Chapter 6

5K 123 3
                                    

Chapter 6

Matapos kong ubusin ang mga hinanda kong pagkain ay nilinis ko na ang pinagkainan.

At oo inubos ko lahat, si boss sungit kasi kaunti lang ang kinain baka gutumin 'yon mabuti na lang at nag-ready ako ng makakain kanina.

Matapos ko malinis ang pinagkain namin este ko pala ay pumasok ako sa kwarto ni boss sungit mabuti na lang at nakadamit na siya ng mga panahon na 'yon pero sayang!

"Boss Sungit!" Tawag ko kay boss sungit, kunot noo naman siyang tumingin sa akin.

"Bakit ba lagi mo na lang akong tinatawag na Boss Sungit?" Tanong niya.

"Bakit mabait ka ba?" Tanong ko, kunot noo lang naman siya at tiningnan ako ng masama.

"Boss Sungit may extra ka ba riyang damit?" Tanong ko napatingin naman siya sa akin mula ulo hanggang paa.

"Tingnan mo sa closet ko baka may damit!" Masungit niyang sabi sabay kuha ng backpack niya.

"Salamat Boss Sungit, makikiligo na rin ako ha," sabi ko. 'Di naman siya sumagot, pumunta ako sa closet niya at naghanap ng damit nang makita ko roon, 'yong paper bag na nasa pinakababa ay tiningnan ko.

Tamang-tama may damit at undies na rin.

"'Yan ang mga dadalhin mo mamaya," sabi ni Boss Sungit sabay turo sa akin na nakalagay sa kama niya, parang mga damit nga 'yon e, nakaplastic lahat siguro nasa limang damit 'yon ta's may katabi pang may kalakihan na shoulder bag.

"Aye! Aye captain," sabi ko habang nakasaludo ba 'di niya naman ako pinansin at lumabas na ng kwarto niya, dali-dali naman akong pumasok sa banyo ni Boss Sungit napa-wow ako ng makita ko 'yon. Ang laki ta's ang ganda, may nakita akong towel doon kaya kinuha ko 'yon at inamoy medyo basa pa 'yon ng kaunti.
Amoy Boss Sungit siguro towel niya 'to.

Magamit ko nga!

Pumasok agad ako sa shower at nagsimulang naligo.

Nang matapos na akong maligo ay binalot ko ang katawan ko ng tuwalya ni boss sungit bago ko suotin ang undies, ang 'yong jeans at damit, matapos akong maligo ay humarap ako sa salamin at inamoy ang hininga ko.

Kadiri, wala pa pala akong toothbrush.

Napatingin ako sa toothbrush na nakita ko napangiti naman ako at kinuha 'yon, inamoy ko muna 'yon.

"Ang bango!" sabi ko, nakangiti akong nilalagyan 'yon ng toothpaste.

"Hello toothbrush, ako nga pala si Vannie pahiram ako, pagamit na rin 'wag mo ako sumbong kay Boss Sungit baka magalit 'yon!" sabi ko habang nakatingin sa toothbrush, matapos kong kausapin ang toothbrush ni boss sungit ay tinoothbrush ko na 'yon.

Nang matapos na ako magtoothbrush ay nilagay ko na ulit siya sa lalagayan bago ako lumabas ng banyo, tumingin ako sa salamin ni boss sungit at nakita ko na magulo ang buhok dahil bagong ligo lang ako.

"Hey! Can you make it faster!" Sigaw ni boss sungit, kaya naman dali-dali ko na agad kinuha ang shoulder bag at 'yong mga damit sabay labas ng kwarto ni Boss Sungit tiningnan niya lang ako saglit bago siya magsalita.

"Tara na!" Masungit niyang sabi.

"Wait!" Pigil ko, agad naman akong tumakbo papuntang kusina at kinuha 'yong nakasupot na pagkain bago ko ilagay sa bag na dala ko, agad naman akong tumakbo kay Boss Sungit na kunot noo na naman nakatingin sa akin.

"Gora na tayo boss!" sabi ko, 'di niya naman ako pinansin mabilis naman agad siyang lumabas ng unit niya kaya naman agad akong sumunod, syempre nilock ko na rin 'yong unit niya, mamaya manakawan pa 'yon ako pa masisi, masesante pa ako naku kailangan ko pa naman ng pera ngayon nasa hospital ang kapatid ko.

Ang P.A Kong RaketeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon