Chapter 7

309 27 4
                                    

Chapter Seven

Nagising si Alex sa huni ng mga ibon na nasa labas ng bintana ng kanyang silid. Kitang kita ang payapang umaga sa labas ng kanyang bintana.

Nakadapa si Alex sa kanyang kama at wala sa sariling kumurap kurap ito. Tumagilid ito at tiningnan ang alarm clock sa kanyang nightstand, 6:17am. Nang makita ito ay tuluyan na siyang nahiga ng maayos.

Napatitig ang dalaga sa kanyang kisame at agad na napahawak sa kanyang ulo. Kumikirot ito na para bang  kakagaling lamang sa pag-inom ang dalaga, na hindi pa niya naranasan kahit minsan.

Naupo ito sa kama at saka luminga linga sa kanyang paligid.

What the fuck happened?

Anya sa isip ng dalaga. Dahil sa pagkakatanda nya ay nasa attic ito para hanapin ang mga litrato ngunit pag-gising nya ay nandito na siya sa kanyang kwarto.

"Oh shit!" Napabangon bigla ang dalaga at napasandal sa may bintana ng maalala ang nangyari sa kanya sa attic.

Nangilabot ito sa takot at napahawak siya sa kanyang mga braso at napahimas sa mga ito na para bang kaya nitong tanggalin ang takot na bumalot sa kanyang pagkatao.

Naaalala pa niya ang nakakatakot na mukha ng babae sa attic. Ang duguan nitong mukha at ang makapanindig balahibo nitong mga titig. Mga titig na para bang gusto siyang patayin...

~riiiiing!~

"Shit!" Nasambit ng dalaga dahil nagulat ito sa tunog ng kaniyang telepono. Huminga muna ito ng malalim at saka lumapit sa nightstand at agad na dinampot ang telepono.

"H-hello?" Ramdam pa din ng dalaga ang gulat na dulot ng pagtunog ng kanyang telepono.

"Yo Alex!" Sabi ng boses sa kabilang linya.

"Tristan?" Paninigurado ni Alex.

"The one and only. How's my wingman? Kailan ka babalik sa hideout?" Tanong ng binata dito.

Napabuntong hininga muna si Alex bago sana sumagot na ayaw muna niyang bumalik doon dahil masama pa ang loob niya sa kanila ngunit natigilan siya nang makita niya ang litrato niya kasama ang babaeng hindi pa din niya kilala, na nakapatong sa lamesa. Ang litratong nakita niya sa drawer ng kanyang study table kahapon. Kinuha niya ito at tinitigan ang litrato.

"I...I just need to check on a few things here then I'll be back." Sabi ng dalaga.

"Right! Make sure na aabot ka sa party ng Moroccan twins ah!" Paalala ni Tristan kay Alex. Panigurado kasing magtatampo ang kambal na iyon kapag wala si Alex dahil pinaka paborito nila ito sa elite na grupo.

"Ahh yea yea. Don't worry. I'll be there." Wala sa sariling sagot ni Alex at saka nila ibinaba ang tawag.

Tinitigan niyang mabuti ang litrato at saka lumingon sa labas ng bintana.

Sino ka ba talaga?

----------

Nasa office si Alex ng kanyang ama at kasalukuyang isinasalansan ang mga litratong kanyang nakuha sa box.

Umakyat muli si Alex sa attic at nagmamadaling kinuha ang box. Ayaw niyang magtagal pa siya kahit ilang segundo sa silid na iyon dahil baka maulit muli ang kanyang naranasan dito kaninang madaling araw.

Nang matapos niyang ilapag sa malaking lamesang gawa sa pinakamagandang kahoy na nagmula pa sa Amerika ang lahat ng litrato ay tinitigan niya itong mabuti.

Alexandria (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon