The whole novel is dedicated to Miss Nayin Yagdulas.
________
At ngayon lang naisipang i-post ang author's note.
( Ok lang naman sigurong i-add ito :) )
~~~~Unang-una, gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Wattpad Writing Battle 2016 na nagbigay ng oportunidad sa lahat ng kalahok na sumali sa kanilang taunang patimpalak sa pagsulat.
~~~Pangalawa, maraming salamat kay @Akosikurdapia na naghamon sa OS ng nasabing kompetisyon pero hindi ko pinatulan dahil weakness ko ang word count kaya ko pinatulan yung novel na mas madali ayusin for me, kaso kinatamaran ko ring ayusin. (Kaso di ka rin sumali, bhe. Pinaasa mo 'ko. Chaket sa heart. Akala ko pa naman magkakalaban tayo.)
~~~~Pangatlo, super thank you kay Ate Nayin dahil sa PNYBattle2 niya noong December. Siya po ang reason kung bakit ako sumali sa mga contest this year. Ibang hope ang binigay sa akin ng PNYBattle na matagal ko na sanang gustong sabihin kaso di ko alam kung paano sisimulan mag-thank you. Ang Superhero Problems ang sana'y entry ko para sa Writing Battle niya (na hindi ko natapos kasi may elements na kailangan sa PNYBattle at hindi nag-fit ang elements sa storyline ng Superhero Problems) Hindi ko man iyon naipasa roon, maganda pa rin ang kinalagyan ng kuwento kaysa sa inaasahan.
~~~~Pang-apat, di mauubos ang thank you ko kina Nova_mae1201 PobHulyo RHMDeLeon Myra1493 at MeasMrNiceGuy na talagang nag-push sa akin para magpatuloy sa pagsali sa mga contest. The best team ever tayo for me kahit na madalas tayong may giyera sa GC hahaha!
~~~~Panglima, ihihiwalay ko na ang thank you kay FrozenHart na sa last day of cramming e natulungan pa ako sa pagtapos ng aking novel. Nagka-warp ang story ko at ang 7k words ko e umabot ng 24k sa loob lang ng apat na oras.
~~~~Panglima, salamat lahat ng sumali sa WWBY2016 Novel category. Lalo na sa Top 5 na nakaabot sa Finals. Doon sa dalawang hindi nakapagpasa...(umasa na naman ako. Inaabangan ko talaga kayo sa Finals. Isang tumbling na lang e... ) Anyways, idols ko pa rin kayo ^___^ you guys rock!
~~~~Salamat sa kapatid kong si Elisar na madalas akong sabunutan, ma-update lang ng kuwentong inyong nabasa. Mga rants niya ang pinagmulan ng storyline ni Ep-ep at mas magaling pa siyang gumawa ng fantasy story kesa sa akin(tamad lang mag-type).
~~~~Salamat sa Ate kong taga-demonyo ng utak ko. Sasali dapat siya sa WWBY dahil fantasy ang forte niya kaso isa ring tamad. Hi, Ate! Salamat sa pagbulabog tuwing alas dose ng gabi para lang sa update. Magkapatid nga kayo ng kapatid mo. Palibhasa, sa partner mong cross-breed ni Richard Gomez at Gabby Concepcion na na-tipus ibinase yung character ni Ep-ep kaya mo tyinagang basahin.
~~~~Salamat kay Mama na kaagaw ko sa computer. Para kaming may Palarong Pambansa: Trip to Jerusalem Category sa bahay everytime na aalis yung DoTA addict kong kapatid sa computer.
~~~~Salamat din kay Papa na pinagkuhaan ko ng sarcasm to da max para sa kuwento. Siya ang pinagbasehan ko ng boses ng narrator ng Superhero Problems dahil hindi naman talaga ganito ang narration ko para sa nasabing genre at contest.
~~~~At higit sa lahat, salamat nang maraming marami kay Papa God. Tinadtad niya ako ng blessings this year at isa na ang WWBY sa ibinigay niya. Super super thank you, Lord. The best ka talaga, always.
P.S.
Salamat din sa iyo na nagbabasa nito. Salamat sa sandaling pagbisita sa mundo ni Ep-ep. Isa kang alamat :)
BINABASA MO ANG
Superhero Problems
FantasyFirst Placer of Wattpad Writing Battle 2016 Sa mga panahong kailangan ni Ep-ep ng tulong ng mundo ay tinalikuran siya nito... Tatalikuran din ba niya ang mundo kung sakaling ito na ang nangailangan ng tulong sa kanya? Madaling bigyan ang isang m...