Chapter 10
Matapos ang mahabang araw na ito ay umuwi na kami sa condo ni Boss Sungit. Pagdating naman ni Boss Sungit sa unit niya ay nagpaunahan kaming makaupo sa maganda niyang upuan. At dahil mabilis ako, ako ang nauna at humiga ako sa maganda niyang sofa.
"Alis diyan," sabi ni Boss Sungit habang pinapaalis ako.
"Ayoko nga pagod ako, tulog na ako," sabi ko habang humihilik pa kunwari.
"What the-"
"Packing tape, oo na, " sabi ko.
"Umalis ka nga riyan akin 'yan, isa pa ako ang boss dito." Sigaw niya sa akin.
"Walang pake," sabi ko habang nakataas pa ang isang kamay ko.
"E, kung tanggalan kaya kita ng trabaho?" Inis na sabi niya bigla naman akong napatayo at tinulak siya sa sofa.
"O ayan Boss Sungit, ikaw talaga 'di mabiro, sige na pahinga ka na matulog ka na, 'wag ka ng gigising kahit kailan, ha?" sabi ko bigla niya naman ako tiningnan ng masama.
"Kapag 'di ako nagising wala kang sahod," sabi niya.
"Ay ito talaga 'di mabiro, hahayaan ko ba na 'di ka magising syempre hindi," sabi ko. Bigla niya naman ako tiningnan ng masama.
Tingnan mo 'to inis na naman, insecure na bakla kasi, kawawa naman siya.
"Gutom na ako, magluto ka na." Utos niya.
"Ano ba gusto mo?" Tanong ko.
"Kahit ano basta matinong pagkain," sabi niya habang nakapikit ng mata.
"Copy! Oy Boss Sungit pagkatapos nito aalis na ko ha, pupuntahan ko pa kapatid ko, tapos bukas baka malate ako sa studio, deretso kasi ako kailangan kong umattend sa PTA meeting sa school," sabi ko tumango lang naman siya habang nakapikit.
"Salamat, Boss sungit," sabi ko at pumunta na ako sa kusina habang papunta ako sa kusina ay nagtatalon ako na parang bata.
Pagdating ko sa kusina ay nagluto agad ako ng makakain ni Boss Sungit, habang iniintay ko maluto ang adobo na niluto ko ay dahan-dahan akong sumilip kung nasaan nakahiga si Boss Sungit nakita ko na nakapikit siya habang nakadapa mukhang naka-idlip yata, kaya naman dali-dali akong tumakbong pabalik sa kusina at naghanap ng plastic, nang may makita na ako ay dali-dali akong pumunta sa refrigerator ni Boss Sungit habang hawak-hawak ang plastic.
"Dear Refrigerator ni Boss Sungit, gusto ko lang sana na magpaalam na kukuha ako ng mga ilang prutas lang naman, kaysa naman kasi gumastos ako, magnanakaw na lang ako ng prutas dito sa refrigerator ni Boss Sungit, wala naman yatang nakukulong sa pagnanakaw ng prutas, 'di ba? Tsaka nagpaalam ako kung sakaling makulong ako, ikaw tistigo ko kaya dapat sa akin ka kampi. Kasi kapag hindi, 'di kita lilinisin gusto mo ba 'yon? O 'di ba, ayaw mo kaya sa akin ka kakampi, ha? At isa pa para kasi ito sa kapatid kong nasa hospital kaya may good side naman ang pangunguha ko nga prutas dito, kaya tahimik ka lang ha?" sabi ko habang naglalagay ng mga iba't ibang prutas sa plastic ng mapuno na 'yong plastic ay tumigil na ako sa pagkuha, tutal kukuha rin naman ako kaya lulubusin ko na.
"Ayan tapos na salamat sa'yo, oy 'yong usapan natin, ha?" sabi ko habang sinasaraduhan ang refrigerator ni Boss Sungit.
Dahan-dahan naman akong bumalik papunta ulit sa sofa para kunin 'yong bag ko, nang biglang gumalaw si Boss Sungit ay dali-dali akong humiga sa sahig at humilik kunwari, sinilip ko siya gamit ang isang mata at nakita ko na nakapikit na ulit siya kaya naman tumayo ako at kinuha ang bag ko, nang makuha ko na 'yon ay dali-dali akong tumakbo pabalik sa kusina, nang makarating ako sa kusina ay dali-dali kong nilagay sa bag ko 'yong plastic, napatingin naman ako sa rice cooker, nakita ko na luto na 'yong kanin kaya naman pinatay ko na at 'yong niluluto ko namang adobo tiningnan ko, 'di pa naman 'yon luto kaya tinakpan ko ulit 'yon at hinayaan, napatingin ako sa buong kusina ni Boss Sungit nang may biglang pumasok sa utak ko.
Dear Lord,
Alam niyo naman po na 'di ako bad, 'di ba, 'di ba? Itong gagawin ko ay masasabi ko na babayaran ko rin kapag may pera na ako, short kasi ako ngayon kaunti na lang budget ko tapos matagal-tagal pa po ang sahod ko kaya sorry po, sana po mapatawad mo po ako. Amen.
Mahina kong dasal, matapos 'yon ay agad akong kumuha ulit ng plastic at kumuha ng ilang cup noodles, chips at iba pang makakain ko habang binabantayan ko ang kapatid ko.
Nang mapuno na ang plastic ko ay nilagay ko agad 'yon sa bag ko kaya naman sobrang lobo ng bag ko, siguro 'di naman mahahalata ni Boss Sungit na kumuha ako ng ilang mga pagkain niya nagpaalam naman ako 'di ba? 'Di ba?
Tiningnan ko ulit ang niluluto kong pork adobo at nakita ko na luto na 'yon kaya naman, dinala ko na ulit 'yong lumulobo kung bag sa may sofa pero syempre tinago ko roon sa 'di makikita ni Boss Sungit mamaya magtaka 'yon, e 'di nahuli ako. Nang masiguro kong safe ang pinangtaguan ko ay nilapitan ko si Boss Sungit.
"Boss sungit!" Paggising ko kay Boss Sungit kaso ayaw magising,
A, ayaw mo magising, ha!
Lumapit ako sa may tainga niya at doon ay nagsisigaw.
"'Yong sinaing ko, 'yong sinaing ko nasusunog! May sunog, 'yong sinaing ko sunog!" Sigaw ko sa may tainga niya, si Boss Sungit naman ay agad na nahulog sa sofa at bigla napatayo at patingin tingin sa paligid, mamaya-maya ay tumingin siya sa akin ako naman ay nag-peace sign lang sa kanya habang nakangiti.
"Jokie-jokie, ayaw mo kasi magising e, ayon lang pala magpapagising sa'yo," sabi ko habang nakapeace sign, galit na galit naman siyang nakatingin sa akin.
"Boss Sungit baka lumamig 'yong niluto ko sayang naman, tara kain na tayo gutom na rin ako, e." sabi ko habang hila-hila si Boss Sungit papunta sa dinning table.
Nang makarating na kami dinning ay pinaupo ko si Boss Sungit ako naman ay dali-daling naglagay ng plato sa harap niya at kumuha ng kanin, at nilagay sa bowl na malaki bago ko ilagay sa lamesa, matapos 'yon ay kumuha ako ng ulam at nilagay din sa bowl bago ihain sa harap ni Boss Sungit.
Matapos 'yon ay nilagyan ko ng kanin at ulam si Boss Sungit bago umupo sa kaharap na upuan ni Boss Sungit at naglagay din ng kanin sa plato ko
Nakatingin naman sa akin si Boss Sungit.
"May sinabi ba akong sabayan mo ako," sabi ni Boss Sungit habang ako naman ay ready na isubo 'yong kanin.
"Wala, pero dahil ako ang nagluto sasabay ako gutom na rin kasi ako tsaka isa pa ikaw lang ba may karapatang kumain, 'di ba hindi?" sabi ko sabay subo ng kanin, tiningnan niya lang ako ng masama at kumain na rin.
Para kaming nag-uunahan ni Boss sungit kumain dahil sa gutom naming dalawa.
"Masarap, 'di ba?" Tanong ko habang punong-puno ng kanin ang bibig ko.
"Hindi rin," sabi niya pero tuloy-tuloy ang subo.
"Hindi raw," bulong ko habang nakatingin kay Boss Sungit na busy sa pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ni Boss Sungit ay umalis na si Boss Sungit ako naman ay naghugas ng plato.
Matapos mag hugas ng plato ay nakita ko si Boss Sungit sa sofa at nanonood ng tv.
"Boss sungit alis na ako, ha," sabi ko tumango lang naman siya, may nakita naman akong patong na patong na libro sa may center table kaya kumuha ako ng isa, napatingin naman sa akin si Boss Sungit.
"Boss sungit pahiram ha, balik ko rin," sabi ko habang kinukuha 'yong lumulubo kong bag.
"No, ibalik mo 'yan!" Sigaw niya benelatan ko lang siya bago ako lumabas ng unit niya at tumakbo papunta sa elevator.
Nek-nek niya, manghihiram lang ako wala naman masama e, para may mababasa ako mamaya sa hospital.
Maganda kaya ito, tiningnan ko ang title at nabinasa ko.
Romance Novel iyon. Maganda yata 'to, ma-try ko nga mamaya, mahilig pala si Boss Sungit magbasa.
BINABASA MO ANG
Ang P.A Kong Raketera
HumorSi Vannie ay isang raketera, simpleng mamamayan lang na sobrang dami ng nasubukan na trabaho basta legal na trabaho papatusin niya, siya na lang kasi ang bumubuhay sa kambal niyang kapatid kaya naman todo kayod. Pero nang dumating sa buhay niya ang...