Chapter 8

192 17 8
                                        

Chapter Eight

Nagising si Alex sa walang humpay na tunog ng kaniyang telepono.

Kumurap-kurap ang dalaga at saka kinapa ang kaniyang telepono sa may nightstand.

"H-hello?" Sagot ni Alex na halatang bagong gising pa lamang ito. Nakarinig siya ng kaunting ingay sa kabilang linya bago may nag-salita.

"Alex? Thank god you picked up! It's me, Quinn." Sagot ni Quinn sa kabilang linya at halata sa boses nito na siya ay balisa.

"Ohh hey, Quinn. What's wrong? You seem tense." Sabi ni Alex at saka nag-hikab. Halatang antok na antok pa ito.

"Babe! Y-yea. I mean no. I-It's Tyler!" Sunod sunod na sabi ng babae.

"Huh? Why? What's wrong?" Tanong ni Alex habang pilit na bumabangon sa kama.

"S-si Tyler..." Hindi masabi sabi ni Quinn ang gusto nyang sabihin dahil sa humihikbi ito.

"Quinn, honey, calm down. Paano kita maiintindihan?" Sabi ng dalaga dito at saka kinusot ang kanyang mata.

"Si Tyler! He's dead Alex." Umiiyak na sabi nito na siyang ikinagulat ni Alex.

"What?? What the fuck happened?!" Di makapaniwalang tanong ni Alex. Para kay Alex ay mabait na tao si Tyler. Lagi lang itong high pero mabait ito at matulungin sa ibang tao lalo na sa kanilang magkakaibigan.

"He...a car hit him...we were able to rush him sa hospital last night but binawian din siya ng buhay just earlier. Please Alex come here sa hospital nandito pa kami." Sabi ni Quinn at parang nanlumo si Alex sa nabalitaan.

Agad nitong tinanong kung saang ospital sila nandoon at saka nagmamadaling pumunta dito.

Pagkarating ni Alex sa ospital ay agad nyang nakita sina Quinn. Lumapit ito sa grupo at agad namang yumakap si Quinn sa dalaga.

Nanatili lamang sila sa lobby ng ospital habang inaayos ng magulang ni Tyler ang bills sa ospital.

"...napakabilis ng pangyayari..." Narinig ni Alex ang sabi ng humihikbing ina ni Tyler habang kausap ang mga kaibigan nito.

"Kasalanan nyo ito eh....kung hindi sana ninyo inaya ang anak ko eh di sana buhay pa siya! Tahimik na nagaaral ang anak ko sa bahay pero!! Pero bigla nyo siyang niyaya!" Nagulat na lang ang magkakaibigan sa biglaang outburst ng nanay ni Tyler. Kahit ang mga nurse at ibang tao sa waiting area ay nagulat.

Tumayo ang tatay ni Tyler at lumapit sa kanyang asawa upang pakalmahin ito dahil sobra sobra itong nasasaktan kaya ito nagwawala.

"Biruin nyo nagaway pa kami bago siya umalis ng bahay!! Yun ang huling memory ko ng anak ko. Ang sakit sakit! Nananahimik siya sa bahay...ka...salanan n-nyo...." Humahagulgol na sabi ni Mrs. Rivera.

"Matagal ko ng sinabi kay Tyler na wag ng sumama sa inyo dahil bad influence kayo sa kanya pero ang tigas ng ulo niya!! Isang yaya nyo lang sa kanya agad siyang pumapayag. Kayo ang may kasalanan nito!!" Sigaw pa rin ng nanay ni Tyler.

"Mabait a-ang anak ko....bakit kailangan s-siya pa??" Nasaktan si Alex sa narinig kay Mrs. Rivera. Pakiramdam niya na kahit wala siya doon ay may kasalanan pa rin siya.

May mga lumapit ng nurse at guard para pakalmahin ang babaeng nagwawala. Inaya na din ng asawa nito na pumunta muna sa kotse dahil nakakahiya na sa mga tao dito.

Nang makaalis ang mga magulang ni Tyler sa waiting area ay wala ni isa sa magkakaibigan ang bumabalik pa sa reyalidad. Ang mga ito ay gulat na gulat pa rin sa pangsisisi ng nanay ni Tyler.

Alexandria (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon