Chapter 3
Pagkatapos akong iwan ng boss kong masungit ay may isang staff na tumawag sa akin na pinapatawag daw ako ni Boss Sungit, kaya naman lumabas na ako ng dressing room, maglalakad na sana ako paaalis sa tapat ng dressing room ng magring ang cellphone ko na keypad.
Tiningnan ko ang tumawag at nakita ko na si Aling Nina 'yon, agad ko naman sinagot ang tawag.
"Hello, Aling Nina napatawag po kayo, kamusta po ang kambal?" Tanong ko habang naglalakad-lakad.
"'Yon na nga Vannie kaya ako napatawag kasi si Angela nasa hospital ngayon bigla kasing inapoy ng lagnat kaya dinala ko sa hospital, ang masama pa na dengue pa," sabi ni Aling Nina agad naman akong kinabahan.
"Saang hospital po?" Tanong ko.
Sinabi naman agad sa akin.
Kaya naman dali-dali akong lumabas ng building at humanap ng masasakyan, nag-jeep lang ako dahil wala akong pera ngayon.
'Yong boss kong masungit bahala na muna siya, malaki na siya at isa pa emergency naman 'to kaya next time na lang siya mas kailangan ako ng kapatid ko.
Nang makarating ako sa hospital ay agad ko naman tinanong kung nasaan ang kapatid ko pagkasabi sa akin ay tumakbo agad ako nakita ko naman agad sila.
Lumapit ako kay Aling Nina.
"Ano po nangyari?" Tanong ko.
"Inapoy na lang ng lagnat kanina tapos nagsusuka kaya natakot ako at sinugod ko agad dito," sabi ni Aling Nina, dali-dali naman akong lumapit sa kapatid ko.
"Kamusta raw po siya?" Tanong ko habang nakatingin sa kapatid ko.
"Mako-confine raw siya ng ilang mga araw at pag-aaralan daw," sabi ni aling Nina.
Ibig sabihin kailangan ko ng malaking pera kakailanganin ko, tapos 'yong sahod ko pa sa katapusan pa.
"Si Angel po?" Tanong ko.
"Nasa bahay iniwan ko kasama ni Carding, iyak nga ng iyak 'yon nang makita niya ang kambal niya," sabi ni Aling Nina.
"Pwede po ba na pakibantayan muna si Angela maghahanap lang po ako nang mapagkakitaan para pangbayad sa mga bills," sabi ko agad naman silang pumayag tinawagan ko naman si Queen at humingi ng tulong kung may alam na raket at mabuti na lang na kailangan daw ng waitress ulit sa bar nila kaya naman pinatos ko na five thousand din 'yon at may tip pa.
Agad akong pumunta sa bar na 'yon at nagtrabaho.
Masyadong maraming tao at marami ang order mabuti na lang na halos lahat ang pinagseserve-an ko ay binibigyan ako ng tip.
May isang matandang lalaki na nagbigay ng tip na five hundred kaya naman natuwa ako, at nagpasalamat.
Nang pinagpahinga muna ako ng manager ay pumunta muna ako sa locker at tiningnan ang cellphone ko.
Saktong pagkuha ko sa locker ay may tumawag na number lang.
"Where the hell are you? Kanina pa kita hinahanap?!" Galit na sabi nito.
"Maka-where the hell ka, bakit sino ka ba, ha?" Mataray na tanong ko.
"Bullshit, nasaan ka ba?!" Inis na tanong niya.
"Bullshit ka rin! Paki mo ba?" Mataray na sabi ko, na rinig ko naman ang sunod-sunod na mura niya.
"'Di ka rin trash talker, 'no?" Tanong ko.
"Where the heck are you now?" Inis na tanong niya.
"Hoy, 'di ko kaya 'yang mura mo na 'yon packing tape ka, oo tama packing tape ka wala kang pake, sino ka ba?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Ang P.A Kong Raketera
HumorSi Vannie ay isang raketera, simpleng mamamayan lang na sobrang dami ng nasubukan na trabaho basta legal na trabaho papatusin niya, siya na lang kasi ang bumubuhay sa kambal niyang kapatid kaya naman todo kayod. Pero nang dumating sa buhay niya ang...