Happy birthday to one of my closest bebes ! BreeeSntss Loveyou bebe!-
Chapitre 1:
"Eleanor, alam kong madami ka nang nagawa para sakin.. Pero, tama ka. Sa una lang ako magaling." Sabi ng boyfriend, este ex-boyfriend ko.
"I know that Seb, kaya nga lahat ng binigay ko sa'yo, babawiin ko." Sabay inom ng Red Wine galing sa wine glass na konting-konti nalang mapupukpok ko sa ulo niya. Di naman talaga ako ganito eh. In fact, never akong umiinom ng red wine, ginagawa ko lang to para ipakita na mataray talaga ako.
"Wag naman baby.. Wala nga kong pamasahe pauwi eh." Sabi niya.
"Di ko na problema kung bakit lahat ng pera mo ginagastos mo para sa pangbayad ng motel." Lumaki bigla mata niya.
"Oh ano, natahimik ka. Gagawa ka pa ba ng palusot ha? Palusot na, nawalan ka ng pera kaya nagmotel ka o nalobatt ka kaya nakicharge ka sa motel o naligaw ka pauwi kaya nagmotel ka. Alam ko naman kung ilan yung babaeng dinala mo na doon, in fact, nandoon sila sa labas. Hinihintay kang mamili kung sino yung dadalin mo uli doon." Tanong ko. Nakataas isang kilay ko mga 'te! Pak na pak!
"Just pay me."
"Wala nga kong pera."
"What can I do? Babayaran o babayaran?"
" WALA. NGA. AKONG. PERA."
"It's not my problem jackass! My lawyer's waiting outside. As of now Mr. Santos, you owe me 302,691 pesos for the past 6 months." I stood up and reached out my wallet and gave him 50 pesos.
"Ayan, pamasahe mo pauwi. Don't try to escape Seb. I ain't playing with you anymore." Lumingon muna ko at bumalik sa kanya.
Nakangiti ang gago. Akala ata babawiin ko lahat ng sinabi ko. Nag-assume ka pa Seb.
"Dahil mabait akong tao, sayo na yung piso. Para naman saktong 302,690 ang babayaran mo"
Tinitigan ako ng parang ang sama sama ng ginawa ko.
"Good night! Vas Te faire encule" May dumaan na waitress sa harapan ko.
"Ma'am, bill niyo."
"Dun mo ibigay sa lalaking fckboy." At lumabas ako.
thuglife baga.
-
1,000th boyfriend ko na ata to. Ano.. Malandi na ba ko mga bhe?
Di naman masyado. Yung iba trip trip lang. Yung iba sineryoso ko naman.
Yung iba nagtagal ng 5 months. Yung iba nagtagal ng 3 weeks.
22 years of existanece nakakailang bf na ko.
"Ma'am, bar po ba tayo o uwi na." Tanong ni Kuya Kris, Driver namin.
"Uwi na Kuya. Sakit ng paa ko." At tinatanggal ko yung 8-inch heels ko.
"Ayan kasi, nag-heheels heels ka pa, wala ka namang mapapala diyan sa pag-heheels mo. Maliit ka paden!"
"Kuya! 5'3 na ko." At natawa nalang kaming dalawa
"Wala ka paring pinagbago, ikaw parin yung Eleanor na nakilala namin dati." At napahimik ako.
"Pahinga muna ko. Goodnight kuya." Pinatay ko na car light dito. At nagpanggap na tulog.
BINABASA MO ANG
Amour Éternel: Me, Them, You
Fiksi RemajaKaya ba ni Eleanor at ang mga kaibigan niyang hanapin ang kanilang mga sarili ? Kaya ba nilang isakripisyo ang lahat mahanap lang ang isang tao na hindi naman nag-papahanap ?