CHAPTER 15
NICOLO POV
Kairita yung nerd na yun! Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging cold sakin si Kean!
Dati naman kinakausap niya ko kahit naman tahimik siya kinakausap niya ko! Pero ngayon kahit anong kausap ko sa kanya mahahalata mo talagang iniiwasan niya ko.
ginulo lahat ng nerd nayun ang buhay namin kung 'di dahil sa kanya di magiging ganito ang B8!
"Nicolo! Nagka-usap na ba kayo ni Kean?" tanong sakin ni Brett
"Hindi nga niya ako tinatapunan ng tingin kausapin pa niya?! Nang dahil sa babaeng nerd na yun.
Totoo naman kasing gold digger siya. Ginagamit niya lang yung mga kapatid ko at yung mga kapatid mo para maging sikat siya at para makuha yung anong gusto niya. Kung makuha na nga niya yung gusto niya iiwanan din niya sina Angel. Akala mo hindi ko nahahalata 'yun? At isa pa yang si Kean! Binibilog niya ang ulo ni Kean para mapalapit pa ito sa kanya. Ilang araw niya lang nakilala 'yang nerd nayan kung makapag-tanggol naman siya para siyang knight and shining armor ng gold digger na yun!" gigil na sabi ko. Nakakairita kasi isipin na mas pina paboran pa ni kean yung gold digger nayun kesa sa amin!
"Di naman Sa ganun siguro Nicolo. Kita mo naman na mabait si Kayla at alam ko namang di niya magagawa yun kay-"
pinutol ko na agad ang sasabihin niya bago pa siya maka-pag salita ulit.
"Hindi? Sigurado ka ba sa sinasabi mo Brett? pati ba naman ikaw? Pinapaboran mo ang nerd na yun?!" sabi ko sa kanya sabay hilamos ng palad sa mukha ko
"Kasi mali ang pag-kakakilala mo sa kanya Nicolo!" Sabi naman ni Alexander na kakadating lang
"Tama na nga yan! Kanina pa kayo nag aaway sino ba 'yang Kayla? Brett? 'Yung babaeng tinulungan ni Kean?" tanong naman ni Ivan na kakagaling lang sa kusina...
"Akala ko chismis lang ang sinasabi nila na may tinulungan daw si Kean na babae. Well narinig ko nga sayo Nicolo totoo pala?" tanong naman ni Ian kasabay ni Ivan sa paglabas galing sa kusina...
Parang walang pag-kain tong dalawang to sa bahay nila
"May tinulungan si Kean? Himala yun!" sabi ni Jun na kakatayo lang galing sa pagkakahiga niya
"Oo! At yung campus nerd pa talaga! " sabi naman ni Shawn habang may hawak na libro at sabay subo ng cake na dala nito.
Tsk
"parang naiintriga ako sa nerd nayun!" sabi ni Ian at uminom ng juice
Tsk
"And I can't wait to meet that girl!" sabi naman ni Ivan sabay parang aja yung kamay.
Ano naman kina-iintriga ng mga 'to sa nerd nayun?!
Pangit!
Di marunong manamit
Baduy!
In one word pangit! Pwe!
Andito kasi kaming lahat sa private room ng B8.
"Tsk! Bahala kayo kung yan ang pinaniniwalaan niyo basta ang sa akin lang nilalayo ko lang kayo sa babaeng gold digger nayun! Kung ayaw niyo maniwala sakin kayo nadin bahala!" sabi ko sabay bukas ng pinto saka lumabas kainis!
Punta na kaya muna akong bar? Para naman mabawasan 'yung stress ko sa babeng nerd nayun! Tsk!
-----
Kayla's Pov
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd
Fiksi UmumSa East High University may isang babaeng nilalait at inaapi dahil sa panlabas katangian nito. Pero sa kabila ng panlalait at pananakit ng mga kapwa istudyante nito. Hindi pa niya naisipan na gumawang maghigante sa mga ito. Pero paano nlang ku...