Chapter 6

282 29 0
                                        

Chapter Six

Halos atakihin sa puso si Manang Cora sa nilalang na kanyang nakita sa may pintuan ng kanyang kwarto.

Ni hindi siya makapag-salita o maka-galaw dahil sa takot lalo pa't nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa kanya ngayon.

Diyos ko nariyan po ba kayo? Tulungan nyo po ako!

Pagdadasal ni Manang Cora sa kanyang isip dahil para sa kanya, isang demonyo ang kanyang nakikita ngayon.

"Yaya?? Are you okay??" Biglang nagsalita ang nilalang at ang nakakatakot na itsura ng babaeng kanyang unang nakita ay naglaho at napalitan ng naga-alalang mukha ng kanyang alaga.

"A-Alex?" Ang nasabi ni Manang Cora sa wakas.

Nakita niyang lumapit ang dalaga sa kanya at naupo sa tabi niya. Hinawakan ng dalaga ang kanyang mga kamay bago nagsalita. "Okay ka lang ba? It looks like you've seen a ghost or something." Naga-alala ang tono ng dalaga.

"O-okay lang ako." Pero ang totoo ay sobrang takot niya sa kaniyang nakita.

"Are you sure?" Hindi naniniwalang sabi ni Alex sa matanda. Tumango ang matanda sa dalaga. "Do you want anything? Water perhaps?" Bakas pa din ang paga-alala ng dalaga sa kanya.

Umiling si Manang Cora at saka niya naisip kung anong kailangan ng kanyang alaga. "A-ano nga palang ginagawa mo ditong bata ka? May kailangan ka ba?" Yaya played it cool. Ayaw niyang mag-alala pa ang kanyang alaga.

"Oh yea. Now that you've mentioned it." Umayos ng upo si Alex. "I was wondering kung may stockroom ba tayo dito? Or attic? Any room na pwedeng paglagyan ng old stuff. You know." Paliwanag ni Alex kay Manang.

"May hinahanap ka ba?" Tanong ni Manang habang mariing nakatitig sa dalaga. Pinag-isipan ni Alex kung sasabihin niya ang kanyang tunay na pakay dahil sa naging reaksyon ni Manang sa kaniya kaninang hapon.

"Hmm. Yea. Some family photos. Mas maganda pa nga kung makakita ako ng photos ng mga grandparents ko. May project pala kasi kaming naalala ko kanina. Yun nga pala ang reason bakit ako umuwi dito." Palusot ni Alex sa matanda. Iniisip niyang sana kumagat ito sa kanyang palusot. Nag-isip pa si Manang Cora kung dapat ba niyang sagutin ang tanong ng alaga.

"Ganoon ba. Oo mayroong attic dito sa bahay niyo. Umakyat ka sa third floor at sa dulong pinto may hagdan doong pataas na makipot. Papunta sa attic yun." Paliwanag ni Manang Cora at agad namang napangiti si Alex sa nalaman.

"Thank you yaya!" Masayang sabi ng dalaga at saka yumakap sa kanya na ikinagulat ng matanda. Makalipas kasi ang isang taon, ngayon na lang siya ulit niyakap ng kanyang alaga.

Nang makalabas na si Alex sa kwarto ng matanda ay hindi pa din makakalimutan ng matanda ang kanyang nakita.

Napaluha ang matanda hindi dahil sa labis na takot. Kung hindi sa labis na kalungkutan at sakit na nadarama. Nagi-guilty din siya. Gusto na niyang kausapin ang kanyang alaga pero mahigpit siyang pinagbawalan ng kanyang kausap kanina.

Umakyat sa third floor si Alex at sinundan lang ang instructions ng matanda. Tama nga at sa dulo ng hallway na ito ay may pinto. Binuksan niya ang pinto pagkarating niya sa dulo at saka tumingin pataas ng hagdan. Napaka-dilim ng hagdanan paakyat. Hindi mo matatanaw ang itaas dahil sa sobrang dilim.

Alexandria (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon