Chapter 11

35 3 0
                                        

Chapter 11

Nagising si Alex ng maramdaman niyang sumasakit ang kanyang kanang braso.

Tiningnan niya ang kanyang braso at nakita niyang may nakabalot ditong makapal na tela at nang pakatitigan niya ito ay isa pala itong pangkuha ng blood pressure.

Iniangat niya ang kanyang tingin at nakita ang isang nurse na busy sa pagkuha ng kanyang blood pressure.

"110/70 po." Sabi ng nurse kay Alex habang tinatanggal ang parapernalia s akanyang braso.

Nakahinga ito ng maluwag ng makita niya si Manang Cora na nakaupo sa couch.

"Gutom ka na?" Tanong ng matanda sa dalaga nang makaalis ang nurse matapos magbilin na inumin ang dala nitong gamot para kay Alex.

"O-opo." Sagot ni Alex habang pinipilit nitong maupo sa kanyang higaan.

"Masakit pa ba ang ulo mo? Isi-CT scan ka raw ulit sabi ng nurse kanina." Nagaalalang tanong ni Manang Cora habang inaalalayan ang kanyang alaga.

Dahil sa tanong ni Manang Cora, hinawakan ni Alex ang kanyang noo kung saan may bendang nakadikit dito. Bahagya itong napapikit dahil masakit pa pala ito kung hahawakan. Akala niya ay kahit papaano ay magaling na ito.

"Oh siya bibili muna ako ng pagkain. Alam ko namang ayaw mo ng pagkain rito." Natatawang saad ng matanda habang kinukuha ang kanyang wallet sa bulsa ng kanyang bag.

Tumango si Alex sa matanda at agad na napatingin sa orasang nakasabit sa dingding. Nagulat ito nang makitang 6:17am ang oras.

"M-manang. Anong oras na po?" Kinakabahang tanong ni Alex sa matanda.

Tumingin ang matanda sa orasang nasa pader at sinabi ang oras, ngunit umiling si Alex.

"Nasan po ang phone ko manang?" Ito na lamang ang tinanong ni Alex dahil gusto niyang makita sa kanyang phone kung tama ba ang oras na nasa orasan sa pader.

Iniabot ng matanda ang cellphone ni Alex at nang bumukas ito ay nakita niyang 6:17am ang oras.

Agad na hinawakan ni Alex ang kanyang dibdib. Sinilip pa niya ito mula sa loob ng hospital gown kung may sugat siya rito.

Nang masigurong walang sugat ay napahinga ito ng malalim.

Nanaginip lang ba ako kagabi?

Takang tanong ni Alex sa kanyang sarili. Dahil pakiramdam niya'y totoong itinarak ng multo ang kamay nito sa kanyang dibdib.

"Wait..." Sambit ni Alex nang mapagtantong naalala niya ang kanyang panaginip, kung panaginip nga ito.

"I remembered my dream??" Hindi makapaniwalang tanong ni Alex sa sarili.

"Ano 'yon?" Nagulat siya ng magtanong si Manang Cora na ngayon ay nasa may bandang pintuan na pala.

"W-wala po. Pabili na din po ng kape manang. Thank you po." Nakangiting sabi ni Alex sa matanda at tumango naman ito bago lumabas ng pinto.

"Paanong naaalala ko ang panaginip ko??" Nalilitong tanong ni Alex sa sarili dahil mula ng magising siya sa ospital isang taon na ang nakalilipas ay hindi talaga siya nakaka alala ng kanyang mga panaginip.

"It's so fucking weird..." Sambit pa nito at napakamot na lamang ito ng kanyang ulo sa pagka mangha sa nangyari.

Pero naisip ni Alex, kung panaginip lang ang lahat, bakit pakiramdam niya ay tunay itong nangyari? Sa ngayon kasi ay masakit ang kanyang katawan, maaaring nakuha niya ito ng bigla siyang tumilapon ng parang may biglang bumangga sa kanya ng pagka lakas lakas. Bukod doon ay may kaunting kirot sa kanyang dibdib kung saan itinarak ng babaeng multo ang kanyang kamay.

Alexandria (girlxgirl)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon