Prologue

31 2 1
                                    

"Hay naku! Kailan ba nag umpisang tumanggap ang skwelahang ito ng mga basura!"

Sabay tingin sa akin ng nakangisi. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. Yumuko nalang ako dahil ayoko ng away.

"Diba kaibigan MO naman kami? Bilhan mo nalang kami ng pagkain sa cafeteria."

"Paki bilisan! Dalhin mo nalang dito sa tambayan natin Fay hap!"

"Ito lista oh" tinanggap ko yung listahan ng walang pag alinlangan. Bestfriend ko naman kasi sila eh, okay lang maubos allowance ko.

"Hoy Fay! Ito papel oh para sa assignment namin. Bilisan mong sumagot diyan habang wala pa si Ma'am"

Kinuha ko na yung papel nila at sinagotan agad. Baka kasi magalit na naman mga classmate ko.

"Miss Smith? Diba may laptop ka naman diba? Paki encode nga to. 10 pages lahat yan. Paki print nalang rin ha. Busy kasi ako eh. Para sa inyo rin naman yan bukas. Sige, mauna na ako sayo."

10 pages? kailangan ko tong matapos ngayong gabi dahil bukas na pala gagamitin sabi ni Ma'am. Kaya ko to!

"Ay babe anjan ka pala. Kaibigan ko lang yun. Wag kang mag alala. Mahal naman kita eh. "

Kaibigan niya pala yun? May kaibigan pala na nagkikiss sa lips? Ay baka sobrang close sila. Hihi Mahal naman niya ako eh. Kaya walang problema.

Naging mabuti akong tao, Mapagbigay na kaibigan, Mapagkumbaba na classmate, masunurin na estudyante at higit sa lahat naging mapagmahal na Girlfriend.

Pero inabuso nila ugali ko.

But now, No one can ever hurt me again just like what they did to me 3years ago.

Maghihigante ako.

Wanna taste MY SWEET REVENGE? *Smirk*

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon