-Double Update! I'll dedicate the next chapter sa mga taong may gusto. dm/pm me. Mwa😘 xoxo
Chapitre 4:
Bee?! Bakit?
Akala ko ba, wala na?
Kanina pa ko napapaisip. Ayaw talaga tumigil.
Bakit ikaw? Wala ka naman magandang naidulot sakin ah. Diba?
"Wala nga ba?" Tumunog yung laptop ko. Pag tingin ko nakabukas at nasa youtube. Pinapanood ko kanina, steps. Bat napunta sa Korean Telenovela (tagalog version) ?
Minumulto ata ako dito.
Pa, ikaw ba 'yan?!
Nako, Pa. Wag ako.
Isang sign please Pa, para malaman kong di na ko aasa.
"Ate, wag ka na umasa!" Sumagot uli 'yung laptop kaya pinatay ko na.
Pa?! Ano ba? Alam ko naman mahal mo ko pero ayusin mo yang pagpaparamdam sakin. Bumukas man ng binatan, ganon.
Dejoke. Huwag pala. Pero Pa, bakit si bee pa.
Bakit siya yung napanaginipan ko?
At umupo ako.
"Malay ko sayo! Ako ba yung nagmahal?!" At nabuksan ko TV ko dahil inupuan ko yung remote.
Okay, sumasakit lang ulo ko sa ginagawa ko. Para akong tanga dito.
Pagtingin ko sa orasan, 3:30 AM
Urgh!!! Bee! Bee! Lintek na bee 'yan! Ayoko na! Inis!
Shet yang bee! Waah!
Bumaba ako para gumawa ng hot chocolate.
Pumunta ako sa may ref para hanapin yung gatas. Pagsara ko ng pinto ng ref.
"Ay, panget na multo!" Ako, si ate kasi nandon! Ang puti puti, di bagay! Tas may hawak na kutsilyo.
"Grabe ka naman makapanlait. Lintek ka naman. Bakit gising ka?!" Ate Francine.
"Bakit gising ka den?!"
"Eh mayy nadidinig ako. Akala ko magnanakaw." Ate.
"Wow, ate! Kutsilyo, hindi pa pwedeng aklat muna. O yung pangluto. Kutsilyo talaga?!"
"Eh bat ba gising ka?!" Ate.
"Gagawa ako ng hot choco. Nagising ako bigla eh."
"Hayst! Mag-hohot choco ka, maagang maaga. Nako! Ako na, umupo ka na diyan." Ate.
"Sorry na, may napanagini--- Wala. Wala. Wag na."
"Hmmm, sakin ka pa nahiya. Ano kasi 'yun? Pa-wala wala ka pa diyan gurl." Ate.
"Kasi naman, may napanaginipan akong hindi dapat pinapaniginipan, yung hindi dapat isipin o alalahanin. Yung di ko na din pwedeng pagusapan."
"Papa mo ba?" Ate.
"Utut ate! Bakit hindi ko pwede pagusapan si Papa?"
"Kasi nga sabi ni Ma'am na----- sht. Wala, malapit na matapos 'yung nasa takure, intay lang." Ate.
"May tinatago ka ba, o may alam ka na hindi namin alam?"
"Wala.."
"Ano 'yun ate. Isa..."
BINABASA MO ANG
Amour Éternel: Me, Them, You
Teen FictionKaya ba ni Eleanor at ang mga kaibigan niyang hanapin ang kanilang mga sarili ? Kaya ba nilang isakripisyo ang lahat mahanap lang ang isang tao na hindi naman nag-papahanap ?