Note: To my dear readers,
Don't get confused because I already said from the start that I will update the two versions in only one book. Filipino version first then followed by the English version. Thanks!CL
Nagising ako dahil sa boses ni Taka. Ringtone ko kasi ang kanta nilang Cry Out.
"Hello." Pupungas pungas pa ako.
[Good morning CL!]
"Hey, Shin. Ang aga mo namang tumawag?
[Maaga pa ba ang 10 AM sa'yo?! Nagpuyat ka 'no?]
Dahil sa sinabi nya ay napabalikwas ako ng bangon. Hindi naman kasi halata na tanghali na pala kasi ang dilim pa rin sa kwarto ko because of the heavy curtains.
"Napuyat sa kapapanuod ng OOR concerts. Inabot na ako ng 3 AM."
[I'm sure na nalaglag na naman ang puso mo dahil sa kagwapuhan ni Toru?]
"Sinabi mo pa! My gosh! My future hubby!"
[Baliw ka talaga. Anyways, do you like my gift?]
"Of course! Ang gaganda ng dress na ipinadala mo! Alam na alam mo talaga ang taste ko when it comes to fashion." Bumangon na ako at hinawi ang makapal na kurtina.
[That's my job, sweetie. Another thing, your parents told me that they gave you a resto bar. That's so nice of them. Magagamit mo ang pinag-aralan mo.]
"Yes. At please lang, baka gusto mong umuwi naman ng Pilipinas para dumalaw sa E.R.R.O.R."
[Error?]
"My resto bar's name. Acronym for Eat, Rock, Roll, Out, Repeat. My bestfriend gave the name."
[Cool! Don't worry, I'll be back maybe few days before OOR's concert. Manunuod ka rin 'di ba?]
"Of course!"
[See you soon, CL! Got to go, marami pa akong aasikasuhin dito sa boutique.]
"Okay. Got to prepare myself too. Bye!"
[Ciao!]
Agad akong pumunta sa bathroom to take a glorious bath. I'll go to the resto bar today then to Courtney Love's.
\m/ \m/
Bago ako umalis ng pad, tumawag na ako sa resto bar para ipaghanda ako ng breakfast. May 3 staff na nandoon ngayon na nag-aasikaso ng pagkain. Bukas na ang opening ng E.R.R.O.R. kaya chinecheck na nila ang mga pagkain. Kumpleto na rin ako sa staff, thanks to Mom na siyang nag-hire sa kanila.
At dahil excited na rin ako sa upcoming concert ng ONE OK ROCK, makapag-upload nga ng vid mamaya sa Youtube channel ko. Nagmukha na akong vlogger dahil sa samu't saring vids na ina-upload ko. May health tips din at DIY remedy for maintaning a healthy skin and body. Marami na nga rin akong subscribers.
Binati agad ako ni Manong Guard pagkadating ko sa resto bar. Tamang-tama lang din dahil inihahanda na ni Marga ang pagkain ko. Sa may labas ko gustong kumain. Maaliwalas naman kaya hindi ako maiinitan dahil sa nagkalat na puno at halaman.
"Thanks, Marga." I smiled nang makaupo na ako.
"You're welcome' Ma'am CL. Tawagin nyo na lang po ako kung may kailangan pa kayo."
"I think these foods are enough. Good job."
Tumango naman siya bago ako iwan.
Habang kumakain, naiisip ko na naman ang tungkol sa concert ng ONE OK ROCK sa 19. Magkikita na kami ng future hubby kong si Toru! Si Courtney Love naman ay si Taka ang gusto. Sakto nga pala sa birthday nya ang concert date. I can give her a ticket dahil alam kong kulang pa ang savings nya. Hindi naman 'yon hihingi kina Tito Lewis at Tita Cleo.
Tama! Libre ko na lang siya para mabawasan naman ang guilt nararamdaman ko sa pagkawala ng ibinigay nyang keychain.
Just as I finish eating my sumptuous breakfast, my phone rings.
"Hello, Lev?"
[Hi CL! Where are you?]
"Here at E.R.R.O.R. why?"
[So you're not available today?]
"I'm afraid not. I'll go to Courtney Love's later."
[I see. Bonding sana tayo.]
"Some other time, Levin."
[Yeah, I understand.]
"Hey, 'wag ka na magtampo! Hindi bagay!"
He laughed on the other line. [I know. Just teasing you.]
"Crazy."
[For you? Kidding aside, sana sa susunod ay available ka na kapag ipinakilala ko na sa'yo si Catarina Leigh.]
"Isama mo nga kasi sa opening ng resto bar bukas."
[Oo nga pala. I'll hung up for now, chat ko lang si Cat.]
"Sure. Bye!"
[Bye.]
Napailing na lang ako. I know that nowadays, me and Lev seldom hang out. Busy na kami pareho, busy siya sa pagmomodel at ako naman ay busy na sa resto bar.
Bawi na lang ako sa'yo sa susunod, Lev.
After checking if there's any error at E.R.R.O.R., no pun intended, nagpaalam na ako sa ilang staff na pupunta muna ako sa bestfriend ko.
Photo: CL at E.R.R.O.R.
BINABASA MO ANG
My First Crossfaith Story
FanfictionHiroki Ikegawa of Crossfaith and Teruki Nishizawa of MY FIRST STORY Fanfic together with CL and Jana. The side story of My Freakin' Story With Hiroki. Fil and Eng version in one book. No confusions, please :D