Chapter 1

22.7K 598 33
                                    

Chapter 1

"Kyla anak, male-late ka na sa school. Gumising ka na dyan. " sabi sakin ni Nanay Risa

"Opo. Babangon na po nay. " sabi ko habang kinukusot yung mga mata ko at nagpatihaya ulit sa kama ko.

"Oh sige tapusin mo na 'yan at baka malate ka pa sa school. "

naligo nako sa banyo tsaka bumaba na at dumiretso sa kusina. Nakita ko namang nagluluto ng agahan si Nanay Risa

" Nay, mauna na po ako.!" Sabi ko ng matapos ako sa pagkain at lumapit sa kanya para humalik sa pisngi niya.

"Segi mag-iingat ka!" Sabi naman niya at umalis na ako.

Ako nga pala si Akira Kayla Candice Dizon ulila na ako namatay ang mama ko dahil sa car acccident. Nawalan ng preno ang sasakyang sinasakyan namin. Nang mga oras na 'yon. I was just 7 years old when the accident happened. I was devastated and depressed. Pero ano nga ba magagawa ng depression at pag iyak? Tapos na, nangyari na. Hindi na maibabalik ang mama ko. I suffered from Post-traumatic Amnesia ito ay amnesia na nangyayari kaagad pagkatapos ng isang makabuluhang pinsala sa ulo. Maaaring may kasama itong retrograde amnesia, anterograde amnesia, o pareho.

Andito na pala ako sa harap ng main gate ng school. Ang EHU o mas kilala bilang EAST HIGH UNIVERSITY.
Pagpasok ko.

May nag bubulong-bulongan na agad pero rinig ko naman.

'Nag bulungan pa sila... Tss'

'hindi naman ako bingi'

"Akala ko ba pina-alis na 'yang nerd na yan dito? "

"'Yon din akala ko e. "

"Di siya nababagay dito. Ang pangit kaya niya"

"Oo nga."

'at kayo hindi?! wow! nahiya naman ako sa inyo'

Hay nako! 'Yan lang naman ang kaya nilang gawin Kayla. Wag lang paapekto, okay? Okay!

patuloy ako sa paglalakad ng may humintong dalawang clowns sa harap ko. Clowns kasi sa sobrang kakapal ng mga make-ups nila natatakpan na 'yong mga mukha nila. Kulang nalang nilagyan nila ng pulang bilog 'yong ilong nila. At pinahaba yung lipstick sa labi nila. hayyyy....

"Hi nerd. How's your day today?" Clown #1

"Mabuti naman." Sabi ko. Ani ko at nilampasan sila

The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon