PS. Final AGE po nila is 22 YEARS OLD. yun lang. Nalate ang update ko sorry 😘
-
Chapitre 2:
"Uy Ele!!" Sigaw nila. Oo, sila.
Sabay-sabay pa sila. Parang choir lang peg nila, lumapit ako sa kanila.
"Hi guys!" Bati ko. At nagyakapan kami.
"Musta na?" Tanong ni Allie.
Si Allie Nimande. HOPELESS ROMANTIC. Nakakailang boyfie na 'yan. Mas madami pa sakin. Pero, ano magagawa namin. Ayaw makinig sakin. Mas matigas pa ulo niya kesa sa bato. But we love her. Mahilig din siyang manghampas. Kaya nakakailang pasa na din kami.
"Okay lang naman, Allie." Sagot ko.
"Grabe naman porma mo." Sabi ni Johann.
"May date ka?" Vincent.
"Date na naman. Halos wala nang time samin" Jarel.
"Ganyan naman kayong mga babae, di kami nagkukulang sainyo, kahit madami na pagkukulang niyo samin. Time nalang." Vincent.
"Shut up 'Cent!" Ako.
At yung tatlong boys ko. Una ko silang nakilala noon. Sila na yung mga bodygurad ko.
Si Johann Bellyson, dati mataba. BELLYson nga eh. Pero nung naheartbroken. Pumunta siya sa US. At doon nagpapayat. Parang story sa Wattpad eh. Pero nung nag-US yung iba kong kaklase, tumaba naman sila. Ganyan ata nagagawa ng pagibig, pumapayat pag heartbroken.
Si Vincent Star, varsity player. Grabe skills niya pag nag-babasketball. Daig si Lebron James, Stephen Curry o kahit si Kobe Bryant. Pero syempre, joke lang 'yun. Gusto niya makasali sa isa sa team ng NBA. Taas pangarap niyan. Support naman kami. Kaya go lang siya ng go. Nakakailang MVP 'yun.
Si Jarel Marquez. Dabest na Volleyball Player at sa Soccer, most athletic at most active 'yan sa buong school. Nakakailang medals din yan kaya nagkakamuscles ang loko. At boyfriend ni Sammie. Oo, sila na. Sila yung mag-thethree years na sa July. Tagal na nila. Dinaig pa kaming lahat. Loyal talaga.
"Wala uy! Ganito ako pumorma diba?!" Sagot ko. At nagtawanan sila.
"Musta weekend mo gurl?" Sammie.
"Musta si sttepdaddy?" Atasha.
Si Sammie Nimande, kakambal ni Allie. Girlfriend ni Jarel. Bubbly siya. Masasabi mo yung difference nila kasi si Allie may birthmark sa shoulder at mahilig mag-manicure. Si Sammie, wala siyang birthmark at walang design yung kuko niya. Simple lang talga pumorma yan. Kahit mag-shorts lang at tshirt at tsinelas, maganda pa din eh. Pero syempre, mostly pants ang suot. Magagalit boyfriend niya eh.
Si Atasha Nuestro, bata palang kami. Siya na kalaro ko. Pero minsan, hindi siya nakakasama sa mga gala namin, strikto parents niya. Minsan nga, tumatakas na lang 'yan para makasama kami. Yiee, kilig ako bh3. HAHAHA. Oo nga pala, Siya yung kakampi ko sa LAHAT.
"Ayon mga gurl. Okay naman. As usual, he's being or trying to be my father." Ako.
At tumahimik bigla.
"Oy! Lika na! Baka hinahanap ka ni Seb!" Sigaw ni Vincent.
"oo nga, lika na."
"Gurl, masarap food sa cafeteria."
"gutom ako. Tara."
"Bagsak na naman ako sa exam ko mamaya."
"Bro, alam mo bang iniwan ko gf ko?"
BINABASA MO ANG
Amour Éternel: Me, Them, You
Teen FictionKaya ba ni Eleanor at ang mga kaibigan niyang hanapin ang kanilang mga sarili ? Kaya ba nilang isakripisyo ang lahat mahanap lang ang isang tao na hindi naman nag-papahanap ?