dedicated to: Swissy_Bae
-
Chapitre 13:
Eleanor's POV:
Nandito na ko, sa harap ng bahay nina Mami Hallie. Kinakabahan kaya nilayo ko ang van. Tinitignan ko yung labas ng bahay, ganon paden. Walang nagbago.
"Okay, Eleanor... Makikipagusap ka lang, hindi ka makikipagbalikan, hindi mo na siya mahal, hindi ka na niya mahal, kinalimutan ka na niya, kaya wag kang umasta na parang girlfriend ka padin.. Okay? Hindi mo na siya mahal.." Niremind ko lang sarili ko.
Bumaba na ko at nag-doorbell.. After a few minutes, nagbukas ang gate.
"Sino po sila?" Sabi ng isang matandang babae, si Yaya Esteling ata ito.
"Hi po. Yaya Esteling?"
"Bakit?" Sabi naman niya.
"Ao po si Eleanor, natatandaan niyo pa po ba?" Nawala yung ngiti sa mukha niya, hindi ko alam pero hindi naman siya mukhang galit.
"Nakooo, Eleanor......" At niyakap niya ko, niyakap ko na din siya.
"Hi Yaya or pwede na po kitang tawaging Lola?"
"Grabe ka naman iha, Yaya nalang para bagets padin pakinggan."
"Sige po." Ako.
"Lika, pasok ka. Lika, oo.."
Pumasok na ko sa bahay at halos, walang nagbago. Yung tv lang pati yung mga ibang modern na gamit, pinalitan na.
"Oh, upo ka lang diyan at mag-uusap tayo ha? Teka, ipaghahanda kita ng pagkain, paborito mo pa ba ang----"
"Inyong beef calderetang fried rice? Opo. Haha. Pero yaya, you don't have to---" Ako.
"Ay nako, hindi. Malayo binyahe mo, sige na. Oo, magluluto ako, diyan ka muna ha? Password ng wifi ay YayangDyosa123." At umalis na siya papunta sa kusina. Si Yaya talaga masipag paden.
Inopen ko yung Messenger ko at nag-message si Sammie sa group chat namin.
Sammie Nimande: Hi Ele! Musta na? Miss ka na namin.
Vincent Star sent a photo.
Vincent Star sent a photo.
Vincen Star sent a photo.
Jarel Marquez: Grabe Ele, di mo sinabing ang ganda dito!
Johann Bellyson: Sayang wala ka dito. Di tuloy masaya ng masyado :(
Allie Nimande: Psh, musta na ba Ele?
Eleanor Castillo: Ito, nandito na ko. So far, hindi ko pa nakikita si Dylan pero yung taga-pagalaga ng bahay nandito, ipinagluluto ako, di ako magtatagal siguro. Enjoy kayo diyan guys. Love you all.
Johann Bellyson: Loveyou too.
Sammie Nimande: xoxo!!
Atasha Nuestro: Mwahugs!
Jarel Marquez: Mwaps pre!
Vincent sent a GIF.
Seen by Allie Nimande.. 10:20 AM
BINABASA MO ANG
Amour Éternel: Me, Them, You
Teen FictionKaya ba ni Eleanor at ang mga kaibigan niyang hanapin ang kanilang mga sarili ? Kaya ba nilang isakripisyo ang lahat mahanap lang ang isang tao na hindi naman nag-papahanap ?