MFCS 18: Advance Birthday Celebration

35 10 5
                                    

H. IKEGAWA

Hindi pumunta ng E.R.R.O.R. si CL kagabi. According to her staff, dumating daw ang tatlong members ng MY FIRST STORY at sabay-sabay na raw silang umalis. Nandito na pala sila.

I checked the time. Six thirty in the morning. Gising na kaya siya? I decided to send her a text message.

To: Courtney Love

Good morning! You're not at E.R.R.O.R. last night.

Nandito pa rin ako sa kama at nakahiga. Solo flight dahil hindi naman nagagawi si Zandrei sa pad nya.

Sana gising na si CL nang ganito ka-aga.

After two minutes, I received a reply from her.

From: Courtney Love

Good morning too. I slept at my bestfriend's house. We had a Pajama Party last night with MY FIRST STORY band mems. Missed me, Loki? 😊

Hindi na ako nagreply, sa halip ay tinawagan ko na siya.

[Hello?] Halatang kagigising lang nya.

"Good morning. Did I wake you up?"

[Medyo. Thanks anyway. Tulog pa mga kasama ko rito except my bestfriend and Teru.]

"Time to eat your breakfast. Makabangon na rin."

[Yeah. You too, Loki. Na-miss mo 'ko, no? Patawag-tawag na lang.] Tumawa siya sa kabilang linya. Her laugh's like a music to my ears.

"I missed you that's why I called. I'll hang up now to make my breakfast too."

[Sure. Bye, Loki!]

"Bye, CL."

I'm smiling while heading to the bathroom. What a good morning.

\m/ \m/

TERUKI

"Who's that?" Usisa ko nang makabalik na si CL from the kitchen. Agang-aga naman kasi ay may tuumatawag na agad sa kanya. Nakakapangselos.

"He's Loki. Zandrei's friend."

"Who's Zandrei?" Tanong ko pa ulit.

"A good friend of mine. He owns a resto bar too together with Janis."

"Ah, okay." Tango ko sa kanya.

"Maghahanda na ako ng breakfast natin para kapag nagising ang mga 'to ay may pagkain na silang madadatnan." She smiled at me. Ganda talaga.

"Need some help? Para makatapos tayo agad."

"Sure! Let's go to the kitchen." She grabbed my hand at hinila na ako papuntang kusina. I love the warmth of her hand.

Naghanda kami ng sunny side up, fried rice, hotdogs, chicken nuggets and corned beef. Naka-ready na rin ang kape sa coffee maker. Nag-squeeze na rin si CL ng fresh orange para sa juice. Naihanda na rin namin ang lamesa. Sakto naman na pagkatapos naming maihanda ang agahan ay nagising na si Jana.

"Good morning! Wow, nakakagutom ang almusal! Gisingin ko na muna sina Kuya Hiro." Matapos mag-inat ay tumakbo na siya pabalik sa salas para gisingin ang bandmates ko.

Sabay-sabay kaming nag-almusal at ang ingay rin namin dahil sa tuksuhan at kantyawan. Nagpresinta na si Jana na siyang maghuhugas ng plato. Si Masaki naman ang taga-punas. Si Nob naman ay nag-ayos ng pinagtulugan namin sa salas. Wala na sina Lyric at Wolf dahil may pasok na sila ngayon.

Matapos mag-ayos ng bahay, pinag-usapan na namin ang planong surprise birthday para kay Lyric.

"Naiimagine ko na ang itsura ni Ate Lyric bukas kapag nakita nya ang ONE OK ROCK lalo na si Taka." Jana giggled.

"Makikita ko na rin bukas si Toru my loves! I'm so excited!" Sabi pa ni CL bago nakipag-high five kay Jana. Napailing na lang ako.

"So tuloy na rin ang 18 Roses, Ate CL?"

"Yes, Jana. Kapag nagkulang tayo sa tao ay manghila na lang tayo ng isa sa mga staff ng PULP." Biro pa nya.

"Sabi ni Wolfgang ay baka kasama nya si Evrett mamaya pagkagaling ng school. Magrerequest ako na kung pwede siyang hiramin as guitarist. Nakwento kasi sa'kin ng pinsan ko na marunong sa instruments ang mga kaibigan nya."

"Ayos na ayos 'yan. Masaya ang celebration natin bukas sabay sa OOR concert." Dagdag pa ni Masack.

"Mukhang maraming mag-fafangirling bukas." Kantyaw ko sa kanila.

\m/ \m/

Ang bilis lumipas ng oras dahil snack time na. Hiro decided to fetch Lyric, nandito na kasi sina Wolfgang at ang tropa nitong si Evrett.

Mayamaya pa ay dumating na rin si Lyric. Ang cute nilang dalawa ni Hiro, bagay na bagay pala sila, sa totoo lang.

Inasar ko si Jana sa pamamagitan ng pagkuha ng plato nya na inilapag nya sa lamesa.

"Hey Doggie Teruki, that plate is mine!" Inis na inis siya habang inaabot ang itinaas kong plato.

"I saw it first, kiddo!"

"I just left it on the table to get my drink. Give me that!"

"Get yours kiddo, it's mine now."

"I hate you, Doggie Teruki!" Maiiyak na siya sa inis pero hindi ko talaga ibinigay ang plato nya.

Natigil lang kami dahil lumapit si Evrett. "Here, Jana. Take this." Sabay abot ng plato.

"Oh my, thanks Evrett!" Jana stuck on her tongue at me at saka hinila palayo si Evrett.

Napasimangot na lang ako. Mas gwapo naman ako kaysa sa Evrett ba 'yon.

Wait. Bakit ba ako nagagalit?

\m/ \m/

"Salamat sa meryenda at advance birthday celebration, CL." Sambit ng bestfriend ko habang kumakain ng kwek-kwek. Si Hiro ay nakiki-share ng pagkain sa kanya. Cute nilang tignan.

"You're welcome! Debut mo na bukas, hindi lang halata kasi mukha kang 15 years old." Biro ko sa kanya at natawa si Hiro sa sinabi ko.

"Ang mean mo talaga! Atleast baby face, pareho kami ni Taka."

"Courtney Love, 'wag ka na umasa ka Taka, may gf na 'yon for sure. Kay younger Moriuchi ka na lang."

"Basta ba kay Hiroki Ikegawa ka. Two Hiroki's, two Courtney Love's."

"That ink-faced guy? No thanks, kay Toru lang ako."

"Kay Taka naman ako." And we laughed.

Nag-pool party rin ang MFS boys. Ang kukulit nila dahil pati anak ng kapitbahay isinama na nila sa picture taking.

I'm so excited for tomorrow. Courtney Love will be thrilled. Makikita ko na rin ang future husband kong si Toru Yamashita oh my God!

_________

HAHAHAHA concert scene on next chap!

My First Crossfaith Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon