Chapter 19

10.4K 374 27
                                        

KAYLA'S POV

"Kaye-nee bilisan mo na fifteen minutes kana diyan!" sabi ni Kate sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Ang laki-laki talaga dito, pagkapasok ko, makikita kaagad ang maaliwalas na kwarto dahil ang mga kurtina ay kulay puti na may sequence may salas sa gilid at may malaking TV sa bandang kanan ng kwarto. Sa ginta naman iyong kama at binuksan ko yung pintuan sa dulo at walk in closet iyon.

"Do you like it?" Napatalon ako at napabaling kay mama na siyang nakapasok na pala sa aking silid.

"Ahh opo, ang laki po talaga, di ko kasi napansin nung una, ngayon ko lang naalala" nahihiyang saad ko, maliit naman itong ngumiti sakin at may kinuha sa lamesa malapit sa kama.

"I'll show you something" Aniya at naunang punasok sa walk in closet. May pinindot siya sa remote at agad na bumukas ang kabinet.

Doon ko nakita ang mamahaling damit na nakapaloob dito. Tinignan ko ito isa isa at nakita ang mga branded na damit.

Nanlalaki ang mata ko ng makita ang price tag na nakasabit pa doon, three thousand one hundred one dollar Gucci ribbon detailed tweed dress. Puro Gucci brand lang ang nanduon banda at ibang brand naman sa kabila. Kinagat ko ang labi ko bago dahan dahang binitawan 'yun. 'Yun 'yung damit na suot ngayon ni Miyumi.

Napabaling ako kay mama ng marinig ko itong mahinang tumawa.

"Don't worry. We don't settle for less, darling. Only the best for my children" Aniya. Tinapunan ko pa ulit ng tingin ang damit bago mapabaling sa sunod na binuksan ni mama.

This time, puro accessories naman kinapa ko iyong bag na unang nadapuan ng mata ko at tinignan si mama ng nakangiti nagustuhan ko kaagad ang disenyo niyon.

"Its Hermès In and Out Nata Swift Kelly Retourne 25 PHW, one of my favorite." Nakangiting ani niya tinignan ko ang price tag nun sa gilid at agad na nanlaki ang mata kong binitawan ang price nun.

"We don't settle for less, darling. "

Napakunok at sinundan si mama sa sunod niyang binuksan na box sa kabinet.

"For you, anak. Pareho kayo ni Miyumi but of course the same color"
Tinanggap ko iyong box at nakangiting binuksan sa harapan niya ngunit agad kong nahigit ang hininga ko ng mabasa ang brand nun.

YSL. Makikita na yun sa chain ng bracelet nito. So far ito ata yung maliit na presyo na nakita ko. Three hundred seventy nine dollars. Agad ko iyong kinuha at nakangiting tumingin kay mama.

"And of course because I know you love books" May pinindut ito at bumukas ang isang pinto.

Nakangangang pinagmasdan ko ang maganda at malinis na pagkakasalansan ng mga libro sa kanya kanyang kabinet nito at may mini sala nanaman kung saan komportable makaka pagbasa kung gugustuhin.

"Wow. This... This is my dream, mama. Thank you so much" Nakangiting yumakap ako sa kanya bago ako tumakbo sa dulo at dinama ang mga libro.

"I'll leave you here, pero wag mong kakalimutan hinihintay kana ni Miyumi." Nakangiting tumago ako kay mama at pinagpatuloy ang pagdama ko sa mga libro.

Ilang minuto pa akong ganun bago ko napagpasyahang maligo na dahil baka magalit na si Miyumi sakin.

Cropped cardigan ang naisipan kong suotin at pinarisan ko lamang ito ng jeans nag powder lang ako at naglagay ng kaunting liptint para hindi ako mag mukhang mumu.

"Wow. Ang ganda mo, ate" Aniya habang sinusuyod ako ng paningin. Ngumiti ako sa kanya bago inayos ang bag na nasa balikat ko.

"Tara na?" sabi ko sa kanya

"Ate, ako muna mag drive then sa sunod you naman" nakangiting aniya.

Maliit akong ngumiti sa kanya habang inaayos ang seat belt ko. "Hindi ako marunog mag drive Kate. Ikaw nalang" Nahihiyang saad ko sa kanya.

"What? Why? Wala ka bang car?"

"Mahirap lang kami ni Aling Risa, 'yung tinirhan ko. Kumakayod kami para makakain" Nakangiting ani ko sa kanya.

"What's kumakayod, ate" Inosenteng ani ni Kate. Napangiti naman ako sa kanya bago itinama.

"We're starving to eat, Kate. That's what I mean"

"Oh"

NANG MAKARATING kami ni Kate sa school agad kong napansin ang iba't ibang grade level ng estudyante na nakatambay sa harapan ng school at ang iba ay nakikipag usap sa mga kakilala na hindi naman doon nag-aaral.

"Kaye ang ganda at ang laki pala dito noh?" ani Kate na tinitignan ang buong school

"Hmm hindi naman masyado Kate, tignan mo ang paligid mo puro nakatingin sa gawi natin especially boys” ani ko habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Girl! diba siya yung babaeng nakikipag-bangayan kay Prince Nicolo?" rinig naming sabi ng isang babae.

"Right! But, who sa kanilang dalawa? You see naman pareho sila kung kumilos"

"Pare! look! may chicks oh Dadalawa pa hahaha I know na Easy to get yan"

"Hahaha... Especially yung nasa kanan! Sh*t pare ang hot"

My lips lift up a bit as a ridiculous smirk appears on it.

"Pare mas chicks naman yung nasa kaliwa"

“Your face” Miyumi said. Napatawa naman ako ng mahina.

"eh parang pareho lang sila eh tsk hirap naman pumili sa kanilang dalawa"

"easy lang yan ano kaba"

The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon