Chapter 1

9K 177 4
                                    

Chapter 1

"Good morning, ate!" Narinig ko na sigaw ng dalawa kong kapatid na kambal, kaya naman nagmulat na ako ng mata nakita ko naman sila na nakangiti sa akin.

"Hello kambal," sabi ko habang nakangiti sa kanila.

"Ate bangon ka na, kain ka na," sabi ni Angel. Umupo naman ako sa pagkakahiga at tinaas ang dalawa kong kamay.

"Tayo niyo si ate, dali," sabi ko, tuwang-tuwa naman nilang hinila ang dalawa kong kamay.

Nang makatayo na ako ay pumunta na kami sa munti naming kusina.

Maliit lang kasi ang bahay namin, tama lang para sa aming magkakapatid.

"Ate, alam mo ba na-perfect namin ni Angela 'yong exam?" Excited na sabi ni Angel habang nasa tapat ko na't kumakain ng lugaw katabi niya naman si Angela, pitong taong gulang na sila at grade one na sila.

"Ang galing naman ng kambal kong kapatid!" Nakangiti kong sabi sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin.

"Bilisan niyo kumain kambal, aalis na rin ako may raket kasi ang ate niyo." Masaya kong sabi sa kanila.

"Talaga ate! Galingan mo po," sabi ni Angela.

"Syempre, gagalingan ni ate," sabi ko.

May binigay kasi sa aking raket 'yong bakla kong kaibigan magwa-waitress daw ako roon sa bar na pinagtatrabahuhan nila.

Sa panahon kasi ngayon mahirap makahanap ng regular na trabaho, laging hinahanap ay college graduate o 'di kaya nakatungtong ng koleheyo.

Ako naman 'di na kapag college hanggang high school lang natapos ko, 'yong namatay kasi ang mga magulang namin fourth year high school na ako noon, kaya naman 'di na ako nag-aral ng koleheyo nagtrabaho na lang ako pang tustos sa dalawa kong kapatid. At kahit papaano naman nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

Kahit paraket-raket lang ako nabubuhay ko naman ang dalawa kong kapatid, kahit sila na lang ang makatapos ng pag-aaral masaya na ako.

Sila na lang kasi ang natitira kong kapamilya kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.

"Ate tapos na!" Sigaw ni Angela at Angel habang nakataas ang dalawa nilang kamay.

"Ang galing ng mga babies ko! O siya ligo na kayo, wala kayong school ngayon kasi Sabado, roon muna kayo kila aling Nina, ha," sabi ko sa kanila.

Si Aling Nina kasi ang tumulong sa amin simula nang mamatay ang mga magulang namin.

Lagi ko iniiwan kay Aling Nina ang kambal, 'di naman nila pinababayaan ang kambal tuwang-tuwa pa nga sila, e.

"Opo, Ate!" Sabay na sabi ng kambal, mabilis naman silang tumakbo papunta sa banyo, ako naman ay niligpit ko ang pinagkainan namin.

Nang matapos na ang kambal maligo ay ako naman ang naligo, matapos 'yon ay hinanda ko na ang gamit ko at ang mga gagamitin ng kambal.

"Kambal, tara na dali," sabi ko sa kambal na nakaupo sa kahoy na sofa namin.

Madali naman silang lumapit sa akin sinaraduhan ko na ang bahay at naglakad na kami papunta sa bahay nila Aling Nina na 'di naman kalayuan sa bahay namin.

Nang makarating na kami ay nakita ko agad si Aling Nina na nasa may pintuan ang bahay parang iniintay talaga ang kambal.

"Aling Nina, dito lang po muna ang kambal raraket lang po ako," sabi ko.

"Oo naman," sabi ni Aling Nina.

"Kambal alis na si ate, ha," sabi ko tumango naman ang kambal at sabay na humalik sa pisngi ko.

Ang P.A Kong RaketeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon