Chapitre 16:
Eleanor's POV:
9:00 AM
"Dahan dahan aba!!" Johann, sabi niya habang pababa ako ng sasakyan, kasama ko ang buong squad sa paghatid sakin sa bahay.
"Yiee!" Vincent.
"Parang tanga tong dalawang to! Ano ba Johann?! Okay naman ako.."
"Kasi na, baka mapano ka." Johann.
"Sinabing okay na siya eh." Allie.
Hinatid nila ko sa loob at tumambay sa bahay..
"Eleanor!!" Sigaw ni Mommy habang papasok sa pinto, halatang kagagaling sa trabaho.
"hi tita! Kamus----" Jarel.
"Hindi ikaw si Eleanor. Huwag kang magpanggap na okay ang lahat ngayon." Mommy..
"Well.... Tita, Jarel?" Sammie at tumayo.
"Bye!!! See you tomorrow." Sigaw nilang lahat, at umalis din.
"Bye guys!!!" Sabi ko habang paalis sila sa gate.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap! Bakit ka na-confine, bakit ka na-ospital, sino nagbayad ng hospital bill?!" Mommy.
"Simple, nahimatay. Why? Pera at hospital bill nalang ba ang kailangan mong malaman?!"
"Kailangan, para hindi magkaroon ng utang! Ayoko na ng ganon!" Mommy.
"Bayad na, full. Ako na nagbayad! Oh, utang mo sakin? Nasan?"
"Bastos kang bata ka! Di ka marunong rumespeto sa nanay mo!" Mommy.
"Nanay? Big word ha! Ni minsan ba dinalaw mo ko sa ospital?! Ni minsan ba tinanong mo kung okay ako?! Ni minsan ba kinamusta mo ko kung kamusta grades ko?! O kahit na anong nangyayare sakin?! Ni minsan ba tinanong mo ko kung masaya ako bilang anak niyo?! Kung masaya ako dito sa bahay na ito at sa buhay na ito!"
"Ni minsan ba naging nanay ka sakin?!" Sabi ko.
"Sobrang busy lang----" Mommy.
"Sobrang busy ba ha mommy?! O sobrang nabubulag ka na sa katotohanan na hindi ka na Nanay sa paningin ko?!"
"Jane, ganyan mo na ba tratuhin ang nagpalaki sa'yo?!" Sabi ni Jerome, na kakapasok lang sa bahay, galing trabaho.
"Sige, magkampihan pa kayo! Alam mo ba kung ano ang naiisip ko sa bahay na ito?!"
"At, ano ang sabi mong aalis kayo papunta sa Guam?! Pinayagan ba kita?!" Mommy.
"No need okay?!"
"Hindi ka marunong makinig!" Jerome.
"Marunong akong makinig. Marunong din akong mamili kung sino ang papakinggan ko, matagal ko nang sinusunod ang mga utos niyo. Eh, nung una okay lang maging President ng company namin eh, kasi si Papa nag-tatrain sakin, pero nung dumating ka sa buhay ko, ayoko nang maging presidente."
"At ano ang gusto mo?" Mommy.
"Flight Stewardess. Para makaalis sa bahay na ito! Sa kulungan na ito!"
BINABASA MO ANG
Amour Éternel: Me, Them, You
Teen FictionKaya ba ni Eleanor at ang mga kaibigan niyang hanapin ang kanilang mga sarili ? Kaya ba nilang isakripisyo ang lahat mahanap lang ang isang tao na hindi naman nag-papahanap ?