Ika-pitong Kabanata

493 33 31
                                    


Unedited version



Ikapitong Kabanata



"Marimar, aaww! Costenita soy, lalalala!"

Tuwang-tuwa si Ep-ep umagang-umaga dahil pagkalipas ng ilang araw na walang ligo, ilang buwang hindi pag-aasikaso nang matino sa sarili at ilang taong pagpapabaya sa katawan, sa wakas ay nakaligo na rin siya. Pasayaw-sayaw pa siya kaya nagkalat ang mga bula sa pader ng banyo ni Aling Nita.

Sa katunayan, hindi pa rin naman siya pinayagang maligo pero pinalilinis siya ng banyo. At para hindi sayang ang tubig, sumabay na rin siya. Linis ng banyo, linis ng katawan, tipid sa tubig. Ayos.

Hindi masabi kung saan galing ang kulay-tsokolateng tubig na dumadaloy sa sahig: kay Ep-ep ba o sa banyo. At dahil hindi ganoon karumi ang banyo, mukhang kilala na kung sino ang pinagmulan ng dumi.

Matagal na rin siyang hindi nakakapaglinis nang maayos ng katawan dahil sa limitadong tubig na binibigay ni Aling Nita. Isang linggo na walang ligo o hilamos man lang dahil bantay-sarado siya sa tubig at pinaiiwas sa banyo at lababo. May pambayad siya ng tubig para sa bahay na iyon ngunit ikinatataka niya ay kung bakit ipinagdadamot sa kanya ang mga bagay na sa pagkakaalam niya'y binabayaran naman niya.

Tatlong oras ang iginugol niya sa banyo. Isang oras na paliligo at pagbabawas ng mga dumi at buhok sa katawan, dalawang oras naman sa maayos na paglilinis.

Nang matapos sa kabuuan ay pinunasan niya ang salamin at tiningnan ang sarili.

"Wow, Juan Francisco Caltagirone Patriarca Maranzano. You look so handsome today." Nginitian niya ang sarili at hinawi ang buhok niyang basa pa rin. Itinaas niya ang kanang braso upang tingnan ang muscle niya. "I so love you, muscle one. And, also you, muscle two." Sabay taas sa kaliwang braso. Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin at lumapit doon nang bahagya. Tinitigan niya ang mata niyang itim na itim. Ngumiti siya at sumilay ang pantay niyang ngiping tatalo sa mga model ng toothpaste sa TV. Umaangat pa ang bawat linya ng maganda niyang katawan dahil sa kayumanggi niyang balat.

"Mommy! Tapos na bang i-clean ang CR? I want to—"

At bumukas ang pinto ng banyo. Bumungad sa pintuan si Georgie na may nakasampay na tuwalya sa balikat.

"Okay na ang banyo," sagot ni Ep-ep.

Natahimik si Georgie habang nakanganga. Tingin sa mukha ni Ep-ep, tingin sa katawan nito, tingin pa sa ibabang parte dahil walang kahit anong suot ang lalaki.

Pagkalipas ng sampung segundo...

"Mommy!"

Isang tili ang umalingawngaw sa bahay ni Aling Nita habang napuno naman ng pagtataka si Ep-ep dahil sa ikinilos ni Georgie.

"Mommy! May magnanakaw! May magnanakaw na nakahubad!" Biglang inulan ng gamit si Ep-ep mula kay Georgie. Lahat ng madampot nito, ibinabato na sa kanya.

"Georgie! Ako 'to! Ako 'to si Ep-ep!" Sinalo naman ni Ep-ep ang lahat ng binabato ng babae sa kanya.

"Hindi ka si Ep-ep! Pangit si Ep-ep! Mommy! Mom—!" Hindi na natapos nang maayos ni Georgie ang isinisigaw dahil tinakpan agad ni Ep-ep ang bibig niya at niyakap siya mula sa likod.

"Georgie! Tumahimik ka nga!"

Patuloy pa rin sa pagpalag si Georgie habang pinapalo ang kamay ni Ep-ep na nasa bibig niya.

Superhero ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon