Chapitre 17:Eleanor's POV:
~
Ginising ako ni Anella, talon ng talon sa kama ko.
"Anellaaa! Mamaya ka na mangulit! Sabado ngayon eh."
"Ate naman eh, gising na. 10 na.. May bisita ka.." Anella.
"Baka bwisita.. Nako, sabihin mo wag akong kulitin ngayon! Urgh!!"
"So, bwisit na pala tingin mo sakin ha?" Sabi ng isang lalaki, pagkarinig ko. Dylan?
At nagising ako.
"Waaah!" At nahulog ako sa kama, tinulungan niya ko at tumayo kaming dalawa.
"Dylann.. Bakit nandito ka?!" Sabi ko at tinakpan bibig ko. Hello!!! Baho ng hininga ko.
"Alam mo kahit amoy bulok na basura yang bibig mo ng dahil sa laway mo, ang bango padin para sakin." Dylan. Yuck mga beks!
"Kadiri ka naman!"
"Bakit ka ba nandito?!"
"Oh, sungit. Ayain sana kita sa isang date." Dylan.
"Huy! Sabado ngayon!" Pero kinikilig ako.
"Alam ko, eh nandoon na barkada mo eh, kaya let's go." Dylan.
"Ha? Kinausap mo sila, alam ko mga pakulo mo Dylan! Style mo bulok!!"
"Ganon ba? Sige, iibahin ko, babaguhin ko para sa'yo." Dylan.
Kilig ko, iba na eh.
"Ge, baba ka. Pero mahigit 1 oras ako mag-aayos."
"Kahit naman gaano katagal, kaya akong maghintay para sa'yo. Kahit nga tshirt lang at shorts okay lang. Pero wag kang mag-shorts ngayon! KAHIT SHORT SHORTS!!!!!!!!" Dylan.
"Oo na, alis!"
Simula 2nd year, nanliligaw na sa aking ang isang Dylan Ryle Pallilio. Nagulat nga ko bigla nalang ako tanungin kung pwede siyang manligaw. Pinakilala ko na din siya sa pamilya ko. Sasagutin ko na sana yung sa first day kaso, magpapakipot muna ko. Hihihi!
Mahal ko na siya actually, alam na nina Mommy. barkado ko lang tsaka si Dylan ang hindi nakakaalam. Syempre, ganyan talaga. Hinihintay ko lang kung kelan siya magtatanong.
//
"Dito na tayo." Dylan. Bumaba ako at nandito kami sa may open area. Maingay parang may eroplano....
"Nasan tayo?"
"Nasa Library po tayo, ate. Kasi po maingay tsaka po may mga eroplano. May tao po librari--- Haha, joke lang!" Dylan. Hinampas ko eh, kapilosopo!
"Nasan kasi?!"
"Library nga--- nasa field kako, yung runway ng mga mini airplanes. " Dylan, hindi na siya namilosopo, tinaas ko uli kamay ko, signal na hahampasin ko ulit.
"Nasan na sila?"
"Baka nasa loob na ng kit plane.." Dylan. Ano daw mga beks?!
"Ha?"
"Kit plane ang tawag sa mga mini airplanes. Nasa loob na, bilis na." Dylan at tumakbo na kami papunta sa loob. Tinulungan niya ko at kinausap niya yung pilot.
"Hi guys!!!!" Sabi ko pero pagtingin ko, walang tao.
"Oh, ninong. Let's go!" Dylan at sinarado na nila ang pinto.
BINABASA MO ANG
Amour Éternel: Me, Them, You
Teen FictionKaya ba ni Eleanor at ang mga kaibigan niyang hanapin ang kanilang mga sarili ? Kaya ba nilang isakripisyo ang lahat mahanap lang ang isang tao na hindi naman nag-papahanap ?