Chapitre 14:
Eleanor's POV:
Nandito na ko.. Sa harap ni Mami Hallie. May dala akong bulaklak, at kandila. Bumili muna ko. Nakakahiya kay Mami kung wala akong dala.
"Hi Mahal.." Sabi ko. At hinawakan ko yung lapida. Sinindihan ko yung kandila tas inayos ko yung bulaklak.
"Kamusta ka na diyan, mami?? Siguro, masaya diyan kasi kasama mo na si Papi Harry." Sabi ko..
"Mami, bakit naman umalis ka bigla? Ano ba yan, nakakainis naman po eh. Iniwan ko na nga po yung apo niyo, pati siya iniwan niyo pa. Haha." Sabi ko, peke yung tawa ko. Umiiyak na ko.
"Alam niyo po, balak po talaga kita puntahan dati pa, kaso po, baka galit kayo sakin.. Kasi sinaktan ko apo niyo, nauna po yung takot ko. Mas pinili kong maging duwag kaysa maging matapang. Pasensya na po, mahal ah? Di ko po natupad yung pangako ko sa inyo.."
~Flashback~
"Eleanor??" Bumababa si Mahal. Inalalayan naman ni Dylan.
"Mami, bakit gising kayo?" Dylan.
"Kasi hindi tulog. Ikaw ba si Eleanor? Umalis ka nga sa harapan ko." Mami.
"Grabe siya oh, sorry na. Bee, ayan na si Mami." Dylan.
"Halika, mag-usap muna tayo. Dylan, alis ka muna." Mami.
"Bakit?" Dylan.
"Bawal epal dito, tsaka magaganda lang pwedeng sumali dito." Mami, grabe si Mami oh. Haha.
~Flashback ends~
"Naalala niyo po ba nung naglakad tayo sa labas ng bahay? Nakakailang ikot din po tayo habang kinakausap niyo po ako."
~Flashback~
"Alam mo Eleanor, aaminin ko ha? Sa una, nung kinukwento ni Dylan ang tungkol sa'yo, hindi talaga kita gusto." Mami.
Aray.
"Ahhh.."
"Pero, sa una lang 'yun. Kasi masyado akong judgemental.. Kasi sa mga 2-5 months na pagkekwento niya, nakakasawa din marinig pangalan mo eh, puros Eleanor ang kinukwento niya, hindi talaga siya nagsasawa." Mami.
"Talaga po?"
"Ay oo! Sabi niya, kung gaano ka daw kabait, kaganda, katapang. Lahat na! Di ako naniniwala doon, kasi walang taong perpekto, may mga masasamang ugali ang mga tao. Pero nung nag-aaway kayo dati, tas kinukwento niya sakin kung gaano ka daw ka-selosa, ayun. Tama nga ko, may flaws ka din." Mami.
"Pasensya na po doon."
"Hindi mo kasalanan kung bakit ganon ka, mahal mo diba?Natatandaan ko nga kami ni Harry, kahit hi man sa mga babae, nagseselos na ko. Nag-aaway talaga kami." Mami.
"Haha, talaga po?"
"Oo.. Nakakasawang marinig yung mga kwento ni Dylan, puros ikaw eh. Pero noong mga 8 months na o nung mag-oone year na kayo, napaisip ako." Mami.
"Baka nga kailangan kitang bigyan ng chance, kasi ganon ang nangyare din kay Papi Harry mo, ayaw ako ng lola't mga magulang niya, pero mahal ko kaya pinatunayan kong karapat dapat akong mahalin ni Harry. At napatunayan kong ikaw nga yung babaeng karapat dapat na mahalin ni Dylan." Mami.
BINABASA MO ANG
Amour Éternel: Me, Them, You
Teen FictionKaya ba ni Eleanor at ang mga kaibigan niyang hanapin ang kanilang mga sarili ? Kaya ba nilang isakripisyo ang lahat mahanap lang ang isang tao na hindi naman nag-papahanap ?