Chapter 6

12.6K 459 8
                                    

Hi! Shoutout to ReinalynNatividad. Thank you for the message and for me knowing that you're reading this. 😄😄😘

Akira Kayla's POV

ANDITO na ako sa harap ng EHU at papasok ako ngayun sa main gate.

Pero di pa ako nakakahalahati ng pag lakad ng may humarang nanamang tatlong clowns sa harap ko at si Tiffany yung leader nila.

"Hey nerd! Balita ko papasok kana raw sa Special A?" Sabi nito sakin.

"Ay. Ang bilis naman ng balita. hindi ko alam na fans ko kayo. Wait lang ha. "sabay kuha ng papel at ballpen sa bag" ito oh' ayan may nakasulat na." Sabi ko at inabot sa kanya ang papel na may signature ko daw. Eh malay ko rin bang tatanggapin niya yun.

Spell TANGA! ITS T-I-F-F-A-N-Y!

Nakita ko namang nainis siya kaya tatalikuran ko na sana siya kaso hinawakan niya ako sa braso.

"Bakit? May kailangan ka pa?" Inosente kong tanong sa kanya.

"Kung sa tingin mo ganun ako nerd pwes ipapakita ko sayo hindi!" Gigil niyang sabi sakin.

Nilagay ko naman yung isa kong kamay sa chin ko na parang may iniisip.

"Ano nanamang pakulo yan nerd?!" Tanong ng isa sa mga alipores niya.

"Well, may naalala lang ako. Sabi kasi ng mama ko. Dont talk to strangers they might harm you." Sabi ko sabay lagpas sa kanila.

Haha 2 points for me.

"Augh! Humanda ka sakin nerd!" Sigaw niya.

Kaya napangiti nalang ako. Ngiting tagumpay! Hahaha

"Kayla!!!!" May biglang sumigaw sa likuran ko. Ayaw kong lumingon baka hindi ako Yun. Hindi naman ako ang nag iisang Kayla dito eh.

Bahala na nga!

Lakad

Lakad

"Kayla!!!!"

Wag kang lumingon Kayla. Lakad lang

Lakad

Lakad

Ng may bigla nalang humawak sa braso ko.

"Angel" ani ko ng makaharap na ako sa kanya

"Kanina pa kita tinatawag pero. Lakad ka lang ng lakad diyan." Sabi niya naka hawak parin ito sa kanang braso ko

"Sorry naman. Kasi naman eh baka hindi ako yun mapahiya pa ako haha" sabi ko sa kanya

"May point ka nga. Pero teka lang ha. Nakita ko yung eksena sa Hallway kanina. Ang cool mo!!!" Sabi niya sabay talon talon. oh diba? Isip bata? Saan kapa? Bili na!!
Djk (Djk- Di Joke) lang.

"Don't talk. Don't talk to strangers ka pang nalalaman!." Sabi niya sakin.

"Haha. Wala yo'n. Di naman ako papayag na ganunin nila ako." Sabi ko sabay tingin sa building na nasa harapan namin.

"Kaylaaa!!"

"Oh. Ayan pa ang isa. Mag pipinsan nga kayong tatlo." sabi ko. natatawa

"Hi Mica. nasa'n si Andrea ?" Agad na tanong ni Angel ng makalapit ito samin

"Nasa library pa siya. Tara mauna na tayo sigurado akong mamaya pa yun
" Anito at nauna na saming maglakad

Ng makarating kami sa harapan ng silid aralan namin ng may mahagid ng aking mga mata. Kulay pulang pintura sa medyo gilid ng pinto. hindi masyadong halata kasi medyo maliit at medyo kahawig no'ng sahig ang pintura.

"Tara na?" - Mica

"Tara na Kayla?" Sabi naman ni Angel

"Wag muna tayo pumasok. " Sabi ko na pinag taka naman nila.

"Diba ayaw mong malate?" - Angel

"Oo, Pero maya-maya nalang muna tayo dito." -sabi ko naman. Napa kunot ang kanilang noo sa aking sinabi

"Hey Guys!! Bakit di pa kayo pumasok?" Sabi ng kakadating lang na si Andrea.

"Mamaya na." ani ko ng makalapit si Andrea sa amin.

"Any Problem kayla?" - Nag-aalalang tanong sa akin ni Andrea.

"Wala naman. Paunahin nalang natin sila." - sabi ko habang tinitignan ang paparating nadin naman sila Tiffany.

"Oh. Hi Nerd! Bakit hindi pa kayo pumasok ng Kayla's Angel mo? Kawawa ka naman." Sabi ni Tiffany. Na agad namang sinang-ayunan ng mga Alipores niya.

"Mauna na kayo." Sabi ko. At iminuestra ang aking kamay upang mauna na sila.

Napataas ang kanilang kilay sa akin at pinihit pabukas ang pintuan.

"Bakit mo sila hinayaan Kayla?" Inis na bulong ni Mica. tinignan ko lang ito at hindi sinagot kasabay ng makarinig kami ng sigaw at pagmumura ni Tiffany at ng mga kaibigan niya.

"F**k! s**t! Who the hell do this!" Sigaw ni Tiffany na ngayon ay puno ng pinturang  Nakita ko namang nag tawanan ang mga kaklase namin at pati nadin sila Angel, Andrea, at Mica na nasa tabi ko.

"Alam mo bang mangyayari ito Kayla kaya mo pinigilan si ate Andrea?" Bulong ni Mica sa kaliwa ko.

Kaya tinignan ko ito at nginitian.

"What the Tiffany! Go to the CR now! You're like a trash eww. You stinks!" Sabi ng isa sa mga alipores niya at tinignan siya ni Tiffany ng masama bago tumakbo palayo sa room.

"Pano mo nalaman ang plano nila nerd?" Ani mike na biglang sumulpot sa kung saan.

"Alam mo Mike, para kang si Slendrina pasulpot-sulpot ka." Agad na sabi ko dito

"Ang gwapo ko naman para maging halimaw" -sabi niya at nilagay ang kamay sa baba niya.

"Tse! Tumigil ka nga! Sino ba may gawa nun?" Tanong ko dito

"Sila ni Justin." natatawang saad nito

"Hey! Hindi nerd ang pangalan niya. It's Kayla! K-A-Y-L-A!" Sabi ni angel kay Mike.

"Edi Candice para maiba naman" sabi ni Mike at nauna ng umalis habang winawagay-way niya yung likod ng palad niya.

*********

The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon