Prologue
Isa siyang Raketera.
Nanay at tatay sa mga kapatid niya.
Gagawin niya ang lahat para sa kambal niyang kapatid.
Papasukin niya kahit na anong uri ng trabaho basta legal ito.
Isa siyang mapag-alaga, mapag-mahal, maalalahanin, mabait, may mabuting puso at maganda.
Ako naman isang sikat na rocker .
Hindi niya ako kilala.
Kahit na araw-araw na pwedeng makikita niya ang mukha ko sa telebesyon at mga billboards.
Nagtagpo ang landas namin dahil sa pakikiaalam niya, pero hindi namin alam na sa pagtatagpo ng landas namin ay malaki ang mababago nito.
Siya na raketera.
Ako na sikat na rocker.
Magkaiba kami ng mundo.
Pero 'yon ang alam namin, simula na nagtagpo ang landas namin, nakilala namin at isa't isa, nakikilala namin ng lubos ang mga sarili namin.
Siya na hinire ko bilang P.A ko. Siya si Hayden Vanessa Simone.
Ang P.A Kong Raketera.
BINABASA MO ANG
Ang P.A Kong Raketera
HumorSi Vannie ay isang raketera, simpleng mamamayan lang na sobrang dami ng nasubukan na trabaho basta legal na trabaho papatusin niya, siya na lang kasi ang bumubuhay sa kambal niyang kapatid kaya naman todo kayod. Pero nang dumating sa buhay niya ang...