Chapter 24

10.6K 337 31
                                        

CHAPTER # 24

1 WEEK HAVE PASSED

---NICOLO'S POV---

"Kelan mo balak sabihin sa kanya ang totoo, Nicolo?" sabi ni Alexander sakin

Andito kami ngayun sa loob ng Greenhouse sa EHA dito nakakapag relax kami at kung minsan okay lang kung di kami pumasok sa klase basta andito lang kami sa PR.

Nung isang linggo pa kami nakapasok dito. Mas kilala ito sa tinatawag na S.A

"Kung di mo kayang sabihin kay Kayla ang totoo, Nicolo ako nalang ang magsasabi." brett

"Wag!"

"kelangang sumigaw talaga?" Jun

"Hay... ang hirap naman nito"

"Ayan...ayan... May kasalanan ka kasi" Ivan

"Tumahimik ka nga Ivan! di ka nakakatulong eh!" sigaw ko dito

"Okay... okay.. High blood ka masyado Captain hahaha" Ivan

"Tsk! Tawagin nyu nalang yung team mag sisimula na tayo mag training para sa darating na school festival." sabi ko

"Di ka man lang ba mag tatapat kay Kayla, Nicolo?" Shawn

"Galit siya sakin... At isa pa kailangan kong unahin ang team"

"Tsk, tsk tsk... Paano ka mapapatawad ni Kayla kung 'di ka man lang marunong humingi ng tawad, Captain?" Ian

May point siya dun.. Pero...

Iba pa rin kasi subrang galit siya sakin.

Busy rin siya para sa School festival.

---KAYLA'S POV---

"Okay team! Warm up! Hurry!" sigaw ko sa Team mates ko

Ako ang Team captain ng Volleyball Club Female Edition.

"Yes Captain!" sigaw din nila sakin.

"Siya ang Captain natin? Hindi ba siya kinakabahan?" rinig kong sabi ng isa sa mga member ko. Si Dina

"Yeah, Tama ka. 'Di ba nanlalabo ang mata niyan? baka nga ng dahil sa kanya matalo pa tayo tsk" Sabi ni Kris

"Wala ba kayong tiwala sa team Captain natin? alam ko namang kaya niya yan! Kung 'di siya magaling 'di siya ang mapipili bilang team captain ng Volleyball Team. Magtiwala lang tayo sa kanya.!" sabi naman ni Kate, Oo. At Pumasok siya sa Club namin mas mabuti nayun para magkasama kami...

"Ahm.. Co-Capt. 'di ka ba nag tataka man lang?" riklamo pa ni Dina..

"Hindi.." isang mabilis na sagot ni Kate

Bahagya naman akong napangiti kasi may tiwala sakin si Kate. 'Di namin sinabi sa kanila na magkapatid kami tutal yung iba pang naka alam nito pinagsabihan na ni Kean.

"Hmm Siguro nga, Dina. Kailangan nating magtiwala kay Captain Kayla. Alam ko namang 'di niya pababayaan ang team na matalo..." Kris

"Kate! Ikaw na muna bahala dito. Bibili lang ako" paalam ko dito

"O segi Captain! Pro-Co. Yata 'to!" tumatawang saad niya.

lumabas na ako at pumunta sa Cafeteria.

"Akira! " bahagya akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.

At alam ko na kung sino to. kahit di pako Nakakatingin

"Ashton... Oh? Bakit? may problema ba?" tanong ko dito

The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon