Nagising si Alex mula sa ingay na nagmumula sa kanyang paligid. Malakas at tuluy-tuloy na busina ng sasakyan ang kanyang naririnig.
Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang naramdaman ang kirot na nagmumula sa kanyang sentido kaya napapikit itong muli.
Nang luminaw ang kanyang paningin ay nagulat siya na may isang lalaking galit na galit na kumakatok sa bintana ng kanyang sasakyan.
What happened??
Hindi maalala ni Alex ang nangyari. Dahan dahan niyang iniangat ang kanyang ulo na nakapatong sa manibela at tuluyan ng tumigil ang ingay ng busina. Galing pala sa kanyang sasakyan ang ingay ng businang kanyang naririnig.
Patuloy pa rin sa pagkatok ang nasabing lalaki kaya minabuti na niyang buksan ang pinto at bumaba.
"Ano bang iniisip mo?? Gusto mo bang magpakamatay!? Idadamay mo pa ko!" Galit na galit na sigaw ng lalaki sa kanya pagkababa niya ng sasakyan.
Tumingin sa paligid si Alex na para bang lutang pa ang pagiisip nito. Nakita niya ang isang truck ng buhangin na nakasampa sa gutter ang mga gulong nito sa kanan. Nakita din niya na ilang mga sasakyan ay nakatabi rin sa daan.
"Tingnan mo hindi ka pa nakikinig! Nakainom ka ba? Sabog ka ata eh!" Naririnig niyang sabi ng lalaki kanina ngunit hindi niya ito pinansin.
"Okay ka lang ba iha?" Narinig niyang sabi ng isang matandang malapit sa kanya.
Napalingon si Alex dito at napaisip kung okay lang ba talaga siya.
"O-opo." Sagot ni Alex at humingi siya ng pasensya sa lalaking kanina pa talak ng talak.
"Tingin mo ba may magagawa yang sorry mo kung namatay ako?? Yung iba?? Ha??" Galit pa rin nitong sabi at napatungo na lamang si Alex sa hiya at guilt.
"Tama na pre. Wala namang nasaktan. Ahh pwera siya mukhang humampas sa manibela." Sabi ng isang lalaki habang nakatingin kay Alex.
"Porket maganda pababayaan na lang? Sus!" Sabi ng pahinante ng truck na muntik ng mabanga ni Alex.
"Tama na. Walang mareresolba kung puro init ng ulo. Kung gusto nyo tumawag na lamang tayo ng pulis." Sabi ng isa pang matandang lalaki na nandoon.
"B-babayaran ko na lang ho ang damages. Kung gusto nyo po ipapacheck ko na din po kayo sa ospital. Ako na din po ang sasagot." Sahi ni Alex habang nakayuko.
"Nako miss. Ikaw na lang ang dalin namin sa ospital. Nagdudugo kasi iyang noo mo." Sabi ng naunang matandang nangamusta sa kanya.
Dahil dito napahawak si Alex sa kanyang noo at bigla siya napangiwi. Mahapdi at masakit. Pagtingin niya sa kanyang kamay ay may mantsa na ito ng dugo.
"Sige bayaran mo na lang kami miss.".Sabi ng drayber ng truck sa kanya.
"Wala mamang na-damage sayo iho ah. Pabayaan na natin ang bata. Panigurado naman may natutunan siya ngayon dito sa nangyari. Tsaka dapat na madala na siya sa doctor." Sabi ng pangalawang matanda.
"Siya naman nag prisinta eh!" Sabi ng pahinante sa kanila.
"Hay nako mga kupal." Bulong ng isang matandang babaeng nakiki usyoso din sa kanila.
"H-heto po ang card ko. T-tawagan nyo na lang po ako kung paano ko ipapadala ang pera." Wala sa sariling sabi ni Alex. Bukod sa nahihiya ito ay inaalala pa rin niya kung anong nangyari.
Agad na kinuha ng drayber ang card ni Alex at saka tinitigan ng masama ang dalaga. Maya maya pa ay umalis na din ang mga ito.
"Iha. Kaya mo pa bang mag maneho? Kailangan mong madala sa ospital." sabi ng naunang matandang lalaki.
BINABASA MO ANG
Alexandria (girlxgirl)
Misterio / SuspensoMay mga taong bumabalik sa buhay natin dahil namimiss na nila tayo o gusto nila tayong makasamang muli. May mga taong bumabalik sa buhay natin dahil gusto naman nilang maghiganti. Pero paano kung ibang bagay o nilalang ang bumabalik sa buhay natin...