Chapter 10

13 2 0
                                    

Chapter 10

"Manang Cora, I'm fine na po. Pwede na po kayong umuwi and magpahinga." Sabi ni Alex sa matanda habang inaayos ang kanyang kumot.

Kasalukuyang nasa kwarto si Alex sa loob ng ospital upang magpagaling at matingnan pa ng husto ng kanyang duktor.

"Ano ka bang bata ka, okay lang ako dito. Isa pa kailangan mo ng bantay lalo pa at hindi ka pa magaling." Napapailing na sabi ni Manang Cora sa kanyang makulit na alaga.

"No, I insist. Alam ko pagod na po kayo at puyat. Magpahatid na po kayo kay Kuya Jojo." Pilit ng dalaga sa matanda.

Pumasok ang nurse matapos nitong kumatok sa kwarto ni Alex. Napatingin ang dalawa dito at ngumiti naman ang babaeng nurse sa kanila.

"Good evening po. Check ko lang yung vital signs nyo po." Magalang na sabi ng nurse kay Alex. Tumango naman ang dalaga at saka inilabas sa ilalim ng kumot ang kanyang braso upang makuha ang blood pressure ng dalaga.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din ang nurse sa kanyang ginagawa at nagpaalam na sa dalawa. Lumabas ng pinto ang nurse at saka bumaling si Mangn Cora sa dalaga.

"Okay lang talaga ako Manang, promise." Natatawang sabi ni Alex sa matanda ngunit hindi nagpatinag ang matanda sa kakulitan ng alaga.

"Dito na ako magpapalipas ng gabi, bata ka. Bukas din naman uuwi ka na." Sabi ni Manang Cora at inayos ang malambot na couch na kanyang tutulugan ngayong gabi.

Napailing na lamang si Alex habang nakangiti dahil mas makulit pa sa kanya ang kanyang yaya.

Makalipas ang isang oras nakatulog na sina Alex at Manang Cora. Gabi na din naman at pagod si Alex dahil sa aksidente kaya agad din itong nakatulog.

———

Napa balikwas sa higaan si Alex ng may marinig siyang tinig na tumawag sa kanya. Tila hingal na hingal ang dalaga at balisang lumingon sa kanyang paligid.

Walang sinuman ang nasa kwarto maliban kay Manang Cora na mahimbing na natutulog sa couch.

Napakunot ng noo si Alex dahil pilit niyang inaalala ang nangyari bago siya magising. Alam nyang may tumawag ng kanyang pangalan. Sobrang linaw ng pagkakabigkas ng kanyang pangalan na aakalain mong nasa tabi lamang nya ito.

Nang maisip niya ito ay bigla itong kinilabutan. Naaalla na naman nya ang mga kababalaghang nangyayari sa kanya.

Muling iginala ni Alex ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto at saka lamang tumigil sa malaking orasang naka sabit sa dingding malapit sa hinihigaan ni manang Cora.

6:17am.

"Shit." Bulong ni Alex ng makita ang oras. Nakaramdam siya ng takot dahil napagtanto niyang sa tuwing ganito ang oras ay may kababalaghang nangyayari sa kanya.

Nicole

Nagulat si Alex ng biglang may boses siyang narinig. Lalo itong kinabahan lalo pa ng mapagtanto niya ang pangalan na binanggit ng boses. Maging ang boses ay pamilyar sa kanya dahil ilang beses na nya itong naririnig tuwing may kababalaghang nangyayari sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alexandria (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon