CL
Naisipan kong bumalik mina saglit sa pad ko bago pumunta kina Courtney Love. Gusto ko kasing isuot ang Pucca inspired dress na bigay ni Shinree.
Agad akong nag-halfbath pagkadating. Ginawang two buns ang hairstyle ko just like Pucca at naglagay ng light make up. I smiled at the mirror dahil ang ganda ko. Given na nga pala 'yan.
Here with you, now I am good still miss you
I don't know what I can do
We cab't be truePierce ang kasalukuyang tugtog habang nagmamaneho ako. Medyo emo ang kantang ito ng OOR pero hindi ko mapaigilang hangaan ang boses ni Taka. Nonwonder my bestfriend really likes him.
Hindi man lang ako nainip sa byahe dahil OOR ang sound trip ko. These bunch of lads were indeed talented! Mula sa golden voice ni Take, sa guitar prowess ng future hubby ko na si Toru, bass skills ni Ryota at awesome drum beats ni Tomoya equals performance overload.
Nag-park ako malapit sa bahay nina Courtney Love. Napansin ko agad na nasa may gate silang magkapatid at may kausap. May naka-park pa ngang kotse at motorbike.
Agad akong bumaba ng kotse at naglakad papunta sa kanila na parang ramp model. Ginawa ko lang namang runway ang kalsada.
"Courtney Love!" Slang pa ang pagkakatawag ko sa kanya. Lahat tuloy sila ay napalingon sa'kin.
"Courtney Love?" The girl with chinky eyes called me. Teka, pamilyar siya.
"Yoko? It's you!" Nginitian ko siya at niyakap naman nya ako.
Si Yoko ay classmate namin no'ng elementary. Tuwang-tuwa siya sa'min ng bestfriend ko kasi magkapareho kami ng pangalan. So, sila pala ang nagkatuluyan ni Landon?
"Ate CL, umattend ka ba ng cosplay event? Kamukha mo kasi si Pucca." Tanong ni Wolfgang, younger brother ni Courtney Love. Wolfy ang tawag ko sa kanya.
"Well, I'm the living Pucca itself." Nag-pose pa ako sa harap nila kaya nagtawanan sila.
Mayamaya pa ay nagpaalam na sina Landon at Yoko pati ang kapatid ni Landon na si Lovise. Inimvite daw kasi sila ng parents ni Yoko for dinner.
"This is just a brief reunion. Hope to bond with you some other time." Yoko said and she hugged me again. Nakilagkamay naman si Landon sa'kin.
"Sure! I'll wait for that!"
Nang makaalis na silang tatlo, saka ko lang napansin si white-haired guy na kamukha ni Kaneki o kaya naman ni Killua pero higit sa lahat, kahawig nya ang younger brother ni Taka. Pareho pa silang vocalist, MY FIRST STORY ang banda ng kapatid nya.
"Oh my gorgeous! You looked like baby Hiroki!" Napahawak pa ako sa magkabilang pisngi ko bago ko panggigilan ang pisngi nya.
"Ate Pucca, este Ate CL, 'wag mo namang takutin si Hiro."
"Oops, gomenasai. Ang kawaii nya kasi, Wolfy." Napatawa tuloy silang magkapatid. Nilingon ko ulit su white-haired guy.
"Wait, let me introduce myself. Courtney Love aka CL, future wife of Toru Yamashita."
"Hirota Mori. Hiro." Alanganing napangiti pero mukhang nakangiwi. Napadiin siguro ang pagkakakurot ko sa pisngi nya. Nakipagkamay naman siya sa'kin.
Buti naman at nadagdagan na ang circle of friends ng bestfriend ko. Aloof kasi 'yan, lalo na sa mga lalaki. Ako lang ang madalas nyang kausapin o kaya ang kapatid nya. Change is coming! Just kidding.
"Tara na nga sa loob. Baka habulin ka pa ng toro dahil sa suot mo." Inakbayan ako ni Courtney Love. Natatawa namang nakasunod sa'min sina Wolfy at Hiro papasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
My First Crossfaith Story
FanficHiroki Ikegawa of Crossfaith and Teruki Nishizawa of MY FIRST STORY Fanfic together with CL and Jana. The side story of My Freakin' Story With Hiroki. Fil and Eng version in one book. No confusions, please :D