Chapter 8

12.4K 423 7
                                        

CHAPTER #8 - eye glass

"Anak Kayla! May bisita ka sa ibaba. Mga kaibigan mo daw sila. Bumangon kana diyan"

"Sino daw po sila aling Risa?"

"Andrea daw ba 'yung pangalan?"

Napabangon naman ako bigla sa kama ko at dumeritso sa baba. Narinig ko namang tumawa si aling Risa galing sa taas. aling Risa talaga..

Sa may salas may limang babaeng naka upo sa salas namin at isang lalaki, at kilala ko ang tatlong yun pero hindi ko kilala yung tatlo pa nilang kasama may isang mahaba ang buhok, tapos yung isa naman ay maigsi at ang isa Lalaki

"Andrea, Mica, Angel, Anong ginagawa nyo dito? " tanong ko sa kanila

Agad naman silang humarap sa kinaruruonan ko at tumayo naman sila. Kasama yung tatlo pa nilang kasama.

Si ate Gail pala kasama din nila siya yung mahaba yung buhok...

"Kayla,we have a surprise para sayo." ani Andrea

"Surprise? Hindi ko naman birthday ngayon" tanong ko ng nakakunot ang noo

"Excuse me guys, by the way Kayla, bago ko pa makalimutan. This is Jezebel and Aldren. Sila ang mag aayos sayo" nakangiting ani Ate Gail hindi na kita ang kanyang mata

"Para saan po " Tanong ko kay ate gail na ngayun ay nasa tabi ko na at naka akbay sakin.

"For the party tonight my dear."

"Party po?" taka kong tanong

"Oo, Kayla and sila na ang bahala sayo. While kami naman babalikan ka namin mamaya kasi may bibilhin pa kami sa mall we will come back here after 1 or 2 hours, okay ba yun kayla?"

Sabi naman ni Angel

"So kayla-nee we better get going na. See you later, enjoy!"

Pahabol naman ni mica

"Sandali lang!"

Wala na naka-alis na sila.. tsk.

Ano ba naman tong pinasok ko..

"Hi miss kayla. I'm Jezebel and this is Aldrin"

Pag papakilala ng Jezebel sakin.

At si Aldrin pala yung baklang kasama niya.

"You know miss kayla. Ang ganda ng mukha mo ang kinis-kinis. Pero bakit ang buhok mo ang gulo-gulo? Hindi ka po ba nag susuklay?" tanong sakin nung aldrin

Pag diskitahan ba naman yung buhok ko?

Ano ba naman paki-alam niya ehh sa tinatamad ako sa pagsuklay ng buhok ko ehh ang aga-aga pa naman at malay ko bang pupunta sila dito. Tsk

"Miss kayla. "

"Bakit po Ms. Jezebel? "

"Kunin mo nga 'yang eyeglass mo." Sabi ni Jezebel

"Huwag po malabo po kasi mga mata ko kung walang eyeglasses"

"Ahh ganun ba? Hmm. May lalagay lang kami diyan pero akin na muna ang eyeglass mo" sabi ni Aldrin .

At tsaka kinuha yung eyeglass ko.

what the?!

Yung eye glass ko!!!!!!

Sinira niya!! T_T

Mahal pa yun eh!

"Sa ngayon Miss Kayla. Kailangan na nating pumunta sa kwarto mo. Puwede mo bang ituro sa'min kung nasaan 'yung kwarto mo?" tanong sakin ni Aldrin habang nakangiti. Tinulungan ako nitong maglakad hababg nakahawak sa likuran ko.

The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon