MFCS 4: Bonding

108 12 2
                                    

HIROKI IKEGAWA

We're here at Tatsuya's place and they're still bugging me about Courtney Love.

"Maganda ba talaga?" Tanong pa ni Kenta.

"Maganda na sexy pa! Pwedeng Victoria's Secret model!" Si Teru naman ang sumagot.

"Dapat nakita natin siya sa Tower Records. Sina Hiro at Teru lang na-meet nya." That's Kazu.

"Girls, girls, girls." Napapailing na lang si Tatsuya.

"Bawal bitter, dude." Pang-aasar tuloy ni Kazu.

"Palibhasa na-friendzoned kay Sayuri." Dagdag pa ni Teru.

"Patingin nga ng picture." Demand naman ni Kenta.

"Courtney Love is the name?" Kazu asked.

"Yes." I answered him.

"Found her. I think she's a Youtube vlogger." He rotate his laptop to us.

Damn.

How do she manage to be this beautiful even in her just woke up face?

"She's pretty even without make up!" Nanlalaki ang matamg turan ni Kenta.

"Kahit bagong gising, maganda pa rin." Segunda ni Kazu.

"Sa ganda nyan, imposibleng walang boyfriend 'yan." May point si Tatsu.

"Sure akong single pa 'yan! Mukhang bata pa." Sabi naman ni Teru.

Kibit-balikat lang ako sa kanila.

"Single pa 'yan. Kung may bf 'yan' e 'di sana nakakasama nya sa mga video nya."

"Tama si Ken. May pag-asa ka pa, Hiro." Teru tapped my shoulder.

"Taga-saan kaya siya? Mukha siyang Japanese pero fluent magsalita ng English. Sure akong Asian siya."

"She's from the Philippines. May Philippine flag sa coverphoto nya." Itinuro ni Kazu ang coverphoto sa Youtube channel ni Courtney Love.

"Philippines? Remember PULP Summer Slam?" Ken smiled.

"Yeah! Nakilala rin natin si Zandrei!"

Si Zandrei ay naging mabuti naming kaibigan na Pilipino. Nakilala namin siya no'ng pumunta kami sa Pilipinas last PULP Summer Slam XIV.

"O, alam na natin kung taga-saan siya. Kapag free ang sched natin, pwede mo siyang puntahan sa Pilipinas." Panunukso pa ni Ken.

"Tama! Chance mo na para magka-lovelife, man!" Dagdag pa ni Teru.

"Sana lang ay hindi ka matulad sa sinapit ni Tatsu. Friendzoned." Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Kazu. Pabiro tuloy siyang sinuntok ni Tatsu sa braso.

"Pwede. Kay Zandrei ako tutuloy kung sakali."

"May concert ang ONE OK ROCK sa Pilipinas, 'di ba?"

"Oo, Ken. First ever major concert nila. Sigurado akong magugustuhan nila roon." I smiled nang maalala ang experience namin last PULP Summer Slam.

"Pwedeng-pwede ka palang manuod! Baka nga libre na ticket mo dahil kaibigan naman natin ang members ng OOR."

"Sigurado 'yan."

"Let's cheers to that!" Inabot sa'kin ni Teru ang isang baso na may Jagerbomb.

"Cheers!"

\m/ \m/

JANA ALARDE

"Mommy, pwede ba akong mag-stay kina Ate Lyric for a month? Miss ko na sila ni Wolfgang."

Ayan agad ang tanong ko kay Mommy habang nagmemeryenda kaming tatlo nina Katelyn, a good friend of mine.

"Sure. Tapos na naman ang requirements mo for home schooling. Balak ko rin kasing imbitahin ang parents nya kaya tamang-tama, may makakasama silang mag-ate."

"Yes! Thanks, Mom!" I hugged her tightly.

"Mamimiss kita Jana. Wala na akong matatambayan na may libreng meryenda." Pagbibiro naman ni Jana.

"Loka. Baka naman magtampo na ang iba mong kaibigan kasi tayo ang palaging magkasama."

Unlike me, pumapasok sa school si Katelyn kaya hindi pwedeng wala siyang kaibigan doon.

"Pero balik ka kaagad ha? Manunuod pa tayo ng OOR concert."

"Kapag hindi agad ako nakabalik, pwede mo namang isama ang mga kaibigan mo na manuod." I gave her a slice of pizza.

"Pero mas masaya pa rin kapag ikaw ang kasama." Pagmamaktol pa nya sabay kagat sa pizza.

"Ikaw talaga. Basta kapag hindi agad ako nakabalik, kita na lang tayo sa concert venue." I smiled sheepishly at her. Tumango naman siya.

Yes! Excited na akong makasama ang Rodriguez siblings. Nasa Japan kasi kami last Christmas hanggang New Year kaya wala kami sa family reunion. Hindi ko muna ipapaalam na pupunta ako sa kanila para surprise.

Excited na rin ako sa upcoming concert ng ONE OK ROCK kasi makikita ko na si Toru Yamashita! First time ever nila na pupunta sa Pilipinas and I hope na bumalik agad sila. VIP Standing ang ticket ko lasi nagka-ubusan na ng Pulp Royalty tickets.

"Hey Jana, I have to go. Nag-text kasi si Mama na umuwi ako before dinner. Salamat sa masarap na meryenda. Sobrang nabusog ako!"

"You're welcome! Halos ikaw nga ang kumain ng white pasta. Favorite mo talaga!"

"The best talaga magluto si Tita Juls! Bye na, mamimiss kita." She hugged me and I hugged her back.

Inihatid ko siya hanggang sa may gate. Mamimiss ko tuloy ang bonding namin.

__________

Pupunta na nga ba ng Pinas si Hiro? Yay, it's Jana's first ever POV!

That's Terufumi Tamano and Kazuki Takemura on the photo for you!

My First Crossfaith Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon