SYNOPSIS
Isa siyang kriminal na huminto na sa kanyang masamang gawain. Nakilala siya ng iba bilang isang masamang tao. Nagnanakaw, nananakit ng iba, pumapatay—ngunit magbabago ang lahat dahil sa isang lumang propesiya.
Sa makabagong panahon kung saan siya naninirahan, malalaman ang kanyang tunay na pinagmulan. Sa panahon kung saan pinatatakbo ang buong mundo ng papaunlad na teknolohiya, malalaman nila na ang gaya niya ay nabubuhay pala.
At sa taong dalawang libo at labingwalo, isang bulalakaw ang nakatakdang wawasak sa buong mundo.
Sa pagitan ng buhay at kamatayan, gagawin ba niya ang itinakda niyang trabahong iligtas ang lahat para sa kabutihan o pipiliin na lang niyang manood sa isang tabi gaya ng nakasanayan?
Nabubuhay siya sa mundong kinikilala lang ang nagawa niyang kasamaan, at ang lahat ng pagbabagong ginagawa niya ay resulta lamang ng kanyang kabaliwan. Gagawa pa rin ba siya ng mabuti kung ang pagliligtas sa mundo ang magtuturing sa kanya bilang isang resulta ng napakalaking kasalanan?
____
Lifebooks' first release for 2017 is "Superhero Problems" by Elena Buncaras. Winner of the 3rd Wattpad Writing Battle, this book is coming to National Bookstore, BookSale, and Precious Pages. Cover design by Lykacrea24.
BINABASA MO ANG
Superhero Problems
FantasyFirst Placer of Wattpad Writing Battle 2016 Sa mga panahong kailangan ni Ep-ep ng tulong ng mundo ay tinalikuran siya nito... Tatalikuran din ba niya ang mundo kung sakaling ito na ang nangailangan ng tulong sa kanya? Madaling bigyan ang isang m...