Chapter 3
Alex' P.o.V
Ibinuga ko yung usok na nagmula sa joint na hinithit ko. Woo! Sarap sa pakiramdam. Feels like walang problema ang makakapagpabagsak sa akin. Haha. This is life!
"Let's go up! I can hear Anton shouting." Sabi ni Quinn sa akin then she gave me a smack on the lips before she stood up. Tsk. Nakakarami ka na Quinn ha. Kung hindi lang kita tropa eh.
"Baka may naka-away na naman." Sabi ko habang umiiling. Itong mga boys kasi namin masyadong mainitin ang mga ulo lalo na sa ibang mga tao. Kaya palagi kaming napapa-away. Well, technically sila lang. We went up the stairs ng basement palabas ng kitchen kung saan namin naririnig si Anton and our guys.
"Calm down Pare! Ano ba kasing nangyayari?!" Naiinis nang sabi ni Miguel kay Anton.
"T-there's a fcking ghost u-upstairs man!!" Anton yelled at kung titingnan mo ang itsura nya eh parang nakakita nga ng multo. Maputla sya at nanginginig pa ang mga kamay.
"Pre baka high ka lang." Sagot ni Miguel tapos nagwala si Anton at lumapit kay Miguel.
"Pre! Ako high?! Tangna pre!! Alam ko kung anong nakita ko! She's a goddamn ghost!!" Sigaw ni Anton pero hindi nagpatinag si Miguel.
"Kalma lang pre. Baka namalik mata ka lang??" Sabi naman ni Craig tapos biglang lumapit sa kanya si Anton at halos sapakin nya si Craig.
"Woah! Calm down fcker!" Sabi naman ni Ciara ng makita ang gagawin ni Anton. Buti na lang din at dumating si Tristan at napigilan nilang dalawa ni Miguel si Anton.
"Pota pre kung high ka wag mo kong isama sa power trip mo ha!" Sigaw ni Craig na pinipigilan naman ni Tyler at Ciara.
"Guys, what the fck is wrong ba??" Naguguluhang tanong ko sa kanila.
Si Anton napahilamos na lang ng mukha at napaupo sa stool. Kino-console sya nina Tristan habang si Craig naman pinapakalma ni Ciara.
"Nakakita daw ng multo si Anton sa taas kaya nagtatatakbo pababa." Paliwanag ni Miguel sa amin ni Quinn.
"Really?? Multo?? Eh we've been going to this house like what, 3 years now? Dito pa tayo natutulog madalas. Wala pa kaming naencounter na ganito." Explain ni Quinn sa amin ni Miguel.
"I know right. Baka lasing lang tong kumag na to." Naiiling na sabi ni Miguel habang nakatingin kina Anton na kasalukuyang umiinom ng tubig na bigay ni Tyler.
Ang mukha naman ni Tristan biglang hindi maipinta ng may sabihin sa kanya si Anton. Maya maya pa ay napainom din ito ng tubig. Nakita kong nagu-usap yung dalawa at nacurious ako. Gusto kong malaman kung ano ang pinagu-usapan nila pero biglang lumapit si Craig sa kanila.
"Tara na pre, baka marami ka lang nainom." Mahinahon na sabi ni Craig habang tinatap nito sa balikat si Anton.
Tumingin sa kanya si Anton sabay nag-nod. Tumayo na si Anton at saka sila nag bro-hug. Maya maya pa ay lumabas na sila ng kitchen. Naiwan pa si Tristan saglit at saka sumunod sa kanila. Naglakad na din ako palabas ng kitchen ng may mahagip ang aking mga mata sa kabilang side ng sala.
Isang babaeng napakaganda ang nakatingin sa akin across the room. She's wearing white blouse, skinny jeans and sandals and kahit simple lang ang suot nya, she's so fcking sexy I must admit.
Siguro napansin nyang I'm lusting over her, kaya naman napangiti sya sakin. God! She's so beautiful and it made my heart skip a bit. Pwede ba yun? Hindi lang love at first sight ang naramdaman ko. Gusto ko na din syang isama pauwi sa apartment at patikimin ng kaligayahang hahanap hanapin nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/47852221-288-k114263.jpg)
BINABASA MO ANG
Alexandria (girlxgirl)
Misterio / SuspensoMay mga taong bumabalik sa buhay natin dahil namimiss na nila tayo o gusto nila tayong makasamang muli. May mga taong bumabalik sa buhay natin dahil gusto naman nilang maghiganti. Pero paano kung ibang bagay o nilalang ang bumabalik sa buhay natin...