CHAPTER #12
"Subukan mong tulungan ang babaeng yan Kean at itatanggal kita sa B8!" sigaw ng lalaki sa likuran namin.
Humarap kami ni Kean at nakita si Nicolo.
"Tumigil ka NICOLO! Di mo alam ang sinasabi mo!" sabat naman ni Kean kay Nicolo
Oo, si Nicolo 'yung nag salita kanina ewan ko nga ba kung bakit ganun nalang yung galit niya sakin. Wala naman akong ginawa sa kanya para ikagalit niya.
"Ikaw ang tumigil Kean! Kakadating mo lang! Labis na agad yung tiwala mo sa isang taong 'di mo pa nga kilala ng lubos!" sigaw ni Nicolo kay Kean.
"Sa lahat dito! Hindi niyo kilala si Kayla! Hindi ikaw Nicolo! hindi din ako maski ang mga taong nandito hindi niyo kilala si Kayla! Si Kayla at si Kayla lamang ang nakakakilala sa sarili niya! Kaya ikaw Nicolo tumigil ka!" sigaw ni Kean sa lahat na labis namang naka pag paiyak sa'kin
Bakit kung si Kean ang gaan-gaan ng loob ko? Salamat sayo Kean. Salamat
"Haha! Oh diba? Inamin mo din na di mo siya kilala? paano kung nakawan ka niyan? Pa'no kung ginagamit-" putol na sasabihin ni Nicolo
Nang bigla nalang siyang sinuntok ni Kean.
"Hindi mo siya kilala para pagsalitaan ng ganyan Nicolo!"
"Bakit mo nga ba tinutulungan ang babaeng 'yan Kean?! Kinulam ka ba niya! Mangkukulam siguro 'yan! Yan ba ang tinuro ng mga magulang mo sayo!" Sabi ni Nicolo.
Ano?
ako?
mga magulang ko?
Susuntukin na sana ulit ni Kean si Nicolo ng pigilan ko ito.
"Kayla..." tumingin sa akin si Kean habang hawak ko ang braso nito habang naka tingin ako kay Nicolo na pagak na tumatawa at nakatingin sa'akin.
"Okay lang sana na lait-laitin mo ako. Okay lang sana na tapak-tapakan mo ako! It's okay if you call me names ! Pero sana naman di mo na dinamay dito yung mga magulang ko! Ni hindi nga kita kilala pero alam kong madangal ako! Malinis yung ginagawa ko! Sayo ba? Sa inyo ba? naisip niyo ba yung ginagawa niyo?!" Sigaw ko sa kanilang lahat at tumakbo papalayo sa BBA.
"Kayla!!!" rinig kong sigaw ni Kean.
pasensiya kana Kean nadamay kapa ng dahil sakin..
Di ko na kaya yung ginagawa nila okay lang sana ako 'yung laintin nila pero sana 'wag naman nilang idamay 'yung mga magulang ko.
------
Sa kakatakbo ko kanina andito ako ngayon sa Wonderland Park naka upo sa isa sa mga Bench
ito ako lagi.
Nag-iisa
Looner
Walang kasama
Pangit
Laging naka eyeglass
laging mahaba ang mga damit
di marunong umayos sa sarili
kaya ba nila ako ginaganito dahil palpak ako?
ako nga siguro si Kayla'ng palpak walang ibang ginawa kundi ang mag-aral at mag-aral nalang.
Siguro nga kailangan ko ng layuan sina Andrea para din naman to sa kanila eh para di na sila madamay pa sakin.
Tumingin ako sa kalangitan walang mga bituin sumasabay ba ang kalangitan sa dalamhati ko ngayun?

BINABASA MO ANG
The Campus Nerd
General FictionSa East High University may isang babaeng nilalait at inaapi dahil sa panlabas katangian nito. Pero sa kabila ng panlalait at pananakit ng mga kapwa istudyante nito. Hindi pa niya naisipan na gumawang maghigante sa mga ito. Pero paano nlang ku...