Chapter 8

4.6K 116 6
                                    

Chapter 8

Matapos ang mahabang araw na ito ay umuwi na kami sa condo ni Boss Sungit pagdating namin sa unit ni Boss Sungit ay agad siyang umupo sa maganda niyang sofa, tumabi naman ako sa kanya.

"Nakakapagod," sabi ko habang nakasandal.

"Ikaw pa ang napagod?" Nakangising sabi ni Boss Sungit.

"Oo naman aba, 'di biro ang pagiging P.A 'no, try mo kaya ako boss mo ta's ikaw P.A ko." Nakangiting ko sabi.

"Wala kang sahod kapag nangyari 'yon!" Kunot noo na sabi ni Boss Sungit.

"Sabi ko nga, 'wag na lang," sabi ko.

Napatayo ako bigla sa sofa ng maalala ko ang kapatid ko.

"Boss Sungit, ba-bye na muna, ha? Bibisitahin ko kapatid ko baka magtampo sa akin 'yon kasi 'di ko na bisita kahapon," sabi ko sabay kuha ng bag ko at derederetsong lumabas ng unit ni Boss Sungit 'di ko na hinintay ang sasabihin niya baka 'di ako payagan, iba na ang sigurado 'no!

Siguradista lang ako.

Nang makarating na ako sa hospital ay tumawag agad si Boss Sungit.

"Boss Sungit, miss mo agad ako, sorry 'di kita na miss, e!" Nakangiti kong sabi.

"What the--"

"Packing tape, oo na," sabi ko.

"Wala akong pagkain dito, bakit ka umalis agad 'di pa kita pinapayagan?!" Tanong ni Boss Sungit, tanong pa ba kung sumisigaw na siya?

"Aba, kasalanan ko ba 'yon boss?" Tanong ko habang naglalakad.

"Anong ibig mong sabihin?!" Sigaw niya sa akin.

"Kasalanan ko ba kung 'di ka pa nakakain, bakit dala ko ba ang kaldero, ay mali rice cooker mo? Hindi naman, 'di ba? So matuto kang maging independent, malaki ka na Boss Sungit at isa pa wala na ako sa trabaho ngayon kaya ba-bye!" sabi ko narinig ko na may sinasabi pa siya pero binabaan ko na agad siya.

Bahala siya buhay niya.

Masaya akong naglakad papunta sa ward kung nasaan kapatid ko mabuti na lang at 'yong nababaan ko kanina ay kaharap lang ng mga prutas kaya bumili ako ng orange at apple.

Maraming ganito sa unit ni Boss Sungit dapat kumuha na lang pala ako roon, sayang 'di bale next time kukuha ako.

Nang makarating ako kung nasaan ang kapatid ko ay nagulat ako nang wala siya roon, agad naman akong kinabahan, nilapitan ko naman ang nurse na nagche-check sa pasyente, mabuti na lang ay sinabi sa akin na nilipat daw sa private room ang kapatid ko kahit nagtataka ako kung paano na punta sa private room ang kapatid ko, pinuntahan ko na agad ang room ng kapatid ko pagdating ko roon ay nakita ko agad si Aling Nina at ang kapatid ko na natutulog pa.

Agad naman akong lumapit kay Aling Nina.

"Sino po naglipat dito sa private room?" Tanong ko agad kay Aling Nina, 'di naman ako ang nagbayad kasi wala pa akong pera.

"Ha? Hindi ba ikaw?" Tanong ni Aling Nina.

Umiling naman ako.

"'Di ko pa po nakukuha sahod ko kaya 'di ko pa pwedeng mailipat ang kapatid ko, paano nangyari 'yon?" Tanong ko rin.

"Hay, kung sino 'man 'yon magpasalamat na lang tayo dahil dito mas makakapagpahinga ng maayos si Angela," sabi ni Aling Nina.

"Tama po kayo, ay Aling Nina okay na po ako rito. Ako naman po ang magbabantay, pasensya na po talaga sa abala, si Angel pa pala kamusta?" Tanong ko.

Ang P.A Kong RaketeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon