Japan ko pala naiwala ang keychain!

My goodness gracious! Sana lang ay nasa mabuting kamay ang Pucca keychain ko.

Balak ko rin namang ipaalam kay Courtney Love. Malamang magagalit siya sa'kin pero dahil siya ang pinaka-understanding na bestfriend in the whole universe, patatawarin nya ako. Ganyan siya kabait.

Pero sana lang talaga ay maibalik sa'kin ang keychain kahit imposible. Oh please, pretty please!

__________

In love nga ba si metal ninja? Abangan!

- mangku

My First Crossfaith Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon