Chapter 5

393 28 4
                                    

Chapter Five

Pinilit ni Alex na buksan ang kanyang mga mata ngunit siya'y bigo. Pakiramdam niya'y mabigat ang mga talukap ng kanyang mata. Pinilit din niyang gumalaw sa kanyang kinahihigaan pero biglang kumirot ang kanyang katawan.

Muli niyang binuksan ang kanyang mga mata at sa wakas ay nagtagumpay siya, ngunit agad din niya itong isinara ng masilaw siya sa liwanag na nagmumula sa bintana. Agad niyang tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang kamay.

"Shit." Makiling sabi niya. Bumangon siya sa kama, naupo at saka kumurap kurap. Nang luminaw na ang kanyang paningin ay inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid.

Napag-tanto niyang nasa kanyang kwarto siya.

What the heck happened??

Tanong niya sa kanyang isip ng wala siyang maalala kagabi. Pinilit niyang isipin ang nangyari pero kumirot ang kanyang ulo kaya agad siyang napahawak dito.

Nang medyo umayos ng kaunti ang kanyang pakiramdam ay tuluyan na siyang bumangon sa kama at dumiretso sa bathroom. Naghilamos siya at nagtoothbrush. Habang nagt-toothbrush siya ay may napansin siya sa reflection niya sa salamin. Itinigil niya ang kanyang ginagawa at saka ibinaba ang toothbrush.

What the fck is this??

Naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili ng matitigang mabuti ang kanyang leeg. May mga sugat ito at may marka pa na akala mo'y sinakal siya.

Agad siyang nagmumog at saka taimtim na ininspeksyon ang kanyang leeg sa salamin. Lumapit pa siya ng husto sa salamin para matingnan ng maayos ito.

"Where the fck did I get this??" Sabi niya dahil wala siyang matandaan na nakipag away siya kagabi. Imposible ding dahil sa sex ito dahil sa isip isip niya'y dominante siya.

Ilang segundo pang pagtitig ang lumipas, biglang lumitaw ang isang nakakatakot na mukha ng duguang babae sa salamin at saka lumabas ang mga braso nito sa salamin at siya'y biglang sinakal nito na kanyang ikinagulat.

"Aaaaahhhhh!" Sigaw niya at saka siya napaupo sa sahig at pilit na kumakawala sa pagkakasakal ng babae.

"Alex?!" Sigaw ni Quinn at Ciara mula sa labas ng kanyang kwarto ng marinig ang sigaw ng dalaga. Agad nilang binuksan ang pinto at hinanap si Alex. Nang hindi nila makita sa kwarto ay agad silang dumiretso sa may banyo na nasa loob lang din ng kwarto ng dalaga.

"Alex what's wrong?!" Sigaw ni Quinn ng makita ang dalagang nakaupo sa sahig na parang may sumasakal dito. Kita niyang nahihirapang huminga ang dalaga. Agad siyang lumapit at pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Alex na kasalukuyang nasa leeg nito.

"Alex! Baby! Stop this!!" Sigaw pa din ni Quinn sa dalaga. Si Ciara naman ay hindi malaman ang gagawin at nakatayo lamang sa may pintuan ng banyo habang nakatingin sa dalawa.

Maya maya lamang ay nawala sa paningin ni Alex ang babaeng multo kasabay ng pagluwag ng kanyang pag-hinga.

Habol hininga siyang nakaupo sa malamig na tiles ng banyo habang pinapakalma pa din siya ni Quinn. Agad nagkatinginan si Quinn at Ciara at halata sa kanilang mukha ang gulat at pagtataka sa nangyari.

"Are you okay now?" Tanong ni Quinn kay Alex matapos niyang abutan ito ng mug na may lamang hot chocolate. Nasa may kitchen na silang tatlo at si Alex ay nakaupo ngayon sa may breakfast counter habang nakatulala ito.

Alexandria (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon