Chapter 2

467 24 0
                                    

Chapter 2

Alex' P.o.V

"Alex don't forget, okay?" Miguel reminded me before he left the cafeteria. Kung ano man yung wag ko daw kakalimutan? Yun party lang naman mamayang gabi kina Tristan.

Psh. Parang di naman na ako nasanay. Weekly or let's say every other week naman kasi may mga partyng nagaganap kung saan mang bahay ng tropa. So this is not new to me. Makakalimutan ko pa ba eh halos oras oras pinapaalala nilang may party. Usap usapan pa sa buong campus, so ewan ko na lang kung makalimutan ko pa.

Kung ano man ang iniisip ko ngayon, iyon ay agad na naputol dahil sa bell na aking narinig. Sht! Baka malate ako sa Thermodynamics! Terorista pa naman yung prof ko dun.

Agad akong tumungo sa third to the last subject ko today. Hapon na and usually wala na masyadong tao dito sa fourth floor pag ganitong oras twing Friday dahil kaming major classes na lang ang may pasok. Napadaan ako sa hindi kahabaang hallway papunta sa class ko. Naririnig ko ang ibang class na nagsisimula na. Ako na lang nga ang naglalakad dito sa hallway dahil nasa klase na ang lahat. Pwera na lang si manong janitor na nagmomop ng sahig sa bandang dulo.

Halos nasa kalagitnaan na ako ng makaramdam ako ng weirdness sa paligid. Di ko maexplain. Parang may nakamasid sa akin. I glanced behind me at nagbabakasakaling may estudyanteng nakasunod sa akin. To my dismay, wala. I turned my attention back sa aking harap and si manong janitor ay nagmomop pa din. Napa-shrug na lang ako at binalewala ang aking naramdaman. Baka may stalker na naman siguro ako.

----------

Sabay sabay kaming nagtayuan ng sabihin ng professor na dismissed na kami. Yung iba halos patakbo ng lumabas ng room. Excited kasi sa party mamaya.

"Hey Alex, see you later." Naka-ngising sabi ni Maria. Isa sa mga classmates kong malandi. Haha. Sorry not sorry. Eh sa totoo naman. Pero ayos lang yun. Masarap naman sya eh. Isang tango nalang at knowing smile ang ibinigay ko kay Maria bago ako lumabas ng room.

It's already 8:30 pm ng palabasin kami. Honestly maaga pa yan dahil usually sinasagad ni prof ang klase until 9pm. Tsk. So habol na lang ako kina Tristan nyan. Buti na lang ilang minutes lang nasa apartment na ako.

Madilim ng pumasok ako ng apartment. Nauna na siguro sina Quinn at Ciara. Agad kong binuksan ang pinto at ilaw ng makapasok ako. As usual, magulo ang sala. Nagkalat ang damit at sapatos sa kung saan. Tsk. Nagfashion show pa ata yung dalawa dito sa sala.

Pero wala na akong time maglinis kaya dumiretso na ako sa room ko at agad na naghubad. After nito ay pumasok agad ako sa bathroom. Ilang minuto lang ang ibinabad ko under the shower dahil alam kong mabango naman talaga ako. After nun ay agad akong lumabas ng bathroom at nagsimulang magbihis.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapatuyo ng aking buhok ng may narinig akong ingay mula sa labas ng kwarto. Actually nagulat ako ng slight dun.

"Quinn? Ciara?" Sigaw ko mula sa room. Baka si Ciara yun or Quinn. Wala akong narinig na sumagot so nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

After a few minutes, may narinig na naman akong kalabog coming from the living room. Sht. Sino ba yun??

"Quinn?...Ciara?...is that you guys?" Medyo kinakabahan na ako. Wala kasing sumasagot. Magnanakaw kaya yun?? Nai-lock ko naman yung front door so sure akong walang ibang makakapasok pwera na lang sa may susi.

Nagmamadali akong nagsuot ng boxer's at tank top dahil nakarinig na naman ako ng kalabog. Tangenanemen. Ano ba yun?! Kinuha ko yung tennis racket ko sa may closet at saka tinungo ang pintuan ng kwarto ko.

Alexandria (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon