MFCS 23: Kiddo's Birthday

27 9 7
                                    

TERUKI

Tagumpay ang unang gig namin as MY FIRST STORY sa E.R.R.O.R. kagabi. Simula pa lang 'yan ng 5-day birthday celebration ni Hiroki. Ramdam na ramdam namin ang suporta ng mga tao, akala ko pa nga ay hindi sila aware sa banda namin pero nasabayan nila halos ang mga kinanta namin. Ang galing!

Sobrang ganda ni CL kagabi. Natulala pa nga ako dahil hindi ako sanay na light lang ang make-up nya. She always wear a red lipstick pero kagabi ay halos walang maaninag na make up sa kanya. Nude nga yata ang kulay ng lipstick nya. Hindi ako bading pero napansin ko pa talaga 'yan?

Lumala pa yata ang pagkagusto ko sa kanya pero mukhang gusto rin siya ni metal ninja.

Nandyan naman si Kiddo Jana mo, giit pa ng isip ko.

That girl...buong akala nya talaga ay si Toru ang humalik sa kanya sa panaginip nya.

She's mumbling something while we're watching Dark A.U.R.A. Hindi ko naman maintindihan dahil language nila ang gamit nya. Pero aaminin ko, ang cute ni Kiddo kagabi.

Lahat kami ay sa ancestral house ni CL natulog pagkatapos ng gig, kasama si Hiroki Ikegawa. Mamayang gabi ang second part ng gig namin, birthday nga rin pala ni Kiddo, according to Lyric.

Nagmamadaling nag-ayos naman si Hiro dahil ihahatid nya raw si Lyric sa eskwela. "Guys, we'll have a rehearsal later. I'll just escort Love to her school."

Biniro ko tuloy siya. "Sure, loverboy." Kasalukuyan kaming nag-aalmusal kaya niyaya na rin namin sila. Tumanggi naman si Lyric at sinabing sa school cafeteria na sila kakain ni Hiro.

Jana mumbled while eating her sunny side up and toast. "Naiinggit ka na naman."

Napatingin tuloy ako sa kanya. "Are you saying something, Kiddo?"

"Wala, sabi ko masarap ang almusal." Inirapan nya ako. Bakit ba ang high blood nya sa'kin? Dahil ba sa lagi ko siyang inaasar? Masarap kasi siyang asarin. I love how her cheeks turned pink when she's pissed off by me.

Umalis na si CL mayamaya dahil uuwi muna siya sa kanyang pad bago pumunta ng E.R.R.O.R. Si Wolfgang naman ay bumalik na rin sa kanila dahil may papasok din siya sa school just like her sister.

Nag-volunteer na ako na tutulungan ko si Kiddo sa pagliligpit. Sina Nob, Masack at Ikegawa naman ang mag-aayos ng living room.

I can't believe this. It's a miracle! Nahiling ko tuloy na sana ay kasama namin si Leader Sho ngayon.

\m/ \m/

"I heard that it's your birthday today."

"Oo. So?" Sandaling tumigil sa pagliligpit si Kiddo para tignan ako. Tinaasan pa ako ng kilay.

"'Wag mo 'kong tignan nang ganyan. Pumapangit ka." Sinisimulan ko na naman siyang asarin.

Ipinagpatuloy na nya ang pagsasabon ng mga plato. "Okay lang. Hindi ka rin naman gwapo tulad ni Toru. Duh."

"Pareho lang kaming gwapo." Sumandal ako sa kitchen island at humalukipkip.

"Excuse me?!"

"You heard me."

"Nagkaroon yata ng diprensya ang pandinig ko dahil sa sinabi mo."

"Okay. E, 'di ibubulong ko na lang sa'yo." Umalis ako sa pagkakasandal at lumapit sa kanya pero bago pa man lumapat ang labi ko malapit sa tainga nya ay sinabuyan nya ako sa mukha ng tubig na may kasamang bula.

I decided to play tricks on her. "Ouch my eyes hurt!" I dramatically wiped the bubbles away from my face.

"Ay, sorry na! Nakakainis ka naman kasi!" Narinig ko ang pagbukas ng gripo at namalayan kong pinupunasan na ni Jana ang mukha ko gamit ang mga kamay nya. She then splashed some clean water on my face. So sadist.

My First Crossfaith Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon