Chapter 12
Nang makarating na kami sa hospital ay agad kaming pumunta sa kwarto ni Angela, nang makarating kami roon ay tuwang-tuwa ang kambal dahil nagkita sila.
Mga ilang minuto lang ang tinagal namin doon ni Boss Sungit dahil may practice pa raw sila Boss Sungit.
Kaya naman ay sabay na kaming lumabas ng hospital naghiwalay naman kami ng dereksyon ni Boss Sungit, si Boss Sungit papunta sa parking lot samantalang ako naman ay papunta sa sakayan ng jeep.
Pero matagal bago dumating ang jeep na papuntang studio nila boss sungit ay may tumigil sa harap ko, ang kotse ni Boss Sungit at binaba nito ang salamin ng bintana ng kotse niya.
"Sakay na!" Kunot noong sabi nito sa akin, inirapan ko naman siya bago ako sumakay sa kotse niya.
"Magpapasakay ka rin naman nakakunot noo pa, parang labag pa sa loob mo Boss Sungit," sabi ko, 'di naman siya umimik sa halip ay nagsimula na lang siyang magdrive.
Tahimik lang kami ni Boss Sungit habang papunta sa studio.
Nang makarating kami roon ay nagpractice agad si Boss Sungit ako naman ay nasa may sofa lang at nanonood sa kanila.
Makalipas ang ilang oras na pagpractice nila ay tinawag ako ni Boss Sungit at inabot sa akin ang susi ng kotse niya.
"Kunin mo ibang gamit ko sa kotse, may photoshoot ako ngayon bilisan mo!" Sigaw niya kaya naman napapikit ako dahil sa sigaw niya.
"Oo na!" Sigaw ko rin napangiwi naman siya, bago pa siya magsalita ay dali-dali na akong tumakbo palabas, pagkalabas ko ay dumeretso agad ako sa parking lot kung nasaan ang kotse niya, kinuha ko agad ang ibang gamit doon ni Boss Sungit pati na rin 'yong damit na nakasabit sa backseat.
Kumakanta-kanta ako habang nakasakay ako sa elevator, bawat makasalubong ko ay nginingitian ko.
Ewan ko ba good mood yata ako ngayon.
Nang makarating na ako sa studio kung saan nandoon ang boss kong masungit ay saktong lumabas naman si Boss Sungit at sinigawan ako na sundan ko raw siya, napanganga naman ako.
Tae 'to si boss sungit, kakapasok ko lang tapos alis agad kami. Ano trip niya?
Sinundan ko na lang ang masungit kong boss, mamaya magsigawan na naman kaming dalawa noon, mabalita pa ako ayoko pa naman madamay sa buhay ng pagiging sikat slash artista niya, 'no.
Napanganga ako nang bumalik si Boss Sungit sa kotse niya at nilagay ang ilang gamit na dala-dala niya roon, bago tumingin sa akin, kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ano trip mo, Boss Sungit?!" Sigaw ko sa kanya habang nakatingin ng masama, aba ano 'to? Lukuhan?
Kanina pinakuha sa akin 'yong gamit niya na nasa kotse tapos babalik dito?!
Aba sumosobra na 'tong masungit na ito, a!
"Ipasok mo na 'yang ibang gamit ko na 'yan, pupunta tayong Subic doon na raw ang photoshoot, ipasok mo na 'yang gamit ko na 'yan at aalis na tayo, bilis!" Sigaw niya.
Inirapan ko lang siya at pinasok ang mga gamit niya, nang maipasok ko na 'yon ay sumakay na si Boss Sungit ako naman at nakacross arm lang habang nasa labas ng kotse ni Boss Sungit.
"'Di ka ba sasakay? Bilisan mo!" Sigaw ni Boss Sungit sa akin.
"Sasama ako?" Tanong ko habang nakaturo pa sa sarili ko.
"Malamang P.A kita, e!" Sigaw niya.
"Oo! 'Wag na sumigaw sakit mo sa tainga, lumalabas sa kabilang tainga ko tutuli ko sa'yo!" Sigaw ko rin sa kanya at padabog na sumakay sa passenger seat pagkasakay ko ay pinaandar niya agad ang kotse niya.
BINABASA MO ANG
Ang P.A Kong Raketera
HumorSi Vannie ay isang raketera, simpleng mamamayan lang na sobrang dami ng nasubukan na trabaho basta legal na trabaho papatusin niya, siya na lang kasi ang bumubuhay sa kambal niyang kapatid kaya naman todo kayod. Pero nang dumating sa buhay niya ang...