unedited version
Ika-siyam na Kabanata
"To Mr. Juan Francsico Caltagirone Patriarca Maranzano," pagbabasa ni Ep-ep sa sulat na nakita niya sa mailbox. "Meet me at Blackbeard's Seafood Island, naks!" Napangiti agad siya at nagpigil ng tawa. Nilalakad niya ang kahabaan ng Seaside Boulevard patungo sa lugar kung saan naghihintay ang ka-meeting niya.
Sa labas pa lang ay tanaw na mula sa salaming dingding ng resto ang nagpadala sa kanya ng sulat na naghihintay.
"Early bird," sabi ni Ep-ep sa sarili at kinuha sa bulsa ang pocketwatch. Alas dose y kinse at ang usapan ay alas dose y medya. Maaga nga siya ng labinlimang minuto ngunit mas maaga ang katatagpuin niya.
Pumasok siya ng resto at buong yabang na nilakad ang daan patungo sa katatagpuin. Inayos niya ang damit at saka nagpamaywang pagtapat niya sa mesa ng nagpadala ng mensahe.
"Hi, Miss Beautiful," ani Ep-ep sa isang babaeng naroon sabay taas-taas ng kilay. "Looking for me?" Taas ng lang din ng kilay ang naisagot nito sa kanya. Umupo siya sa upuang kaharap nito at saka siya ngumiti nang pagkatamis-tamis.
"Kanina mo pa ba 'ko hinihintay?" tanong ni Ep-ep habang pinapababa ang boses. "Tara, usap tayo."
"Alis," simpleng tugon nito.
"Wow! Kararating ko lang pinaaalis mo na 'ko? Ang hard mo, ha." Inayos pa ni Ep-ep ang kuwelyo ng suot niya.
"Hindi ako interesadong makipagkilala sa'yo. I'm a busy person, and I don't have time to entertain nonsense—"
"Ssshh!" Pinigilan agad ni Ep-ep ang sinasabi ng babae gamit ang pagtakip ng hintuturo niya sa labi nito. "Alam kong ako ang kailangan mo. Hindi mo na kailangang magpaliwanag dahil—"
Walang anu-ano'y tubig ang sumaboy sa mukah ni Ep-ep na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Tinabig ang kamay niya ng babae at tinarayan uli siya nito.
"Wala akong pakialam sa 'yo dahil hindi ikaw ang kailangan ko. Now, I want you to get out of my sight, whoever you are."
"Wow! Ang refreshing naman ng pambungad mo sa 'kin!" ani Ep-ep habang dahan-dahang pinupunasan ang mukha niyang nasabuyan ng tubig gamit ang palad. "Nag-almusal ka ba? Bad mood ka 'ata."
"Lumayas... ka... sa harapan ko."
"But, I'm the one you needed." At diretsong tiningnan ni Ep-ep ang babae.
"Oh, really?" Humalukipkip ito at tinaasan na naman siya ng kilay. "I don't think so. Now, get lost. Kung ayaw mong masabuyan ng panibagong tubig, tantanan mo 'ko." Itinaas ng babae ang kanang kamay. "Waiter! Isang pitsel nga ng tubig dito!"
Naging blangko ang timpla ng mukha ni Ep-ep habang nakatingin nang diretso sa kaharap niya. "Gusto kong malaman kung bakit ang sungit mo sa 'kin at kung bakit ganiyan ka makitungo sa mga nakakasalamuha mo. Hindi mo ba ako nakikilala?"
Lumapit ang babae sa mesa at halos ipamukha niya kay Ep-ep ang mga salita niya. "Wala kang pakialam kung paano kita gustong tratuhin. At wala rin akong pakialam kung sino ka. Hindi ikaw ang kailangan ko kaya pwede ba, layas."
"Kung hindi naman pala ako ang kailangan mo, e di sino?" tanong ni Ep-ep.
"Sino ang kailangan ko? 'Yung taong magliligtas sa mundo ko. Parating na ang hinihintay ko kaya umalis ka na bago pa man siya dumating."
BINABASA MO ANG
Superhero Problems
FantasyFirst Placer of Wattpad Writing Battle 2016 Sa mga panahong kailangan ni Ep-ep ng tulong ng mundo ay tinalikuran siya nito... Tatalikuran din ba niya ang mundo kung sakaling ito na ang nangailangan ng tulong sa kanya? Madaling bigyan ang isang m...